Planned

218 24 5
                                    

Planned

UMALIS narin siya sa mansyon ng Reyna at tinawagan ang isa sa kakilala niya upang kunin si Richelle at ibalik sa Pilipinas dahil maaring hindi ito magiging ligtas sa Russia lalo na't kalat sa bansang ito ang mga Mafia at iba pang organisation na maaari nitong ikapahamak.

Binaybay niya ang daan na sinabi ng lalakeng boss ni Anamor upang puntahan ang mansyon nito kung saan dinala ang mga bata para sa kaligtasan ng mga ito.

Dumaan siya sa gilid ng bangin habang walang kasing bilis ang pag papatakbo niya sa kotse makarating lamang siya ng maaga.

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi habang papalapit siya ng papalapit sa lugar na tinukoy ng lalake.

Napapalibutan ito ng mga nag tataasang mga puno at napaka tahimik na lugar ngunit hindi siya malilinlang ng katahimikan na ito dahil alam niyang nasa paligid lang ang panganib.

Gamit ang remote controller na binigay sa kanya ay binuksan niya ang gate at nadaanan niya ang ilang kalalakihan na armado habang nagmamasid sa paligid at ang iba naman ay sa kotse niya nakatingin, marahil ay kilala na siya ng mga ito kaya hindi ito nagsikilos upang harangin siya.

Ipinark niya ang kotse sa harap ng mansyon saka lumabas doon at sinalubong naman siya ng isang lalakeng naka suot ng tuxedo at bahagyang yumuko."Good morning madam, I'm Gerald Putin, please follow me."

Tumango siya bilang tugon at habang binaybay nila ang daan papasok ay hindi niya napigilan humikab at mag inat habang nakasunod dito.

Pakiramdam niya ay tila babagsak na ang katawan niya anomang oras dahil sa kapaguran at subrang inaantok narin siya. Gustohin man niyang mag pahinga ngunit hindi niya magawa dahil may gusto pa siyang gawin bago ang lahat.

Nang makatapat sila sa isang pinto ay bahagyang yumuko ito at sumenyas na ito ang kuwarto na kanyang papasukan.

"Thank you Gerald, you can go now." Aniya.

"Yes madam." Tugon nito saka umalis.

Binuksan niya ang pinto ngunit bahagya siyang natigilan ng makitang sumiwang ang liwanag na nagmumula sa loob alam niyang hindi makatulog ang dalawa kung naka bukas ang ilaw pero hindi rin ito makatulog kung subrang madilim ang paligid kaya sinisigurado niya noon bago matulog ang dalawa ay nakabukas ang lampshade sa kuwarto ng mga ito.

Napabungtong hininga siya saka marahan na binuksan ang pinto hanggang sa makita niya ang dalawa na magkayakap habang natutulog na ikina ngiti niya ngunit agad din siyang Napakunot noo ng marinig ang mahihinang pagsinok at hikbi ni Tomey.

Mabilis siyang lumapit sa dalawa at napakuyom ang kamao niya ng makita ang ilang pasa sa katawa ng dalawa lalong lalo na sa mukha ni Franco. Tatlong beses siyang bumuga ng hangin upang pakalmahin ang sarili bago siya umupo sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok ng dalawa.

"I'm sorry, Pangako hindi na mauulit ito." Saka niya kinintalan ng halik sa noo si Tomey at Franco

"Ate?" Dinig niyang tawag sa kanya ni Franco at ng makomperma nitong siya nga ay nanlaki ang mata nito saka mabilis na bumangon at niyakap siya kasabay ng pag iyak nito. "Ate..Ate Ikaw nga. Ate!"

"Husssh..nandito na si Ate..I'm sorry kung natagalan ako." Aniya saka bahagyang tinapik ang likod ni Franco. "Promise hindi na ito nangyayari ulit sa inyo, Hmm?"

Tumango naman ito habang nakayakap parin sa kanya, mayamaya pa ay nagising narin si Tomey at gaya ni Franco kanina ay nanlaki rin ang mata nito at naiyak saka bumangon at niyakap din siya.

"Ate, si Ate Jamey sinaktan po kami si Kuya Franco sinampal niya po at sinipa. Natatakot po ako." Sumbong nito habang humahagolgol.

Tumango naman siya at bahagyang ngumiti.."Hayaan niyo na, hindi na mangyayari ulit iyon dahil wala na ang bad guys at si Jamey, patawarin niyo ang ate hmm?  Pangako hindi ko na hahayaang mangyari ulit iyon sa inyo." Pangaalo niya sa dalawa.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon