Unexpected meet

253 21 11
                                    

Samantala sa mga sumunod pang mga araw ay nag patuloy ang pag sunod ni Jam kay Giovan ng palihim na kahit saan ito mag pupunta ay naka buntot lang siya sa binata at sa tuwing nakikita niyang may mga babaeng nag papapansin dito oh nakikipag flirt ay sinusundan din niya ito at binibigyan ng katakot takot na pag babanta na ikina takot naman ng mga ito habang siya ay tuwang tuwa sa pinag gagawa.

"Oh yeah." Aniya ng matapos niyang takotin ang babae na nakitang nakikipag landian kay Giovan kanikanina lang at ngayon ay tumakbo na ito palayo habang namumutla.

Napahagikhik siya ng makitang lumingon lingon si Giovan na marahil ay hinahanap ang babae na kasama nito na biglang nawala.

Hindi niya ipagkakailang may crush siya sa binata dahil magandang lalake ito at talagang kahangahanga ang itsura at kung physical ang pag uusapan napaka perpekto nito at wala kang mapipintas dahil bukod sa magandang lalake nito ay matangkad din at matangos ang ilong at ang labi nito ay parang lips ng babae. Medyo pouty na parang heart shape. Nakaka insecure.

Bigla ay naalala niya noong una niya itong nakita nabighani siya sa kaguwapohan nito na kahit medyo may kadiliman sa lugar na iyon ay alam niyang maganda talaga itong lalake at ang picture nito sa wallet na kasama niyang itinakas ay kinuha niya at itinago. Balak niya iyong gawing Paglilihian kung sakaling magkakaroon na siya ng baby someday. Napangiwi siya sa naisip ngunit agad din nanlaki ang mata ng makitang wala na ang binata sa paningin niya

"Oh no!" Natatarantang sabi niya saka mabilis na tumakbo ng makitang paalis na ang kotse ni Giovan at agad itong sinundan kahit alam niyang uuwi na ito sa bahay nito ngunit gusto niya parin itong sundan.

Alam niya kung saan ito nakatira dahil matagal na niya itong sinusundan ng palihim noong una pa lang niya itong nakita pero sinigurado niyang nasa malayo parin siya at hindi makukunan ng mga security camera nito mahirap na baka ipakulong na siya nito ng tuluyan.

Ilang minuto din siyang tumambay sa di kalayuan sa bahay ni Giovan bago nag desisyon na umuwi ngunit ng nasa kalagitnaan siya ng beyahe ay nakita niyang may nakaharang na dalawang sasakyan sa harap at dalawang motor na bigla na lang sumulpot mula sa kanyang likuran na ikinailing niya.

"Long time no see." Ani ng lalakeng nakasandal sa kotse habang nakahalukipkip.

"Anong kailangan niyo?" Bored niyang tugon.

"It's been six years." Sabat naman ng Babaeng kasama nito.

Umirap siya at tinarayan ang mga ito. "Wala akong utang sa inyo kaya tantanan niyo na ako."

"Do you think you can deceive Her?"

"What ever." With accent pa niyang sabi na ikinatawa ng dalawa.

"Full of her self. Tsk." Sabat ng isang babae na sakay ng motor.

Ngumisi siya saka bumaba sa kanyang motor at hinubad ang helmet at ipinatong iyon sa bangko ng motor. "No. it's just that I'm tired of being a puppet."

"My my." The girl said habang nakangisi.

"A puppet." Natatawang saad ng lalake.

If so, is that why you faked your death, hmm? Pitiful. You know you can't fool her by pretending your dead, she knows everything but he just lets you, jam-

Hindi na tuloy ng babae ang sasabihin nito when she dodge and kicked her face na dahilan kung bakit napahiga ito sa kalsada.

Mabilis na bumangon ito at galit na tinignan siya. "You bitch!" She yell and after that she attacked her habang ang lalaking kasama nito ay tuwang tuwa habang pinapanood sila ganun din ang dalawa pang babae na sakay ng motor.

"I'll kill you!" Galit nitong sabi habang patuloy siyang inaataki pero siya ay iniiwasan lang ang ataki ng babae.

"Come on Blaire, hindi mo parin ba siya natatamaan?" Tunog na pang aasar ng lalake na mas lalong nagpainit sa ulo ni Blaire kaya agad nitong binunot ang baril at itinutok ito sa kanya na mabilis naman niya itong nailagan at sinipa ang kamay ni Blaire kaya natapon ang baril at nasalo ito ng isa sa babaeng sakay ng motor at sumipol pa.

Muli siyang sumipa at pinadapo ito sa tiyan ni Blaire kaya napaatras ito kasabay ng pagdaing nito ngunit hindi siya tumigil at umikot siya at mula sa pag ikot niya ay pinalipad niya ang kanyang paa patungo sa mukha ni blaire kaya tuluyan na itong bumagsak.

Mabilis na bumangon si Blair at dinukot ang katana mula sa boots nito at inataki siyang muli habang iniwasiwas ang double bleed nitong katana.

Nasagi ang kanyang pisngi niya ngunit isang maliit lamang iyon na sugat pero may tumulo parin na dugo.

"Whoa!" Sabay na wika ng tatlo habang si Blaire ay napangisi dahil sa sugat mula sa kanyang pisngi ngunit agaran din nawala ang ngisi nito ng bigla ay makitang nakatutok na mismo sa leeg nito ang sariling katana.

"How?" Gulat at nanginginig na utas ni Blaire habang hindi gumagalaw sa kinatatayuan lalo na ng maramdaman nito ang talim ng katana na unti unting lumilikha ng sugat sa leeg nito at may kunting dugo na dumaloy mula sa sugat.

"Hey!" Sabi ng isang babaeng nakasalo ng baril ni Blaire na ngayon ay nakatutok na sa ulo niya ang baril mula sa likod. "Put the katana down." Utos nito pero nanatili siyang hindi gumalaw at medyo diniinan pa ang talim ng katana na ikina singhap ni Blaire habang ang babaeng tumutok sa kanya ay napamura at akmang kakalabitin nito ang trigger ay namalayan na lang nito na tumagos sa braso nito ang katana.

"What the hell!" Gulat na sabi ng isa pang babae na sakay ng motor at mabilis na bumaba upang atakihin siya pero mabilis ang mga galaw niya at pinabagsak din ito pero bumangon din ito upang bumawi kasabay ni Blaire at ang babaeng may saksak sa braso.

Pinag tulungan siya ng tatlo habang ang lalakeng kasama ng mga ito ay tuwang tuwa sa nakikita at sa ganoon tagpo ay nakita nilang dumating ang isang kotse at kung hindi siya nagkakamali ay sasakyan iyon ni Giovan.

Bumagsak siya sa lupa ng tadyakan siya ni Blaire at agad naman siyang tinutukan ng baril sa ulo ng dalawang Babaeng kanina lang ay sakay ng motor.

"Don't you dare!" Narinig niyang wika ni Giovan na ngayon ay nakatutok na ang baril sa babaeng tumutok sa kanyang ulo.

Nakita niyang may isa pang bumaba na lalake mula sa kotse ni Giovan at ng humarap ito sa kanila ay agad naman niyang napagtanto na may kakambal ang lalake ngunit medyo may pagka mature ng kunti ang mukha nito kaysa kay Giovan.

"Ah.. The Cordova Twin!" Narinig niyang wika ng lalake na kasama nila Blaire. "The super hero is now on the rescue."

"Let her go." Malamig na wika ni Giovan pero tumawa lang ang lalake at ang dalawang babae na kasama ni Blaire ay kay Giovan na at sa kakambal nito nakatutok ang baril at si Blaire ay ang katana nito ang itinutok sa leeg niya.

"Who the hell are to command us, Cordova?" Matapang na wika ni Blaire. "Vlad." Tawag nito sa lalakeng kasama nila.

Hindi kami pumunta dito upang pumatay, Cordova.

"Easy." Vlad said habang naiiling at natatawa. "We don' come here to kill, Cordova. we just come here to warn her." Sabay baling nito sa kanya at malamig na ngumisi "Let's go." Utos nito sa mga kasama pero nag maktol pa si Blaire kaya nakatanggap ito ng masamang tingin mula kay Vlad kaya wala ng nagawa ang tatlo kundi ang sumakay sa kanya kanyang sasakyan at si Vlad na lang ang natirang nakatayo habang nakatingin sa kanya. "You can hide but you can't scape." Paalala nito saka binuksan ang kotse nito at sumakay pero bago nito pinasibad ay nginisian pa siya at bumulong.

"See you around Maiden."

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.حيث تعيش القصص. اكتشف الآن