Photo

384 24 12
                                    

Merry Christmas every one


TULUYAN ng nag hilom ang mga sugat ni Giovan ngunit hindi pa siya ganun nakakatanggap ng mission na mabibigat na dahilan kung bakit araw araw niyang ginagambala ang kanilang pinununo.

"Sir, how long will i have to wait? This is crazy. I told you, I can I accept a new job napakadali ng Misson na binibigay niyo, no challenge and so boring!" Reklamo niya saka nilingon ang ama na katabi ang pinununo nila. "Dad wala ba kayong sasabihin? for heaven sake, it will drive me crazy pag nag patuloy pa ito." Gigil niyang sabi dahil gustong gusto na niyang sumabak sa laban pero hito siya nabuburyo sa kanilang mansyon ar kung binibigyan naman siya ng mission ay iyon ang mag ispiya lamang at magrereport kaya sinugod niya ang headquarters nila kung Nasaan ang kanyang Lolo at ama.

"You have a mission." Ani ng pinuno nila.

"Like what? Ang bumuntot lang sa mga Pedophile na iyon? NO!" Mariin niyang tanggi dahil ang gusto niya ay iyong makipag patayan.

Inilapag ng ama niya ang Brown envelope sa mesa. "That is your mission."

"What's that? Kung pag bubuntot yan dad no, kay Felix niyo ipagawa yan oh di kaya kina sparkle, kay Shanell oh kay twinkle twinkle little star." Tukoy nito sa isa pa nilang pinsan na babae na si Star na siyang pinaka bunso sa lahat nilang mag pipinsan.

"This is not an easy mission Markus Giovan Cordova." Anang ama niya na masama ang tingin sa kanya.

"Good" Nakangising tugon niya saka malalaking hakbang na lumapit sa mesa upang damputin ang envelope at agad na binuksan ito ngunit ang excitement na naramdaman niya ay tila naglaho na parang isang bola ng makita ang laman nito.

"A kid?" Di makapaniwalang anas niya kasabay ng paglukot ng kanyang mukha. "Dad naman! You know I have a trauma for this kind of mission, Jesus!" Kinikilabutang sabi niya sa huli.

"Iba ang mission na ito sa naunang mission na Ginawa mo Giovan." Sabat ng leader nila saka siya sinamaan ng tingin. "Check it first bago ka magreklamo and get out of my sight now dahil nahahawa ako sa kapangitan mo." He's Lolo said.

"What the." Angal niya.

"Out or I'll kill you?"

Nakasimangot siyang lumabas sa office ng kanilang Lolo na siyang leader ng kanilang angkan.

"Ang matandang iyon talaga." Asar niyang reklamo habang napapahilot sa batok.

He's Lolo Adam Munsor is so Annoying sometimes lalo na kung kaharap nito ang Lola nila.

"Feeling guwapo e uugod ugod na." Aniya pa saka nagtungo sa kanilang bahay at dumiritso sa kanyang kuwarto bago inilapag sa ibabaw ng kama ang brown envelope na dala niya.

Humiga siya sa kama saka ipinatong ang kanang braso sa kanyang noo habang iniisip ang sinabi ng kanyang ama at lolo.

"They said this is important and not an easy mission." Sa isip isip niyang sabi habang nakatitig sa envelope na nasa tabi niya habang pinag iisipan kung tatanggapin ba ito oh hindi dahil ito ang mission na ayaw na ayaw niya ang mag hanap ng long lost daughter.

Minsan na kasi siyang binigyan ng mission noon na hanapin ang long lost daughter ng isang senator at napagtagumpayan niya itong hanapin at maibalik sa magulang nito ngunit ang hindi niya inaasahan ay muntik siyang pikotin at papanagutin sa kasalanang hindi niya ginawa. well, one fourth pala ang kasalanan niya.

She got pregnant to another man at nagkataong may nangyari sa kanila. Hindi niya ginusto ang nangyaring iyon pero dahil sa kapabayaan niya ay nainom niya ang tubig na may droga. Muntik siyang mahulog sa mala anghel na mukha at ugali ng babaeng iyon ngunit sa huli nalaman niyang napaka wild pala ng Babaeng iyon.

"Tangina!" Mura niya sabay hampas sa envelope na tila doon ibinunton ang pinag halong takot at kilabot sa tuwing naaalala niya ang dati kaya simula noon ay hindi na siya tumanggap pa ng mission tungkol sa mga long lost daughter na umabot ng ilang taon maliban na lang kung mga lalake oh mga batang babae na hindi tumataas sa edad na labing lima dahil Kinikilabutan parin siya sa tuwing sumasagi sa isip niya ang muntik na pag pikot sa kanya ng babaeng iyon.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at inabot ang brown envelope bago binuksan at inilabas lahat ng laman nito saka isa isang binasa ang mga nakasulat sa short bond paper kung saan naka sulat ang buong pangalan edad at kung sino ang mga magulang nito. she's a half pilipina and half Russian at ang ina nito ay purong pilipina.

May nakita din siyang USB na agad naman niyang ipinasak sa lop top niya at iniplay ang laman nito habang patuloy na binabasa ang mga naka sulat sa papel na nag lalaman ng mga information tungkol sa pagkawala nito noon at kung kailan ito nawala at kung saan lugar.

"Interesting." Usal niya habang binabasa ang ilang information sa loob ng papeles na iyon. She lost on her own birthday at the age of eight kasama ang Yaya nito.

Ang sabi pa sa naka saad ay ang Yaya nito mismo ang kumidnap sa bata batay sa cctv na nakita ng magulang nito at pagkalaan ng isang linggo ay nalaman nilang patay na ang Yaya nito na palutang lutang sa dagat at may tama ng baril sa noo At dibdib.

"Almost nineteen years ago."Usal niya habang pa ulit ulit na pini play ang kuha ng cctv. Hindi niya maiwasan napaisip kung bakit ngayon lang pinapahanap ng magulang nito ang anak nitong nawawala.

Kinuha niya ang Ilan sa mga larawan ng bata at tinitigan ito hanggang sa hindi niya namalayan na napapangiti na siya habang nakatitig dito. she's so cute habang ngiting ngiti sa larawan nito at kitang kita ang mga bungal nitong ngipin na ikinatawa niya dahil noong panahong bungal din siya ay hindi niya magawang ngumiti sa harap ng camera unlike his twin brother Geoven. Wala itong pakialam sa itsura pero siya, never! pero sadyang matalino ang Mommy niya dahil ninanakawan siya nito ng picture kung saan nakangiti at tumatawa habang nakikita ang mga bungal niyang ngipin na hindi niya matanggap kaya itinatago niya ang mga pictures niyang iyon ng walang makakakita dahil guwapo siya iyon ang matinding Rason.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon