Chapter 12

767 5 0
                                    

Pagkabalik ko sa room. Nakaupo si Anton sa upuan ni Jela. Nakaupo naman si Jela sa upuan ko. In short, sinusuyo ni Anton si Liana. Napairap naman ako













"Tama na yan. Magbabati din naman kayo mamaya. Alam kong marupok si Liana e" sabi ko kay Anton.











"Anong sabi ni Sir?" tanong ni Liana. Inabot ko yung papel na hawak ko kay Anton.












"Excuse form niyo daw lima." sabi ko kay Anton. "And i tour mo daw silang anim dito sa school" sabi ko kay Liana. "Bumuo ka na din daw ng team para sa research competition. Hindi na daw papasok si Sir. Pag usapan niyo na daw yung research" sabi  ko pa.











"Para saan yung excuse form nila Anton?" tanong ni Jela.












"Varsity sila ng PU. Para sa game nila yan" sabi ko.












"Guys" pumunta si Liana sa unahan. Si Liana yung president namin last sem, and vice naman ako. "Need na daw nating bumuo ng team for research team. Familiar naman kayo dun no?" tanong ni Liana.
"3 team, 5 to 6 members. Yung mga interesado, magpalista nalang kayo kay Jela. We will wait until 12 pm" sabi niya.











"Max. Sa team ka naman namin sumama" sabi ng kaklase ko.











"Oo nga. Kung saang team ka kasi sure panalo e" sabi ng isa pa.











"Pag gusto niyong kunin si Max. Kunin nyo din kami ni Liana" sabi ni Jela.











"Hi, pwede magpalista??" biglang sumulpot si Lurice sa likod.











"Omyghad, oo nga pala. Kaklase natin si Lurice. Nakalaban niya si Max dati di ba? Room of Geniuses pala tong classroom natin" napatingin ako kay Lurice. Siya nga yung kahalikan ni Miguel sa labas ng condo.











"Nagkalaban na tayo dati?" tanong ni Lurice sa akin.











"Siguro. Hindi mo lang mamumukhaan si Max ngayon kasi ibang iba yung itsura niya dati" sabi ni Jela na mukhang alam niya na si Lurice yung ex ni Miguel.











"Hi" sabi ko kay Lurice nakipag shake hands naman siya sa akin.












"Babe" biglang humarang si Anton sa kamay namin ni Lurice dahilan para magbitaw kami ng kamay. Lumapit siya kay Liana. Napaatras naman si Lurice.











"Papatayin ako ni Miguel pag hindi ko pa kayo napagbitaw" bulong niya sa akin.












" Lurice Vanes Quizon. Palista nalang ako. Thank you" umupo naman siya sa tabi ni Miguel. Nakita ko pa si Miguel na tumingin sa akin pero wala siyang ka ekspresyon ekspresyon











"Delikado ka na" sabi ni Jela sa akin nung mapansin niyang nakatingin ako kay Miguel. Hinampas ko naman siya sa braso.










___
" 2 teams lang daw bubuuin ni Sir ngayon" sabi ni Liana pagkabalik niya galing sa office ni Sir.












"Laglagan tayo? Like before? " tanong ni Jela.











"May 15 candidates, 12 lang daw kukunin. 6 each team so may tatlong matatangal. Kung gusto niyong mag back out, do it now. Para wala ng laglagan" sabi ni Liana.












"Aalis nalang kami" sabi nung kaklase ko. Lima silang nagtaas ng kamay.












"Okay, edi kulang pa kami ng dalawa" sabi ni Liana.











"Ako" biglang nagtaas ng kamay si Miguel. Biglang ngumiti si Lurice. "Pati si Mico" sabi niya pa.

The New Classmate is my FuBu? Where stories live. Discover now