CHAPTER 6

345 10 0
                                    

CHAPTER 6

Merabella's Point of View

"MA!" Sigaw ko ng makapasok ako sa bahay namin.

"Mama—Aray!" Daing ko ng may tumama sa makinis kong mukha. 

Isang sandok.

"Bakit ngayon ka lang ha!" Umikot ang mata ko ng lumabas si Mama sa kusina na nakasuot pa ng apron. Malamang sa alamang sya bumato ng sandok sa mukha ko.

"Kailangan talagang sumigaw ma? Ha?" Sabi ko sabay himas sa pisnge Kong binato nya. Sana Hindi to maging pasa.  Si Mama kasi eh. .

"Oo nga. Saan ka galing—"

"Hoy Roberto tumigil ka hindi pa ako tapos!" Putol ni Mama sa sasabihin ni Papa.

"Sagutin mo ko Merabella kundi sa labas ka matutulog!"

"Oo Anak sagutin mo Mama mo—"

"Wag kang sumabat! Sabing hindi pa ako tapos eh!"I rolled my eyes again.

"Wag ka ngang OA dyan Ma. Alam kong alam nyo kung saan ako galing." Sabi ko.

"Teka Anak nasaan si Red? Okay lang ba sya?" Nag aalalang tanong ni Mama. "Sinabi ni Micco samin ang nangyari kanina. Ikaw kasi eh ang landi mo eh!"

Ako? Malandi?Aba't!

Tinaasan ko sila ng kilay ni Papa. May hawak hawak silang sandok.

"Nasa Dean's Office si Sir Red. Kinakausap sya ni Tito Fujiwara tungkol sa nangyari. Then after that, may meeting silang lahat kasama ang ibang Teachers at staff. Pag uusapan nila kung isu-suspend nila si Sir o Hindi. Wala naman kaming classes so Umuwi nalang ako." Said ko at sinamaan ng tingin si MAma. "And FYI Ma Hindi ako malandi No. Sadyang maganda lang ako."

"Kahit na. Saka kapag na suspended si Red ikaw ang may kasalanan." Tinuro turo pa nya Ako ng sandok.

"Luh? Bakit? Hindi ko kaya kasalanan yun!"

"Anong Hindi? Nagpahalik ka dun sa lalaki kaya sya nagalit! Kaya kasalanan mo!"

"Mama naman eh. Hindi ko nga kasalanan yun." Sabi ko Sabay padyak ng paa. "Kasalanan yun ni Dark! Sya naman ang humalik sakin eh!"

"Kahit na! Hindi ka dapat nagpapahalik dun dahil alam mong may taong masasaktan!" Medyo may galit na saad ni Papa.

"Tama ang Papa mo anak! Naka-reserve ka na kaya hindi kana available!"

"Saka hoy roberto diba sabi ko wag kang sumabat! at wag mong gamitan ng ganyang tono yang anak mo!" Nakapameywang na sabi ni Mama saka dinuro duro pa si Papa. "Kasalanan ba naming maganda kami!"

"Luh Ma? Ako Lang Hindi Ka Kasali!" Singit ko.

Nalukot naman ang mukha Nya.
"Aba hoy saan ka ba nagmana?"

"Kay Papa?" Patanong kung sagot.

"Ede sinabi mo narin na sa unggoy ka nagmana–

TE AMO SERIES #1: TEKA SIR BA'T 85 LANG EH SILA PURO 90?! [COMPLETED]Where stories live. Discover now