CHAPTER 20

325 9 1
                                    

CHAPTER 20

Merabella's Point of View

NAGISING ako na nasa loob na ng kwarto habang natatakpan ng kumot ang katawan ko. Mataas nadin ang sikat ng araw.

Teka, papaano ako napunta dito e samantalang nasa balkonahe ako kagabi? 'Di kaya binuhat nya ako papunta dito? Siguro.

Bumangon na ako at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kung magbihis lumabas na ako ng kwarto saka hinanap si Sir. Pero wala ito sa Sala, wala din sa balkonahe at kusina. Nasaan na 'yun?

"Sir Red?" Pagtawag ko sa pangalan nya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay. "Sir?"

Kumunot ang noo ko ng hindi ko sya makita. Halos nalibot ko na ang buong inn pero wala ito.

"Looking for me, Baby?"

Nakahinga ako ng maluwag. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Pumasok si Sir na may dalang basket.

"Ano yan, Sir?" Turo ko sa dala nito.

"Basket." Anito saka lumapit sa'kin at dumukwang para halikan ako sa labi. "Morning sleepy head. How's your sleep?"

Ngumuso ako. "Alam ko basket yan pero anong laman nyan?" Sabi ko nang hindi sinasagot ang tanong nya.

He smiled sweetly. "Foods and blanket." Ibinaba nito ang basket at tinitigan ako. "Hindi ba masakit ang leeg mo? Nagising ako kaninang madaling araw na wala ka sa tabi ko and then, I found you leaning in the hanging chair in the balcony, sleeping."

Hinawakan ko ang leeg ko. "Ahm. Wala naman akong nararamdamang sakit." Sagot ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, naaliw kasi akong mag star gazing eh.

"Mabuti naman, sa susunod 'wag ka nang matutulog sa labas." Puno ng pag aalalang sabi ni Sir.

Tumango ako. "Tatandaan ko po, Sir. Ahm. Para saan naman yang blankets at foods?"

"Oh. This," kinuha ulit ni Sir yung basket. "Magpi-Picnic tayo  malapit sa water falls." He wagged his eyebrows and smiled. "Come on, Baby."

Lunawak ang ngiti ko at nagtatatalon sa tuwa. "Yes! Sandali lang, Sir. Magpapalit lang ako."

Tumakbo na ako sa kwarto at mabilis na nagpalit ng Bikini pero pinatungan ko ng High waisted short at Puting loose V-neck Shirt. Well, kilala ko si Sir. Hindi yun pumapayag na nagsusuot ako ng bikini sa publiko.

"Done?" Tanong ni Sir ng makalabas ako ng kwarto.

Matamis akong ngumiti. "Oo. Tara na, Sir!"

Nauna na akong lumabas ng inn at sumunod naman si Sir. Ang water falls ay Nasa likod ng Hillside Resort ngunit hindi naman ito masyadong may kalauyan. Kailangan lang naming sumakay sa golf cart para makarating roon.

Nadaanan namin ang malawak na Eco park nila at dahil summer ngayon maraming tao. May mga cocoon hanging chair tents din na nakasabit sa mga puno na may lamang mga tao. Yun ang ginagamit nila para magpahinga habang ang iba nagtayo ng tents sa may damuhan, may iba na blankets ang ginagamit at ang iba naman ay nagbi-biseklita.

Ilang minuto ang lumipas bago kami makarating sa water falls. Katulad sa Eco park, marami ding tao sa falls. Pami-pamilya ang narito, magkasintahan at magkakaibigan.

Hinawakan ni Sir ang kamay ko at gaya ng dati may kiliti na naman akong naramdaman ng maglapat ang kamay namin. Hayst. May kuryente ata ang kamay ni Sir, e.

Umiling nalang ako at nagpatianod ng masuyong hilahin nya ako para maghanap ng magandang puwesto.

Nang makahanap na kami kaagad na inilatag ni Sir ang blankets. Malapit ito sa puno at mangilan ngilan lang ang pumwesto rito.

TE AMO SERIES #1: TEKA SIR BA'T 85 LANG EH SILA PURO 90?! [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora