Chapter 35

525 5 0
                                    

"Si Manang Rosa?" tanong ni Kurt sa akin. Bumalik ako ng restaurant pagkatapos ng pangyayaring yun. Nakauwi na yung iba. Pagbalik ko sila Liana, Anton at Kurt nalang nandito.














"Oo, inabutan niya ko ng bulaklak kanina. Tas pagtingin ko nawala na. Sabi nung nagwawalis, tandaan ko lang yung mga sinabi niya sa akin" sabi ko.













"Si Manang Rosa . Sabi nila, Guardian Angel daw ng mga sawi sa pag ibig yun. Tuwing may umiiyak na babae sa paligid, bigla bigla nalang magpapakita yun. Sabi nila yung rosas nawawala pag nilagay na ni Manag Rosa sa puso ng babae yung rosas. Wala talaga siyang pangalan. Tinawag siyang Manang Rosa kasi rosas yung binibigay niya.













"Multo ba siya?" tanong ko. Umiling si Kurt.














"Walang nakakaalam. Kung multo siya. Napabuti niya" sabi pa ni Kurt.  "San ka pala galing kanina!?" tanong niya pa.














"Bakit sa tuwing nag wa walk out ako. Hindi niyo man lang ako hinahabol?" tanong ko kila Liana.














"Paano ka namin hahabulin. E alam namin na dyan ka lang pupunta, kasi takot kang maligaw" sabi ni Liana.














"Balik na tayo sa Manila" sabi ko kay Liana. Biglang tumulo ulit yung luha ko. Ginulo naman ni Kurt yung buhok ko. "MAY ALAK BA DITO?" Sigaw ko. Nanlaki naman yung mata nila.














____

So ayun na nga. Uminom nalang ako kasi wala na kong magawa sa buhay ko. Gusto ko nalang magpakalasing.















"Kailan ka pa natutong uminom ng ganyan?" tanong ni Kurt sa akin.













"Ano bang tingin mo sa akin? 16 years old?" tanong ko. Umiling siya.













"Ilang taon ka na ba sa tingin mo?" tanong niya.













"Hoy 21 na ko. Malapit na ko mag 21. Legal na ko." sabi ko. Tumango naman siya sa akin.














"20 ka palang. Mag bi birthday ka palang" sabi niya














"Oo nga no? Mag bibirthday ka na" sabi ni Liana














"Siraulo ka, huwag mong sabihin na nakalimutan mong birthday mo next week?" tanong ni Kurt sa akin.














"Birthday mo next week!?" tanong ni Anton.














"Ha. HAHAHAHAHAHA oo nga no" sabi ko pa habang tawa pa din ng tawa.














"Ay gaga ka" sabi ni Liana sa akin.














"Hanapan niyo ko ng jowa bago ako mag birthday. O kaya regaluhan niyo ko ng jowa para naman masaya yung birthday ko" sabi ko.














"Di mo kailangan ng jowa para sumaya. Ano ka ba" sabi ni Anton.














"HAHAAHAHAHA. Oo nga no. Ay basta" sabi ko.













________

Pag gising ko. Nasa tabi na ko ni Miguel. May damit pa naman ako kaso medyo masakit yung ulo ko. Tumayo ako at dumiretso sa banyo sabay suka.














"Okay ka lang?" tanong ni Miguel na halatang nagising dahil sa akin














"Uuwi na ko mamaya after ng game niyo." sabi ko habang iniinom yung tubig sa mesa sa gilid ng higaan.













"Bakit!?" tanong niya.













"May gagawin pa kong research. Iiwan ko naman si Liana dito. Para may kasama pa din kayo. Kami nalang muna nila Christian yung mag aasikaso ng research para sa finals."sabi ko.














" Intayin mo ng matapos yug game. Magpasama ka nalang kay Liana gumawa ng final research. Tawagan niyo nalang sila Christian para mapag usapan."sabi niya.

The New Classmate is my FuBu? Where stories live. Discover now