CHAPTER 18

309 12 1
                                    

CHAPTER 18

Merabella's Point of View

NAKASIMANGOT lang ako habang pinapanood si Red na minamasahi ang paa ko.

"Feel better?" Nag-angat ito ng tingin habang patuloy paring minamasahe ang ankle ko.

Mabilis akong tumango. "Oo sabi eh. Kanina ko pa sinasabi sayo pero ayaw mo namang maniwala."

Ibinaba nito ang paa ko at umupo sa tabi ko. "Ano kasing ginagawa mo dun sa taas ng puno ng acacia nang ganito ka-aga?" Puno ng pag aalalang tanong nito. "Look at you, nalaglag ka at muntikan ka pang magka-sprain sa paa."

Umikot ang mata ko. "Sir Red, una po sa lahat maaga po akong nagising kaya lumabas muna ako, at pagkalabas ko may nakita po akong inakay sa lupa na nalaglag sa kanyang pugad. Dahil mabait po ako, ibinalik ko ang inakay sa kanyang pugad sa hindi kataasang puno ng acacia. At sa hindi inaasahang pangyayari, nadulas ang paa ko at nahulog ako sa puno—"

"At mabuti nalang narinig ko ang sigaw mo kaya kita napuntahan agad." Pagtatapos nya sa paliwanag ko. "Hindi ka kasi nag-iingat. Paano kung nabalian ka, paano kung nauntog ang ulo mo, paano kung may nangyaring masama sayo—"

I kissed him on the lips to silence him. "Walang nangyaring masama sa'kin, Sir. Dont worry okay."

Tumaas ang kilay ko ng hindi sya gumalaw. Nakaawang ang labi habang nakatingin sa'kin. Anyare dito?

"Sir, ayos ka lang?"

Tinikom nito ang bibig saka Unti unting lumawak ang ngiti sa labi. "You... initiated the kiss."

Kumonot ang noo ko. "So?" Takang tanong ko.

"Do you know that this is the first time you did it?" Masayang anito.

"Ang halikan kita? Bakit bawal ba, ang ingay mo kasi kaya naisip ko na kung hahalikan kita tatahimik ka na." Alanganing sabi ko. "Hindi naman ako nabigo."

"Hmm. I wish this will last longer." Masigla parin ang boses nito. "Come on, Baby, since were awake, I'll cook our breakfast."

"Ahm. Maliligo muna ako, Sir. Madumi na ako eh, saka," matamis akong ngumiti sa kanya. "Pwede pahiram ulit ng damit mo Red, wala kasi akong damit dito."

"Sure, go on, baby. Mayamaya lang darating na si Sil dala ang damit at iba pang kailangan natin dito." Pinangko nya ako at binuhat papasok ng kwarto. "Pagkatapos, dumiretso ka na sa kusina. Ihahanda ko lang ang agahan natin."

Tumango ako. "Okay."

"Nasa closet ang damit ko, pumili ka nalang."

"Okay."

Ibinaba nya ako sa pintuan ng banyo. "At bilisan mo."

I smiled. "Yes po, Sir."

"Good."

Pumasok na ako ng banyo saka hinubad lahat ng damit ko bago maligo.  Ginawa ko ang routine ko. Hilod, sabon sa buong katawan, at nagshampoo. Pagkatapos ay  binalot  ko ng towel ang katawan ko bago lumabas ng banyo.

Napili Kong isuot ang puting polo ni Sir saka boxer shorts nya na medyo may kaluwagan lang ng kunti pero okay na.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kung tuyuin ang buhok ko saka dumeritso sa kusina at umupo sa stool paharap Kay Sir na abala sa pagluluto at hindi manlang namalayan ang pagdating ko.

Hmm. Ang swerte naman ng mapapangasawa ni Sir. Marunong magluto, mabait, maalaga, malambing, gwapo, malakas ang sex appeal, makisig ang pangangatawan, at ... mapagmahal.  Perfect ideal man for me pero magkaibigan kami kaya bawal.

TE AMO SERIES #1: TEKA SIR BA'T 85 LANG EH SILA PURO 90?! [COMPLETED]Where stories live. Discover now