Chapter 13

755 7 0
                                    


"Sinong kukunin mo?" tanong ni Liana sa akin. Nasa listahan ko yung top 3 tsaka top 5 namin. Top 1 kasi ako, tas 2 si Liana. Top 4 si Jela. Pagpipilian namin yung dalawang lalaki.












Nasa harap namin si Sir ngayon at nagpipiliian na.












" Sa team ko na si Miguel" sabi ni Lurice.












"Sorry Ms. Quizon but its Ms. Lavendre's turn to choose" sabi ni Sir.











" Max ikaw nalang inaantay" bulong ni Liana sa akin. Tinitignan ko pa si Miguel tsaka si Mico. Nakita kong si Mico na tinuturo si Miguel.











"Pag di mo pinili si Miguel. Malilintikan si Mico" bulong ni Anton sa akin.












"Okay, then I'll choose Miguel" sabi ko.











Hindi ko pinili si Miguel dahil kay Mico. Pinili ko si Miguel para ma upset si Lurice. Iniwan nila akong problemado pagkatapos nila maghalikan sa harap ko. Aba deserve kong gumanti.











"Okay, Mico go to Lurice team" sabi ni Sir. "For 1 month, gagawa kayo ng research drafts, Max and Lurice kayo ang aasahan ko sa mga data okay?" tumango naman ako. Nakita kong nakasimangot si Lurice habang nakatingin sa akin












"Yes, Sir" sabi ko.












Nag form agad kami ng circle para pag usapan yung gagawing drafts. Buti nalang at matatalino tong kinuha ko. Pati si Miguel nagbibigay ng ideas regarding sa naiisip na topic ni Jela at Maria.











"Max, anything to add?" tanong ni Liana sa akin











"Wala wala. Okay na to. I'll encode this and irereport ko na kay Sir agad" sabi ko












"Why did you choose Miguel over Mico?" bigla akong napatigil sa pag ta type nung tanungin ako ni Maria.











"I heard gusto ni Lurice makuha si Miguel. I assume na matalino si Miguel kaya siya gusto ni Lurice. So I get him, since kilala siya ni Lurice" sabi ko











"Para namang di mo kilala si Miguel?" biglang hinampas ni Liana si Jela.











"Ah. By the way, pag naapprove na ni Sir. Let's start na mag distribute ng parts."sabi ko.











" Miguel, girlfriend mo ba si Lurice? "tanong ni Ella. Maria is Top 3 and Ella is Top 5.












"Ex girlfriend. Wala akong girlfriend" sabi ni Miguel.











"Talaga?" bigla pang kinilig si Ella












"May bago na daw heartthrob yung school hindi na si Jackson mo" hinampas ko naman si Liana.











"Nananahimik si Jackson sa classroom nila baka mabilaukan yun" sabi ni Maria.











"Sino si Jackson?" tanong ni Miguel.











"Super duper ultimate mega crush ni Maxive Raine. From Medicine course yun" sabi ni Ella.











"Well, gwapo naman talaga si Jackson. Dr. Heart nga yung tawag nila dun e" sabi ni Jela.











"Manahimik na nga kayo. Akala ko ba siya na yung gusto niyong heartthrob. Huwag niyo na ngang pag usapan si Jackson" sabi ko.











Nakita kong seryosong nakatitig si Miguel sa akin.











Paglabas ng classroom. Andaming babae ang nag aantay sa main building namin.











"Narinig na ata nila yung about kay Miguel. Mukhang dadami na naman yung tao sa building natin ah" sabi ni Liana











" Oh my ghad ang gwapo nga niya" sabi nung babae napatingin ako kay Miguel. Tinignan niya ko tas ngumisi.

The New Classmate is my FuBu? Where stories live. Discover now