CHAPTER 29

236 8 0
                                    

CHAPTER 29

Merabella's Point of View

PANAY lang ang iling ko habang nakahilata sa kama at nakatingin sa kisame. Kanina pa salita ng salita si Sir Red pero hindi ko pinapansin.

Gusto ko nang matulog, pero hindi niya ako pinapayagan. Gusto kung kumain ng Pizza, ice cream at chocolate cake pero ayaw niya akong bigyan. Nagugutom na kami ni Baby e.

"C'mon, Baby. Kailangan mong makinig sa'kin. Paano na ang kinabukasan mo kung hindi ka mag-aaral."

Oo nga pala, hindi ko pa sinasabi sa kaniya na na buntis ako. Hindi ko kasi sinabi sa kaniya noong mag usap kami last week sa opisina nito sa University dahil balak ko siyang isurpresa.

Nang matapos kaming mag-usap last week dinala niya muna ako sa bahay para magpaalam na sa kanila muna ako matutulog pansamantala na kaagad sinang-ayunan nila Mama.

At ngayon, narito kami sa kuwarto niya. Uuwi ako mamaya sa bahay pero sa ngayon dito muna ako. At halos mabingi na ako sa boses ni Sir.

"Merabella are you listening?" may inis sa boses na tanong niya sa'kin.

Ngumuso ako bago umupo sa kama at sinalubong ang mata niya. Nakatayo ito sa edge ng kama niya. "Red tumigil ka na sa kadadada kung ayaw mong hampasin kita."

Bumuntong-hininga siya bago umupo sa tabi ko at masuyong hinaplos ang kamay ko. "Sabihin mo muna sa'kin kung bakit ayaw mong pumasok. Ayaw kung mapag-iwanan ka  kaya pinipilit kita na pumasok sa University. Para rin naman sa'yo 'to, Merabella. Just please, this is your last year of studying, don't you want to finished it already?"

"Gusto. Gusto kong tapusin ang pag-aaral ko pero kailangan kong intindihan na may mas mahalaga akong dapat pagtuonan ng pansin kaysa pag-aaral ko." Sabi ko.

Tumitig siya sa'kin. "Was it really important than your study?"

Tumango ako at ngumiti. "Oo." Syempre, baby natin to kaya kahit mahuli ako sa pag-aaral kung kapalit naman niyon ay maalagaan ko ng mabuti ang baby natin handa akong sumugal. Bulong ko sa isip ko.

"Can you tell me what it was?" He asked.

"I want to eat Chocolate cake and Ice cream." Sabi ko imbis na sagutin ang tanong niya. "Please?"

"Fine." Napipilitang aniya. "Just wait me here."

Nang makalabas na ito ng kuwarto saka lang ako nakahinga ng maluwag. Gosh. Hindi ko pa pwede sabihin kundi mabubulelyaso ang plano namin ni Tita Akiena.

Si Tita Akiena at Mama  ang una kung pinagsabihan na buntis ako at masaya sila para sa'kin. Pati nga si Mama talagang nasurpresa e. Sabi niya susuportahan niya kami ni Red at masaya sila ni Papa na magkaka baby na kami. Sang-ayon din naman sila sa plano ko na lumiban muna sa klase para narin sa kalagayan ko. Ayaw kung ma stress out kaya titigil muna ako sa pag-aaral.

Sa susunod na araw kung saan birthday ni Red ko sasabihin sa kaniya na buntis ako.  It was a surprise kaya tudo paghahanda kami. Mabuti na ngalang tumutulong sina Tita Akiena at Mama e.

"Here, Baby." Anang ni Red ng makapasok sa kuwarto na may dalang wooden tray na may lamang isang Slice ng Dark Chocolate cake, Ice cream na nasa small cup at isang baso ng gatas. "Eat up."

Nangningning ang mata ko ng makita ang dala niya. Kaagad akong tumayo at inagaw sa kaniya ang tray saka umupo ulit sa kama at nilantakan ang dala niya para sa'kin.

Pumikit ako at umungol ako ng malasahan ko ang cake. Ang sarap. Gosh, this is so yummy. So delicious. Mabilis kung kinain ang Cake at pagkatapos ay Ice cream naman ang kinain ko.

TE AMO SERIES #1: TEKA SIR BA'T 85 LANG EH SILA PURO 90?! [COMPLETED]Where stories live. Discover now