CHAPTER 28

258 13 1
                                    

CHAPTER 28

Merabella's Point of View

HUMINGA ako nang malalim bago kumatok sa pintuan ng bahay namin. Ayaw ko naman na biglang pumasok kahit bahay pa namin 'to. Kasama ko din ngayon si Samantha na lumiban sa klase para lang samahan ako.

"Huwag kang kabahan, Bes, I assure you na hindi magagalit sila Tita Mathy sayo." Sabi ni Samantha at pilit pinapalakas ang loob ko.

"Sana nga Samantha. Gosh, kinakabahan ako. Hindi kaya palayasin ako ni Mama? Tapos itakwil niya ako bilang anak at kalimutan nila ako? Oh no! Hindi yun pwedeng mangyari, Samantha—"

"Merabella?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Mama. "Anak?"

Dahan dahan akong bumaling sa may pintuan at doon ko nakita si Mama na may luha sa mga mata at umiiyak. "M-Mama..."

"Merabella, anak..." Bulong ni Mama at niyakap ako. "Salamat at dininig ng Diyos ang panalangin ko. Ayos ka lang ba? Saan ka pumunta? Nakakain ka ba ng maayos? Ha?" Sunod-sunod na tanong ni Mama at sinapo ang mukha.

"Mathy sino yan—" napatigil si Papa nang makita ako. "—Merabella, Anak."

"Papa..." Anang ko at niyakap din siya.
"I'm sorry, Mama, Papa, sorry po."

"Sa susunod huwag mo nang gagawin 'yon, Merabella. Pinag-alala mo kami ng Mama mo." Wika ni Papa at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko din na yumakap din si Mama sa'min.

Tumango ako at hindi ko mapigilang umiyak, "opo, nandito na ako Pa, Ma, hindi ko na ulit gagawin 'yon. Sorry po, sorry kung pinag-alala ko kayo."

Nakangiting pinakawalan ako ni Papa sa pagkakayakap. "Huwag ka nang umiyak, Anak. Huwag kang humingi ng tawad, ang mahalaga nandito ko na at ligtas na nakauwi. Na miss kita, anak. Na miss ka namin ng mga kapatid mo."

Ngumiti ako. "Na miss ko din po sila, Papa. Na miss ko kayo ni Mama."

"Pinag alala mo kami, Merabella." Anang ni Mama at pinakawalan ako sa pagkakayakap. "Salamat at umuwi ka."

"Hindi ho kayo galit sa'kin, Ma, Pa?" Kinakabahang tanong ko.

Umiling si Mama at hinawakan ang kamay ko habang ang isang kamay ay masuyong hinaplos ang pisnge ko. "Hindi. Hindi kami galit sa'yo, Anak." Anang ni Mama at iginaya ako papasok. "Kumusta ka? Maayos lang ba ang lagay mo nitong mga nakaraang araw?"

Tumango ako, "Opo, Ma. Hindi naman po ako pinabayaan ni Nay Sally at Tay Carding. Inalagaan po nila ako." Sabi ko at umupo sa sofa.

"Sino sila, Anak?" Tanong ni Papa at tumabi sa'kin habang si Samantha at Mama nama'y nasa kabilang sofa nakaupo.

"Sila po yung tumulong sa'kin ng muntikan nila akong mabangga. Si Nay Sally at Tay Carding ho ang hiningan ko ng tulong. Huwag ho kayong mag-alala Ma, mababait po sila at hindi ako pinabayaan." Masayang sabi ko. Pero kaagad din akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko ang pag-iyak ni Nay Sally at Tay Carding ng magpaalam ako kahapon sa kanila.

Inaamin kung napalapit na sila sa'kin at sa kunting panahon na nakasama ko sila minahal ko sila. Ituring nila ako tunay na anak at inalagaan ng mabuti. Nakakalungkot lang na hindi ko na sila makakasama ngayon.

"Mabuti naman at maayos ang lagay mo, Anak. Sa susunod huwag mo nang gagawin 'yon ha. Aatakihin ako nito sa sobrang pag-aalala sa'yo." Madamdaming sabi ni Mama.

"Opo, Ma. Pasensiya na ho kung pinag-alala ko kayo ni Papa." Ani ko at yumakap ulit kay Papa. "Nasaan po sila Kuya, Ma?" Tanong ko ng hindi ko makita sina Kuya Micco at Kuya Matt.

TE AMO SERIES #1: TEKA SIR BA'T 85 LANG EH SILA PURO 90?! [COMPLETED]Where stories live. Discover now