Chapter 7

1K 10 0
                                    

Kuya is Miguel's Senior in highschool. Same course sila sa college. Kuya is in 4th year this year, graduating. And Miguel is also 2nd year like me. All boys school sila dati nag aaral.










Nasabi ko na kaya kong manghingi nalang kay Kuya ng pera if I want. Kuya is taking business, may mga convenience store na siya now. And ngayon ko lang din nalaman na yung bar na pinuntahan namin is pagmamay ari pala ni Miguel. Kaya pala pupunta siya dun mamaya.











Silang dalawa ang kinilala ng course nila na successful at a young age. Pag sinearch mo sila sa google, aba lalabas.










" Talaga bang seryoso ka sa panliligaw sa kapatid ko?" tanong ni Kuya. Pinalabas ni Miguel na nililugawan niya ko.










"Mukha ba kong hindi seryoso?" tanong ni Miguel











"Aba malay ko, bar kaya yung business mo. Andami daming babae dun" sabi ni Kuya.











"Totoo naman. Dun ko nga nameet si M----" tinapakan ko naman yung paa niya.










"Sino?" tanong ni Kuya










"Si Liana."sabi ni Miguel." Nililigawan ni Anton. Then, siya din nagpakilala sa akin kay Max, binigay niya yung number ni Max sa akin " sabi ni Miguel.










" Oh." sabi ni Kuya." Di ba aalis ka na bukas? Magpasama ka nalang kay Miguel papunta sa dorm mo" sabi ni Kuya sa akin. "May tiwala naman ako kay Miguel e" sabi niya pa.










"Oh, Max. Pwede bang sa condo ko nalang siya mag stay?" tanong ni Miguel kay Kuya. If nalilito kayo, Max is my Kuya. As in Max lang name niya, ako kasi Maxive, tas ginagawang nickname ko is Max.










"Pwede naman. Gusto mo ba?" tanong ni Kuya sa akin











"Sa ibang room ako di ba? Hindi siya kasama?" tanong ko.











"Depende sayo, kung gusto mo sa iisang room nalang tayo."sabi niya ni Miguel dahilan para hampasin siya ni Kuya.











" Malamang magkahiwalay kayo. Father ni Miguel yung may ari ng condo na pinag iistay-an niya. Kaya si Miguel na bahala sayo" sabi ni Kuya.










"Pag dating talaga sa pagtitipid, panalo tong Kuya mo" sabi ni Miguel sa akin.










"Punta ka sa store ko. Kahit saang branch, libre ka na" sabi ni Kuya.











"Mag go grocery talaga ako sa store mo" sabi ni Miguel.











Iniwan kami ni Kuya sa sala pagkatapos nila mag usap ni Miguel. May tumawag kasi sa kaniya about sa store.










"Dun ka sa room ko mag iistay" bulong ni Miguel sa akin.










Hinampas ko naman siya sa hita.










"Gusto mo sumama sa bar ngayon?" tanong ni Miguel sa akin.










"Di na ko papayagan ni Kuya."sabi ko










" Akong bahala" sabi niya sabay pat sa ulo ko.









___

"O sige. Dalhin mo na din yung gamit niya sa condo mo" nanlaki yung mata ko sa sagot ni Kuya pagkatapos sabihin ni Miguel na isasama niya ko sa condo.











Pagkatapos kumain, kinuha na namin yung maleta ko tapos umalis din agad. Mag do dorm din sana si Kuya kaso may mga kailangan siyang gawin sa business nya kaya ni required siya na mag online class nalang pero may times na need niya pumunta sa school.

The New Classmate is my FuBu? Where stories live. Discover now