Chapter 29

544 9 0
                                    

"Mukhang palaban ang PU, how about you, Kurt?" sabi nung announcer








"Ipapatikim ng teammates ko sa inyo yung pinamamalaking dessert ng team namin. PAGKATALO" sabi ni Kurt. Biglang nagsigawan yung mga tao sa court. "Kaya niyo yan. Huwag niyong ipahiya yung mga sarili niyo sa mga tao dito, huwag niyo din akong ipahiya sa babaeng minsan ko ng dinissapoint. Watch me change, Max" bigla akong pinagtinginan yung mga kaklase ko tas nagsigawan. Nakita kong nag react si Miguel at may tinanong siya kay Kurt. Kinuha nung announcer yung mic para di namin marinig yung usapan nung dalawa. Nag usap lang sila pero parang kaunti nalang mananapak na si Miguel.
Nagulat kami ng bigla silang mag shake hands.








"Teka, ano munang usapan" tanong nung announcer.








"I just ask if yung Max na sinabi niya is yung Max na classmate ko." sabi ni Miguel. "Baka Maxive ng B101 - MA2 yan" sabi ni Miguel sabay tingin sa akin. Halata sa boses niya pati sa tingin niya na naiirita siya









"I'm curious kung sino yung Max" sabi nung announcer. Bigla akong tinuro nung mga kaklase ko. Nagtago naman ako sa likod ni Liana. Naalala ko kasi ipapalabas sa tv e.













"Let's start this para madurog na namin kayo" sabi ni Miguel sabay lakad pabalik sa bench nila. Nagtinginan pa sila.













"Lia, dito kayo" tinawag ni Anton si Liana. Hinila naman ako ni Liana papunta dun. Nasa likod kami ng bench nila.












Nagulat kaming lahat ng ibato ni Miguel yung mineral water sa sahig. Kinagat niya bigla yung damit niya. Tas lumapit sa akin.












"Kailangan mo mag explain mamaya." bulong nya. Napatango nalang ako nung mga oras na yun












Unti unti ko ng tinatanggap kung ano kami. Kaya hindi rin siguro ako masyadong apektado kanina nung nakita ko si Lurice na humawak sa braso niya. Pero sabi niya nga hanggang FuBu lang yung kaya niyang ibigay.













2nd quarter na. Kakatapos lang game 1. Biglang lumapit si Kurt sa amin. Nakita ko kung paano tignan ni Miguel si Kurt.














"Max" tawag niya sa akin. Tumayo ako hinila si Kurt palabas ng court.













"Kamusta ka na? Di ko alam na dito ka lumipat" sabi ko sa kaniya. Kumamot pa siya ng ulo niya sabay ngiti.














"I didn't expect na makikita dito. I want to say sorry dun sa pag alis ko. I heard pinapansin ka na ni Jackson? Don't fall for him. May jowa na yun" sabi niya. Habang nagkukwento. Natawa naman ako














"Okay na kami. I hope na okay ka din dito sa nilipatan mo" sabi ko. Tumango siya sabay yakap sa akin.














"I told you before na aalagaan kita at humihingi ako ng sorry for not doing it" sabi niya.


.










"Ano ka ba. Okay na yun. Wala na naman akong sama ng loob sayo e. Nagalit ako pero para saan pa di ba!? By the way, may girlfriend ka na!?" tanong ko.














"Yeah. Ipapakilala kita mamaya. Oo nga pala. Yung Miguel, boyfriend mo?" tanong niya.














"Hindi. Bakit?" tanong ko














"Nagalit siya nung binanggit ko yung name mo kanina e" sabi niya.

The New Classmate is my FuBu? Where stories live. Discover now