CHAPTER 13

269 6 0
                                    

CHAPTER 13

Merabella's Point of View

PAGKATAPOS NAMING dalawin si Lola Rebecca ay kaagad na kaming umalis ng hospital.

Naiwan doon si Tito Fujiwara na pinakiusapan ni Sir Red na bantayan muna si Lola habang wala pa si Sir. Wala din kasi doon sila Tita Akiena at Tito Kalvin may business Meeting sa Malaintos.

"Sir Saan tayo ngayon?" Tanong ko Kay Red ng makasakay kami sa kotse nya. Tiningnan ko ang oras, it's nearly Noon.

"Relax baby as I said earlier it is a surprise." Sabi nito bago pinausad ang sasakyan paalis ng Hospital.

"Fine. pero teka lang Sir..." Sinamaan ko sya ng tingin. "... bakit Hindi mo sinabi sakin na aalis ka pala? Tapos ngayon naman nandito kana Hindi mo parin sakin sinasabi na nakabalik kana galing ng Italy?"  Nanggigil na sabi ko.

"How can I tell you if you kept on rejecting my calls?" May panunumbat sa boses nito.

Ngumuso ako. "Eh kasi naman eh, aalis ka ng hindi nagpapaalam sakin, Anong gusto mong gawin ko magsaya? Syempre magtatampo ako sayo. Hmp. Kasalanan mo to eh."

Bumuntong hininga ito bago magsalita. "I'm sorry okay. Hindi ko naman alam na mamadaliin ni Mom ang pag alis ko. Hindi na ako nakapag paalam kasi male-late ako sa flight ko." Pagpapaliwanag ni Sir.

"Eh dapat tinawagan mo ko o nagtext ka manlang! Para Hindi ako naging tanga sa kakalibot ng University mahanap ka lang. Tsk." Naiinis na sumandal ako at ipinatong ang paa ko sa dashboard. "Nasaan na ang pasalubong ko?"

"I did but I cannot contact you and I have something for you, just wait and you'll see.." Sabi pa nito bago bagalan ang pagmamaneho. "And please, put your legs down and sit properly baby your distracting me."

"Ayoko." Pagmamatigas ko saka inayos ang pagkakaupo ko habang nakataas padin ang paa sa dashboard.  "Nag enjoy ka ba dun Sir?"

Napangiti ako ng mapait bago pumikit ng Mariin. "You're with your girlfriend, of course you will enjoy your stay with her in Italy."  Wala sa sariling sabi ko.

Silence filled us. No one dare to talk as we reach our destination.

Naramdaman kung huminto ang sasakyan at pagmulat ko Nasa isa kaming Port.

Tahimik na lumabas kami ng kotse at walang ingay na sinundan ko si Sir na naglakad patungo sa isang malaking Yacht.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko ng makatungtong kami sa lower deck ng yacht.

"You'll see." Anito sakin. May sumalubong saming isang lalaki na Nasa mid 50's at kinausap si Sir Red.

Mapagkuwan ay umalis na ito at naiwan kaming dalawa.

"Hoy Sir Ano sabing gagawin natin dito!"

Nilingon nya ako saka ginulo ang buhok ko. "Relax. It's not a surprise if I'll tell you."

Ngumuso nalang ako. Hmp. May pasurprise surprise pa Hindi nalang sabihin sakin eh.

"Come on baby." Hinawakan nya ang kamay ko at iginaya ako patungo sa upper deck ng yacht.

"Ano bang surprise ang sinasabi mo Red?" Pangungulit ko habang paakyat kami sa taas.  "Ayusin mo lang na maganda kundi malilintikan ka sakin—" napatigil ako.  "—wow... Ang ganda dito Red." Bulalas ko ng makita ko ang ayos ng upper deck.

"Surprise?"

Mabilis akong tumango. Hindi ko sya sinagot dahil sa pagkagulat. 

Napikit ako ng maamoy ko ang mabangong halimuyak ng purple Rose. MY FAVORITE!  Naglakad ako at pinagmasdan ang kabuuan ng paligid.

TE AMO SERIES #1: TEKA SIR BA'T 85 LANG EH SILA PURO 90?! [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora