Hindi marupok.

238 25 14
                                    


IT'S been three weeks mula ng mangyari ang panlulusob at pag alis ni Jamey, hindi na bumalik pa simula ng mangyari iyon habang siya ay hindi maiwasan mangamba para sa kaligtasan ng tatlong bata.

"Ate?" Narinig niyang tawag ni Maidenette. "Nasan na si Ate Jamey at Baby Princess? miss ko na po sila."

"Halika nga dito." Lumapit naman ito at agad niyang binuhat ang bata saka pinaupo sa kanyang kandungan. "Huwag kang mag alala, makikita mo rin sila may pinuntahan lang." Nakangiti niyang sabi saka niyakap ang bata habang kinakagat ang ibabang labi. Sanay siyang mag sinungaling at hindi magbabago iyon, she's a big Lier bitch at wala siyang pakialam.

"Ate." Narinig niyang wika ni Franco. "You have a visitor."

Kunot noo niyang tinignan ang kapatid hanggang sa sumulpot ang tinutukoy nitong bisita niya habang nakapamulsa.

"Jam." Napangiwi ito bigla. "Sorry..I mean..Jamaica."

"Kuya Pogi?" Nanlalaking matang sabi ni Maidenette saka ito bumaba mula sa pagkaka-upo sa kanyang hita at tumakbo papalapit kay Giovan. "Wow! May friend chicken ka po na dala?"

"Mai." Malumanay niyang saway dito pero mayamaya pa ay sumulpot si Tomey.

"Kuya!" At gaya ni Maidenette ay tumakbong lumapit din ito sa binata.

"Hey kiddo! Kamusta?"

"Okay lang po kuya!" Masayang tugon ng dalawa.

"Good--"

"Kuya, si Ate may mga sugat at Pasa po." Sumbong ni Tomey na ikinagulat niya.

"Tomey!" Saway dito ni Franco at Sinamaan ng tingin pero ngumuso lang si Tomey at umiwas ng tingin.

Tumango naman si Giovan pero walang sinabi saka bahagyang ginulo ang buhok ni Tomey." Alright, later bibili tayo ng fried chicken, okay? But for now, I want to talk to your ate."

"Po?" Kunot noong tanong ng dalawa dahil hindi nila naintindihan ang salitang banyaga na ginamit ni Giovan.

"Kakausapin ko muna ang Ate niyo." Paliwanag nito.

Ngumuso ang dalawang bata saka nilingon siya. "Ate, please gusto namin ng Fried chicken po."

Tipid niyang nginitian ang dalawa saka nilingon si Franco ngunit bahagya pa itong nag hesitate pero wala rin nagawa at nilapitan ang dalawa at pinapasok sa loob ng kuwarto.

"How are you?"

Hindi siya tumugon sa tanong nito at sa halip ay umirap pa hindi rin siya nag tataka kung papaano sila nito nahanap ngayong wala na sila sa dating bahay nila dahil alam niya kung gaano kalawak ang connection ng Cordova clan at hindi iyon basta.

Tumingin siya sa orasan na nasa dingding at ng makitang mag aalasyete na ng gabi ay doon niya lang naalala na hindi pa pala siya nakapag handa ng kanilang hapunan. Napapakamot na lang siya sa ulo kasabay ng pagbuga ng hangin bago binalingan ang binata na nakatitig sa kanya."What are you doing here?"

Ngumisi ito at umiling iling pa habang may binulong bulong.

"As expected." Sabi pa nito saka sinundan ng mahina na tawa. "You hiding something."

Of course hindi siya tanga na hindi niya mapapansin sa binata na may alam ito tungkol sa kanya, ngunit alam din niyang hindi ang lahat ay alam nito at alam din niyang patuloy parin nitong inaalam ang buong pagkatao niya pero ayaw niya itong bigyan ng chance, not now.

"What really happen?" Bigla ay tanong nito.

"I don't wanna talk that right now."

Tumango ito." Got it." Saka inilibot ang tingin sa kabuoan ng bahay na inu-upahan nila ngayon. "Gusto kitang sundan noon but something come up."

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Where stories live. Discover now