Chapter 38

522 5 0
                                    

Nasa room ako ngayon nila Zane. Wala kaming prof ngayon kasi busy sila sa grades. Hindi rin ako masyadong iniistorbo nung iba dahil alam nilang busy ako sa research.












"Max" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Jela yun.











"Anong kailangan mo?" tanong ko.











"I'm really sorry. Sana mapatawad mo na ko" sabi niya.












"May kailangan ka pa ba?" tanong ko. "Sige papatawarin kita. Pero hindi ko na maibabalik yung dating tayong tatlo. Pati si Liana, hindi ko na alam kung na kanino na yung loob niya." sabi ko.











"Max, bumalik na tayong tatlo sa dati. Miss na miss ko na kayong dalawa" sabi niya. Napailing nalang ako












"I can forgive, Jela. And I forgive you. But I can't forget, I will never forget how you betrayed me because of that man" sabi ko.











"Zane, Warren, Max. Dun na daw tayo sa office sabi ni Ma'am" sabi ni Christian. Tumayo ako at nilagpasan si Jela.











Nakarating kami sa office. Tinawagan naman ni Christian sila Liana and Miguel kasi still ka group namin sila











"Hi, start na tayo ng meeting." sabi ni Christian.











"So, naapprove na yung sinend kong drafts. Hatian na tayo ng parts. As soon as possible ma send niyo agad sa akin" sabi ni Warren sabay abot ng mga papel sa amin.











"Kay Miguel is Conclusion, RRL, and introduction (Human interaction)" sabi ni Zane. "Kay Liana, theoretical and conceptual. Then introduction (Examples)" sabi ni Zane sabay abot sa akin nung papel nung dalawa. Nilagay ko naman sa gilid ng mesa yun











"Work now. And maya maya, update tayo ng finish works" sabi ni Christian.











"Gusto mong kumain?" inayos ni Zane yung buhok ko na nakaharang sa papel na sinusulatan ko.











"Awkward hoy" sabi ko sa kaniya. Bigla namang tumawa si Warren kaya natawa na din kami kahit si Christian na seryoso kanina.











"Magtrabaho na, Zane. Mamaya ka na manligaw dyan" sabi ni Christian. Biglang namatay yung call ni Miguel. Kaya si Liana nalang yung kausap namin.











"Nagselos" sabi ni Liana.












"Bat siya magseselos? May Kate naman siya dyan?" bigla kong nahampas si Zane after nyang sabihin yun.











"Max. Hindi namin makausap ng maayos si Miguel simula nung umalis ka. Hindi na din sya nagpa practice pag may practice sila. May laban sila bukas pero wala siya sa wisyo. Kausapin mo na muna siya oh" sabi ni Liana.












"Kailan mo pa alam?" tanong ko sa kaniya. Napatigil siya. "Bakit ka nakikiusap sa akin na kausapin ko siya? Inutos ni Anton sayo no? Simula nung naging kayo ni Anton, hindi ko na alam kung sinong kaibigan mo. Alam mong niloloko ako ni Miguel di ba? Kailan mo nalaman?" tanong ko. Natahimik si Liana. "Stop contacting me from now on. Parehong pareho kayo ni Jela. Tini take advantage niyo lang yung pagiging magkakaibigan natin." sabi ko. Tumayo ako at nagligpit ng gamit. "Isesend ko nalang yung mga parts ko sayo mamayang gabi, Christian. Uuwi na ko. Wala na kong gana" sabi ko. Lumabas na ko ng office. Hinabol pa ko ni Zane tsaka niyakap ng mahigpit.

The New Classmate is my FuBu? Where stories live. Discover now