PLANNED (part 2)

218 23 22
                                    

Sorry readers dahil hindi ko na natutugunan ang mga coment niyo dahil busy po talaga ako kaya iyong time ko binibigay ko na lang sa pag eedit sorry po.

Enjoy reading😘

Dispiradang makawala si Jamaica sa Pentagon Organization at sa Mafiang kinabibilangan niya dahil pagod na siyang maging tuta ng mga ito at sunod sunuran sa mga utos.

Gusto niyang mabuhay ulit na parang isang normal lang na tao at labas sa magulo at madugong mundo na kanyang kinalakihan ngunit alam niyang hindi siya basta makakawala sa nakaraan.

Tumakas siya mula sa Russia at nag palit ng identity saka siya pumunta sa ibang bansa upang magtago at malayo sa mga taong maaaring makakakilala sa kanya ngunit naging maingat parin siya sa kanyang mga galaw dahil anomang araw at oras ay maaaring mahanap siya ng mga ito kaya nag palipat Lipat siya ng lugar gamit ang mga na ipon niyang pera at pag tatrabaho katulad ng Ordinaryong pamumuhay na malayong malayo sa nakasanayan niyang madugong mundo.

Isang taon din na ganun ang takbo ng buhay niya bago dumating sa buhay niya sina Franco at Jamey.

Nagkataon na mangingibang bansa siya ulit upang magtago ng maaktohan ng mata niya ang pagdukot kay Franco at dinala ito sa black market upang isali sa mga Auctions kaya kahit gusto niyang umalis sa nakasanayan niya ay wala siyang nagawa kundi ang balikan ito para iligtas ang bata kasama si Jamey na balak gawing sex slave ni Kenneth Harold.

Itinakas niya ang dalawa kasabay ng muling pagpatay niya sa kataohan at ganun din ang pag putol ng connection sa dalawang taong nakaka alam ng totoo tungkol sa pagtakas at pagtatago niya.

Sa muling pagtatago niya ay gumamit siya ng bagong identity bilang Jamina Balicano.

Nag tungo sila sa Pilipinas at doon nag tago kasama ang dalawa pang bata na palaboy sa lansangan na walang magulang kaya kinuha niya ito at inalagaan.

Ilang taon ang lumipas at habang tumatagal ay nangangamba siya na baka isang araw ay bigla na lang may makakita sa kanya na kalaban at iyon ang ikinatatakot niya hindi para sa sarili kundi para sa mga bata at ni Jamey lalo na't madadagdagan ang kanilang pamelya dahil sa pagdadalang tao nito.

She needs to do something dahil walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng mga ito kaya kahit napaka dilikado ng binabalak niya at siguradong may madadamay na iba ay wala siyang mapagpipilian kailangan niyang harapin ang katotohanan at balikan ang mga tao sa kanyang nakaraan at higit sa lahat kailangan niya ng alas, kailangan niya ng isang taong myembro ng Cordova Clan upang isagawa ang plano.

She set all her plan hanggang kumagat ang mga ito at iyon ang naging dahilan ng pagdating ni Giovan Cordova sa Palawan.

Ang pag hahanap nito sa nawawalang bata ang unang plano hanggang sa sadyang pagpapahuli niya at ang pag sunod sunod niya dito.  Lahat ng iyon ay kanyang kinalkula at pinlano ganun din ang pag kamatay ni baby Princess at pagkawala ni Jamey at lumabas ang pekeng Jamey ngunit ang gabing may nangyari sa kanila ni Giovan ay wala sa kanyang plano.

Sadyang gusto niya lang lokohin ito at asarin pero hindi niya aakalain na madadala siya at napakadali sa kanyang ibigay ang sarili para sa binata kahit hindi naman siya ganoon kalasing para hindi malaman ang pinag gagawa.

Matapos ang pangyayaring iyon ay doon niya lang niya narealise na may gusto siya sa binata ngunit hindi siya pwedeng umatras pa sa kanyang plano dahil tiyak na mas lalong manganganib ang buhay ng taong naka paligid sa kanya kaya ipinain niya si Giovan sa Pentagon hanggang sa kumagat ang mga kalaban.

Pinlano niyang palabasin na mamamatay sa harapan ng Pentagon Organization si Giovan sa tulong ni Anamor at ang Nurs na nag check kay Giovan dahil sa itinurok dito na gamot ngunit ang galit na nararamdaman niya ay tila walang kapantay dahil sa nakikitang kalagayan ni Giovan noong pinag bo-botohan na ito para sa kanyang buhay at wala siyang ibang nakikita kundi dugo.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Where stories live. Discover now