Kapre and the Tikbalang

258 25 11
                                    


"Ano ba ang pangalan mo ihja?" The chief asked.

Umirap ang babae na muling nangalumbitin sa rehas at kagaya kanina ay inalogalog naman na tila balak sirain ang bakal dahil sa kagustuhan na makalabas.

"Sa dinami ng pag nakawan mo si Cordova pa talaga, hindi ka makakatakas dyan." Naiiling na sabi ng kaibigan nitong police na si Ryan.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya sa babae.

"Bakit ko sasabihin sayo ano ka lucky?" Pag tataray nito sa kanya.

"Loko kang Tikbalang ka ah!"

"Wow! Makatikbalang ka dyan sa ganda kong 'to over my licious and sexy body! Ikaw nga mukhang kapre, feeling mo!"

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. "Lisious sexy body ka dyan, mukha ka ngang drum wala ka pang dibdib, dream on!"

Sa Buweset nito sa kanya ay tinangka siya nitong muli na abutin upang sabunutan pero mabilis siyang nakaatras habang tumatawa. "Pikon ka? sige lang mapikon kapa pakialam ko!" Pang aasar pa niya lalo habang ito naman ay nag pupuyos na sa inis.

"Halika dito na kapre ka kakalbohin talaga kitang lintik ka!" Nag tatagis na ngipin na sabi nito at pilit siyang inaabot at sa ganun tagpo ay dumating ang tatlong bata at isang babae na may dalang sanggol.

"Ate! Ate!" Sigaw ng mga ito habang inililibot ang tingin sa paligid hanggang sa makita siya ng batang lalake na si Franco na mas matanda sa dalawang bata na kasama ng mga ito.
"Ayun si Ate Jam!" Turo nito sa babaeng naka kulong.

"Ate Jam!" Sigaw ng tatlong bata at mabilis na lumapit sa kanya ganun din ang babaeng may bitbit na bata.

"Anong ginagawa niyo dito.?" Nag tatakang tanong ni Jam sa mga kapatid niya. "Jamey bakit nandito kayo?"

"Nakita kita na may lalakeng humihila sayo pasakay ng tricycle kaya sinundan kita hanggang dito at sinabi ko kay ate Jamey."Tugon ni Franco saka nito binalingan si Giovan na nakahalukipkip at nakatingin sa mga bata lalo na sa babaeng may bitbit na sanggol.

Mariin napa pikit si Jam dahil sa tinugon ni Franco na siyang nakakatanda sa dalawang mas bata dito.

"Anong nangyari ate?" Tanong ni Jamey."

"Ninakaw ng ate mo ang wallet ko." Sabat ni Geovan.

"Kuya hindi po magnanakaw si Ate Jam masama po iyon." Wika ng Apat na taong gulang na batang babae.

Tumikhim si Jamey at binalingan si Giovan. "Kuya hindi po masama ang ate namin pero kung totoong nagawa niya iyon marahil iyon ay dahil sa anak ko. Nagkasakit kasi si baby at wala kaming pera na mahiraman sa kakilala namin kaya kung sakali na totoo po talaga ang binibintang niyo sa ate ko sorry po ako na lang ang ikulong niyo ako naman po ang may kasalanan eh dahil sa kapabayaan kong ina sa anak ko."

"Jamey tumahimik ka nga dyan!" singhal dito ni Jam na ikinatahimik nito at napayuko.

"Jamey?!" Narinig nilang sabi ng isa sa mga police.

Napasinghap naman si Jamey at nanlalaki ang mata ng makilala ang tumawag dito. "R - Ryan."

"A-anak? May anak ka?" Tanong ng Ryan.

"Ryan." Nag aalalang na sabi ni Jamey.

"Jamey anak ko ba ang batang dala mo?" Tanong ulit ni Ryan.

"Anong anak? Jamey, anong sinasabi ng lalakeng iyan?" Sigaw na ni Jam. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo huwag kang mag sisinungaling Jamey!" May pagbabantang sabi pa nito.

Napahikbi naman si Jamey at Tumango.

"Potang ina!" Hindi mapigilang mura ni Jam na nag sisimula ng kumulo ang dugo dahil sa narinig kaya walang sabi ng hinablot niya ang buhok ni Giovan na hindi namalayan na nakalapit na ito sa babae kaya hinila niya ito mula sa loob ng kulungan.

"Tangina niyo! pakawalan niyo ako dito oh hindi ko pakakawalan ang kapreng ito?" Gigil na sigaw ni Jam habang hila hila parin ang buhok ni Giovan na ngayon ay naka gitgit na sa rehas na bakal ang ulo at ang mga police na nandoon ay tila nataranta dahil sa ginawa ng babae

"Damn! Hey! let go of my hair! ang sakit ano ba! Aw fuck! " Sigaw nito pero hindi nakinig si Jam at sa halip ay mas hinigitan pa ang pag hila sa buhok ni Giovan. "pakawalan niyo muna ako dito bago kita pakakawalan."

"Ano ka sinuswerte?"

"Idi hintayin mong makalbo na kita bago kita bibitawan!" Saka mas hinila pa nito lalo ang buhok niya.

"Fuck! Chief pakawalan niyo na ang babaeng ito, tangina!" Mura niya habang nakangiwi dahil pakiramdam niya pati anit niya ay nahihila narin sa lakas ng pagkakahila ng babae sa buhok niya.

Mabilis na binuksan ng isang police ang kandado ng selda na ikina ngising tagumpay ni Jam at pagkabukas nito ay mabilis niyang hinawi ang rehas na siya namang pagtama nito sa mukha ni Giovan kaya napasapo ito sa mukha habang dumadaing pero wala siyang pakialam doon dahil pagkabukas mismo ng rehas ay walang salitang tumakbo siya at inundayan ng sipa sa dibdib si Ryan na dahilan kung bakit napasubsob ito sa sahig at ang lahat ng taong nandoon ay nagulat sa ginawa niya habang nanlalaki ang mata at nakanganga.

"Ikaw pala ang naka buntis sa kapatid ko pero hindi mo pinanagutan?!" Galit na sigw niya saka ito sinipa sa tiyan.

"Ate.." Tawag dito ni Jamey na tila gustong pigilan ang nakakatandang kapatid pero alam nitong hindi ito makikinig at magpapaawat.

"Hindi porqi police ka akala mo okay lang galawin mo ang kapatid ko dahil mahirap lang kami? Fuck you! Ayan Inglis na iyon baka sakaling maintindihan mo ang sinasabi ko. Buweset ka bakit mo ginalaw kapatid ko pero hindi mo pinanagutan ha?" Maangas niyang sabi saka inapakan ito sa mukha at diniinan."

"Ate tama na." Jamey said pero naka tanggap ito ng masamang tingin.

"Gusto mong hayaan ko ang lalaking ito habang nag hihirap kayo ng anak mo? Hayop lang! pinapaaral kita pero itong gagong ito sinira niya ang pangarap ko sayo! buti sana kung pinanagutan ka!" Saka muling sinapa sa tiyan ang kawawang Ryan.

"Ate meron siyang fiancee." Mahinang tugon ni Jamey at dahil doon ay tila bulkang sumabog sa galit si Jam.

"Mother fucker!" Mura niya kasabay ng pagbayag niya kay Ryan na siya rin naman ikinasinghap ng mga police kasabay ng pagtakip ng mga ito sa kanikanilang ari na tila nasaktan din ang mga ito dahil sa ginawa ni Jam lalong lalo na si Giovan na mariin tinakpan ng kamay ang kanyang junior dahil alam niya kung gaano kasakit ang sipa ng babae kaya lumayo siya at siniguro niyang limang hakbang bago siya maabot kung sakaling balingan siya ng nagwawalang babae habang patuloy na binobogbog ang kawawang Ryan.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Where stories live. Discover now