Chapter 8

993 5 0
                                    

Dinala ako ni Miguel ulit sa condo niya. Sa tapat ng room niya, dun niya ko dinala.










"Props lang yan. Dun ka sa kwarto ko matutulog" sabi niya









"Desisyon ka pala" sabi ko sa kaniya.










"Ayusin mo nalang yung mga gamit mo. Tas grocery tayo sa store ng Kuya mo" sabi niya.










"Magbabayad ka o hindi? Pag hindi, huwag nalang" sabi ko.









"Magbabayad ako baliw. Kailangang kailangan ng Kuya mo ng pera about sa pinapagawa niyang bagong branch. Ang kapal naman ng mukha ko kung kukuha pa ko ng libre." sabi niya.










"Ayoko magbayad."sabi ko bigla. Naisip ko kasi nakalimutan akong bigyan ni Kuya ng allowance














" Ang moody talaga ng baby ko" sabi niya sabay buhat sa akin pahiga sa kama. Pumatong siya tas inayos ayos yung buhok ko.











"Di niya kaya ako binigyan ng allowance" sabi ko.











" I'll give you" sabi niya sabay halik sa labi ko pero smack lang yun.













" Kailan pa kita naging tatay?" tanong ko sa kaniya.











"If ayaw mo ng ganung lalaki. Edi hindi na" sabi niya, tatayo na sana siya ng hilahin ko siya.











"Sinong nagsabi na ayoko sa ganung lalaki?" tanong ko. Bigla siyang ngumiti at hinalikan ako.











____

After THAT, nakalabas na kami ng condo, para bumili ng stock sa ref.












(Oo, sira ka. Di kita nabigyan. Ise send ko nalang sayo) nasa kotse na kami ng tumawag si Kuya.











"Papunta na kami sa store mo. Libre mo nalang ako" sabi ko.












(Okay, fine. Call me if you need anything. Stay safe. I love you) sabi ni Kuya bago patayin yung tawag. Si Kuya yung strikto kong kapatid pero sweet.












Pagpasok palang nung store. Binati na ko ng mga empleyado dun.











"Ma'am, napabisita kayo?" tanong nung cashier sa amin.











"Huwag niyo nga akong I-Ma'am." sabi ko. "Lumipat na ko sa condo dyan lang, para sa next semester. Bibili lang ako ng pagkain. Nasabihan na kayo ni Kuya?" tanong ko.











Biglang lumabas yung manager.












"Yes Ma'am. Kuha nalang daw po kayo ng kailangan niyo" sabi niya. Tumango naman ako. "Ay Ma'am" pinigilan niya ko sabay pakita ng text ni Kuya.












From : Boss Max

Papunta si Maxive sa place niyo ngayon. Ibigay niyo lahat, but

No Alcohol
No Cigarettes
Limit the snacks
No Instant noodles

Mag sesend ako ng pera sayo, tulungan niyong bumili ng bigas yang babaeng yan. Baka masobrahan na naman sa noodles yan.











"Paki send na lang po sa akin yung sinend ni Max. Ako nalang po ang sasama na bumili ng bigas" sabi ni Miguel.











"Sino po kayo?" tanong nung manager kay Miguel











"Tawagan mo si Max ngayon. Sabihin mo kasama ni Maxive si Miguel." sabi ni Miguel. Habang ako nahihiya na dito.












"Manager, ilang chips po pwede?" tanong ko sa kaniya. Biglang tumawa si Manager kaya kinulit ko siya ng kinulit. "Manager huwag ka nalang maingay kay Kuya" natatawa na yung mga empleyado ni Kuya sa ginagawa ko.












"10, okay na yun?" tanong ni Manager













"Aaahh. Manager isang araw lang sa akin yun" sabi ko.












"Balik ka nalang pag ubos na" tinawanan na nila ako.

The New Classmate is my FuBu? Where stories live. Discover now