CHAPTER 1

812 15 1
                                    

CHAPTER 1

Merabella's Point of View

"Merabella! Tanghaling tapat na bumangon ka na dyang bata ka o gusto mong itapon kita papunta sa mars!"

"Ouch!" daing ko ng mahulog ako sa kama ko. Putek naman, oh, ang ganda nang panaginip ko eh. Grabe din naman kasing mag rap si mama eh.

"Merabella! Gigising ka o gigising ka!" Umikot ang mata ko. May choice pa ba ako, Ma? Eh halos mabasag eardrums ko sa lakas ng boses mo, eh, inabot hanggang sa kabilang kanto pati ata butiki mabibingi eh.

"Eto na babangon na. Ingay mo, Ma! nakalunok ka ba ng mega phone, Ma, ha?"

Ganyan namin kamahal ang isa't isa. Nagsisigawan kahit umagang umaga. Note the sarcasm.

"Hoy babaeta, gusto mong tumira sa labas? Okay 'yon bawas palamunin!" Ngumuso ako. Nagbibiro lang e.

"Mama ang ganda mo talaga!" Biro ko. Oh diba di uso samin ang walang sigaw pag umaga kaya pati kapit bahay nagigising sa ingay namin.

"Talaga Anak?" Napangisi ako. Ang sarap utuin ni mama. Kidding. Maganda naman talaga si Mama.

"Oo, Ma, subra. Kaya patay na patay sa'yo si Papa!" 

"I know my daughter, I know." Tumaas ang kilay ko. At kailan pa naging englishera si Mama? Ngayon lang.

"Oh siya bangon na anak ihahanda ko na breakfast mo. At bilisan mo may 2k ka sakin ngayon!" 

Yes! Sabi ko na eh. Aba pang Milktea ko na yung 2k, no, minsan lang sapian si Mama kaya lulubus-lubusin ko na.

"2K lang Ma?"

"Hindi! 1K anak, 1K. Gusto mo bawasan ko?"

Omo! hindi pwede. Kaagad akong tumakbo sa pinto at binuksan 'yon.

"Oy, Mama joke lang eh. Ang ganda ganda niyo kaya." Inilahad ko ang palad ko at ngumiti ng matamis. "Akin na, Ma baka bawasan niyo pa."

Inirapan niya ako bago bigyan ng pera. "Oh ayan! Wag ka lang maingay pang sabong yan ng papa mo baka kunin sayo, sige ka." Kita mo to. Siya naman ang sumisigaw eh.

"Kaya Love kita, Ma, eh. Thank you, Ma."

Pagkatapos ay masayang pumasok ako ulit ng kwarto.

Yes! May pera na ako galing ko talaga.

Inilagay ko muna sa kama ko yung pera saka palundag lundag na pumasok ng banyo. Oy hindi ako palaka, no, ganito lang ako pag masaya.

Ng biglang—

Nadulas ako. "Pucha—aray pakshet!" Ang sakit ng pwet ko taena.

Ba't hindi ko napansin na basa pala yung sahig. Yan tuloy. May unggoy na naman na nakapasok sa kwarto ko.

"KUYA!" Sigaw ko.

Nanliit ang mata ko ng may butiking nahulog sa harap ko. "Oh anong ginagawa mo dyan butiki? Basa din ba ang ceiling kaya nahulog ka?"

Hindi ako sinagot ng butiki. 'Malamang butiki yan eh alangan na mang sumagot yan.'

Unti unti akong tumayo. Putcha ang sakit ng pwet ko. 

Napatingin ako sa pinto ng kumalabog 'yun. Nag unahang pumasok si Mama, Papa at kuya at dahil sa pag uunahan naipit sila sa may bukana ng pinto.

TE AMO SERIES #1: TEKA SIR BA'T 85 LANG EH SILA PURO 90?! [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora