Connected

256 27 15
                                    

Pag uwi ni Giovan sa kanyang bahay ay naabutan niya ang kanyang kambal na naka upo sa sofa habang nakikipag laro kay Troy ng chess.

Medyo nagtaka pa siya noong una dahil hindi naman ito basta susunod sa kanya ng walang dahilan maliban na lang kung talagang wala na itong magawa sa buhay oh may Problema.

Ang kakambal niyang si Geoven ay mas matanda ito sa kanya ng Sampong minuto dahil medyo nahirapan sa kanya ang kanyang ina na iluwal siya dahil hindi daw siya gumagalaw iyon ang sabi ng kanilang ina.

"Zup!" Bati nito habang nakatoon parin ang mata sa chessboard.

Nilingon siya ni Troy at ngumiti. "Kuya! Si Kuya Geoven limang beses ko ng natalo pero di parin nakakabawi!" Saka ito tumawa.

"Hoy! Nag papatalo lang ako kawawa ka naman kasi!" Palusot ng kakambal kahit totoo naman na hindi ito manalonalo kay Troy pagdating sa chess.

"Okay." Kibit balikat na tugon ni Troy at muli ay natalo na naman si Geoven kaya sumuko na ito at sumandal sa sofa pero ang pride nito ay hindi parin sumuko.

"Tama na, baka hindi kana manalo pag nasa mood ako." May pairap pa nitong sabi na ikinatawa ni Troy at siya naman ay nailing.

"Matulog kana Troy, baka malate kapa bukas." Aniya sa binatilyo na nag liligpit na ng chess saka ito ini lock at tumayo na bago nag paalam sa kanila.

"How's your investigation?" Panimula nito.

"I found her." Aniya at sumandal narin sa sofa at ang dalawang paa niya ay ipinatong sa mesa.

"Did you tell to her parents?"

"No. Not yet." Tila pagod niyang tugon at mariin na ipinikit ang mata.

"May problema ba?" Tila nakahalatang tanong ni Geoven. "May alam ba siya?"

Bumuntong hininga muna siya bago tinugunan ito. "She knows. she knows, i'm sure of it."

"Weird." His twin brother said na tila Napapaisip din. "Kung may alam siya bakit hindi siya nagpapakita sa magulang niya, unless she have a reason."

Umiling siya saka bahagyang yumuko. "Hindi ako sigurado. Iwan. pero malakas ang kutob ko na may itinatago siya, alam kong meron siyang konektado sa Organization na iyon."

"What!" Gulat na wika ni Geoven.

"Yes, maaring ganun ang nangyayari at kung totoo ang hinala ko sigurado na alam niyang manganganib din ang kanyang magulang kung lalapit siya."

Nanatiling tahimik ang kakambal niya kaya nag patuloy siya. "Pakiramdam ko minsan ko na siyang nakita noon pero hindi ko lang alam. Malabo, hindi ako sigurado, sinasabi ng isip ko na kilala ko siya noon pero kapag pilit kong inaalala sumasakit lang ang ulo ko. I don't know, basta iyon ang nararamdaman ko." Aniya habang mariin na bapapaisip at wala sa sariling napahawak siya sa kanyang tiyan kung saan may malaking peklat doon na hindi niya maalala kung saan niya nakuha ang sabi lang sa kanya ng kanilang magulang ay may sakit siya noon at bakas ng opera ang malaking peklat sa kanyang Tyan.

"Forget it, let's go to the bar nakakabagot na." Biglang sabi ni Geoven.

Marahas siyang bumuga at tumayo narin saka namaywang at tumango.

Isang kotse lang ang ginamit nila papunta sa baywalk kung saan may mga alak din na tinitinda ang mga Vendor doon, iyon na lang ang pinili nila dahil wala siya sa mood na makipag landian sa mga babae dahil bigla na lang ay iniiwan siya ng mga ito na tila takot na takot na hindi niya mawari.

Habang binabaybay nila ang daan ay natanaw nila ang dalawang kotse na nakaharang sa daan at dalawang motor habang pinapalibutan ang isa pang motor.

Sabay nilang binunot ang baril at kinasa ito saka niya mas binilisan pa ang pag papatakbo sa kotse at plano niyang banggain kung sino man ang humaharang sa kanila ngunit habang papalapit sila ay tila nakikilala niya ang tindig ng isang babae at ang nag pagulat pa sa kanya ay kitang kita niya kung paano ito umikot kasabay ng pagpapalipad nito ng sipa patungo sa mukha ng babae at kasunod ay akmang sasaksakin siya ay mabilis nitong nailagan at ngayon ay ito na ang may hawak ng patalim hanggang sa nakita niya kung papaano ito tutokan ng baril hanggang sa napaluhod ang nangtutok ng baril.

DANCE WITH THE MAFIA QUEEN.Where stories live. Discover now