CHAPTER 30

590 15 3
                                    

CHAPTER 30

Merabella Point of View

NAGSIMULA NA ang birthday party na inihanda para kay Sir Red dito sa loob ng Mansion nila at marami narin ang mga bisita ang narito na karamihan ay kamag-anak nila.

Narito din sila Mama at Papa na ngayon ay nasa table kasama sila Tita Akiena at Tito Kalvin. Imbitado din sa party sina Kuya Micco at Kuya Matt pati na si Samantha na nasa tabi ni Kuya Micco.

Pili lang ang mga imbitado at sinigurado nina Tita Akiena na mga kamag-anak lang nila ang naririto.

"Good evening ladies and Gentlemen!" Panimula ni Tita Akiena, "This Party is for my son's, Red Kieferson Villanuevas' twenty eight birthday, and to celebrate also for the new member of the family, Merabella Del Valle my sons' fiance. Enjoy the party everyone. Cheers!" Itinaas ni Tita Akiena ang champagne nitong dala at ngumiti sa'min ni Red pagkatapos.

"Sorry for Moms' word." Bulong ni Red malapit sa tenga ko. Nakayakap ito sa likod ko habang nakapatong ang baba sa balikat ko.

Nagtatakang tiningnan ko siya. "Yong Fiance? Bakit ka naman nagso-sorry Red, hindi ba yun naman ang totoo?" Ipinakita ko sa kaniya ang singsing na nasa daliri ko. "Heto nga yung singsing na ibinigay mo sa'kin noon sa Yacht."

"Hmm. Pero gusto kung ulitin ulit iyon. And this time, you will say yes lovingly while I'm kneeling in front of you with a velvet box in my hand and asking you to marry me." Wika nito na nagpalakas ng tibok ng puso ko.

"Sinasabi mo bang magpro-propose ka ulit?" 

Pinihit niya ako paharap sa kaniya at masuyong sinapo ang pisnge ko. "Yes, Baby. And it will be a romantic proposal."

Napaawang ang labi ko sa gulat. Oh God!

"Kuya Kief!" Napakurap ako ng ilang beses bago lingunin ang pinanggalingan ng boses.

"Happy birthday, Kuya Kief!" Anang nito ng makalapit sa'min.

Binitawan ako ni Sir at humarap sa babaeng nasa harap namin. Hindi ba siya yung pinsan ni Red na pinagkamalan kong may relasyon sila? What's here name again?

"Merandelle?" Gulat na wika ni Sir at medyo nakaawang pa ang labi nito. "Ikaw nga! Anong... Bakit ngayon ka lang nagpakita? It's been a month without seeing you. What happened?"

Yumakap ito kay Red at ngumiti bago kumalas, "Well, tapos na ang medication ko and you know what? I'm now fully recovered!" Masayang sabi nito at nagtalon talon pa.

So childish.

"That's good to hear then. Where's Auntie Ada?" Mapagkuwang tanong ni Sir.

"Si Mommy?" Lumingon lingon ito at oara bang may hinahanap. "Oh! There! She's wait someone... wait, what his name again? Ahm, Tito, ahm, Tito Dom. Right! Tito Dominic." Anito sabay turo sa isang table na nasa gilid malapit sa may bintana.

"Who is he?" Kunot-noong tanong ni Sir habang nakatingin duon sa tinuro ni Merandelle.

"She's my Moms' friend, Kuya. Sige aalis na ako. Sabi kasi ni Mommy huwag akong lumayo sa kaniya e. Bye Kuya Kief and hello Ate Merabella, nice meeting you again." Pagkasabi niyon ay mabilis itong umalis sa harap namin at pumunta sa Mommy nito.

"So naughty." Naiiling na wika ni Sir bago humarap sa'kin. "Hey, baby, c'mon let's dance." Anito at hinila ako papunta sa gitna kung saan maraming sumasayaw ng sweet dance.

Pinulupot nito ang kamay ko sa leeg niya at pinalibot naman niya ang braso sa beywang ko, "I love you."

Napangiti ako bago isandal ang ulo ko sa dibdib niya. "I love you too."

TE AMO SERIES #1: TEKA SIR BA'T 85 LANG EH SILA PURO 90?! [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora