CHAPTER 8

274 7 0
                                    

CHAPTER 8

Merabella's Point of view

Kinabukasan

"ALAM MO KUNG Hindi lang kita kilala, iisipin kung baliw ka."  Dinig kung sabi ni Sap sakin pero Hindi ko sya pinansin.

"At kung nakakamatay lang ang tingin, kanina ka pa nakapatay sa sama ng titig mo sakanila." Inirapan ko sya bago tumingin ulit sa gawi ni Sir Red at sa babaeng Yumakap sa kanya kahapon. What's her name again? Mera? Yeah.

Hmp. Dapat ako kasabay kumain ni Sir eh. Pashneyang babaeng yan.

"Kainin mo nalang kaya yang beaf steak mo Bess. Maawa ka naman sa pagkain mo gutay gutay na sa kakahiwa mo." Napatingin ako sa pagkaing nasa harap ako.

"Anong nangyari sa beaf steak ko?" Tanong ko ng makitang nag kalat ito sa plato ko at may ibang Nasa mesa.

"Tanga ka din eh no. Malamang kanina mo pa yan pinanggigigilan habang nakatingin ka sa kasama ng Sir mo na kulang nalang sugudin mo."

Napanguso ako. Eh sa naiinis ako naiwan eh."Ibili mo nga ako ulit ng pagkain dun Sap."

Sinamaan nya ako ng tingin. "Ano mo ko? Utusan? Maid? My god Merabella tigilan mo ko." At dinuro duro pa ako tinidor na hawak nya.

Kita mo to. Parang bibili lang eh.

"At saka Anong trip mo ngayon babaeta ka ha? Bakit ka nakasuot nyan Hindi ka ba naiinitan?" Hinawakan ko ang leeg ko. Mas lalong humaba ang nguso ko.

Nakasuot kasi ako ng turtle neck na damit. Ito lang mayroon ako eh. Tinupi ko lang yung manggas hanggang siko at pinarisan ng itim na high waisted jeans. Sinakop ko nalang para Hindi ako magmukhang iwan sa suot ko.

Kasalanan to ni Red eh.  He putted a hickey on my neck. At ngayon kailangan ko pang magsuot ng damit na to para itago ang Nasa leeg ko. Tsk. Bwesit sya.

"Wala trip ko lang." Pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin Kong nilagyan ng Kiss mark ni Sir leeg ko diba. Iba pa naman to mag isip.

"Iwan ko sayo. Pero alam mo Bess familiar sakin yung babaeng kasama ni Sir Red." Aniya habang nakatingin sa mesa kung saan naroon sila Sir at nung babae.

"Huh? Nakilala mo na sya?" Takang tanong ko habang pinagtyatyagaan ang beaf steak sa plato ko.

"Hindi eh. Pero parang nakita ko na sya dati."

Umikot ang mata ko. "Iwan ko sayo. Pero bili mo muna ako pagkain Bess nagugutom pa ako eh." Ani ko.

Pero ang loka Hindi ako pinansin. Nakamasid lang kela sir na masayang nagkumakain at nag uusap kasama Girlfriend nya. Hmp.

"Oyy Bess dali na gutom pa ako eh—" di ko na natuloy sasabihin ko ng may maglapag ng pagkain sa harap ko.

"Here. Eat this." Nag angat ako ng tingin. Kaagad akong ngumiti.

"Oy Pres para sakin ba yan?" Turo ko sa pagkaing inilapag nya.

"Yeah. Eat up." Umupo ito sa tabi ko at kumain din.

"Aha!!" Nagulat ako ng sumigaw si Sap. "Alam ko na. Dito din yan nag aral. Batch meet din natin sya."

"Huh?" Kinunotan ko sya ng noo.

"Tama! Naalala ko sya yung Campus sweetheart natin dati dahil sa taglay na kabaitan at kaamohan nya diba? Diba? Tama ako?"

Huh? wala akong maalala. Dzuh. Ang dami kayang nangyari samin nung highschool tsaka dzuhh wala naman akong pake dati sa mga campus-campus achuchu na yan.

TE AMO SERIES #1: TEKA SIR BA'T 85 LANG EH SILA PURO 90?! [COMPLETED]Where stories live. Discover now