chapter 12

5K 130 22
                                    

Parang panaginip ang nangyaring pagdating kagabi ni Franz at pagsayaw niya sa'kin.

Natapos ang araw ng birthday ko na masayang-masaya ang puso ko pero kinabukasan ay parang bulang naglaho ang kasayahang iyon.

"It's official... they're getting married," mahinang wika ni Claire pero malinaw ko iyong narinig.

Kasalukuyan kaming nandito sa likod ng building ng Grade 8 sa rati naming tambayang magkakaibigan.

"It's all over the news," mahinang segunda ni Leo.

Lahat sila ay parang ingat na ingat sa pagsasalita habang nakikita ko sa sulok ng akong mgamata ang pag-alala sa kanilang mukha para sa akin.

Bago ako pumasok ngayong umaga ay ang balitang iyon ang unang bumungad sa'kin.

Naka-post sa status ni Ma'am Sabrina ang about sa nalalpit nitong pagpapakasal kay Franz at ito rin ang front page ng lahat ng mga local newspaper sa buong rehiyon.

Walang nakuhang reaksiyon sa'kin kanina ang pamilya ko ukol sa balitang iyon at maging ngayon ay wala akong maibigay na reaksiyon sa mga kaibigan ko.

Namamanhid ang puso ko at para itong sinasakal pero kahit gaano kasakit iyon ay di ko pwedeng ilabas dahil senyales iyon ng pagkabigo.

Matagal ko nang alam mula kay Franz ang tungkol sa pagpapakasal niya kaya dapat ay wala na akong mararamdaman pero iba pala talaga kung pati ibang tao ay alam ang bagay na iyon.

Ramdam ko ang mga ibinigay na tingin sa'kin ng bawat nakakaalam sa pagpapakabaliw ko kay Franz at alam kong iniisip nila na all this time ay hindi ako seryoso sa hayagan kong pagsasabi na gusto ko si Franz.

Di ko sila masisisi, wala kasi silang nakitang reaksiyon mula sa'kin ukol sa nakatakda nitong pagpapakasal.

Ang di nila alam ay kahit kailan hindi biro o laro ang nararamdamn ko noon at haggang ngayon. Magaling lang talaga akong magpanggap pero ang totoo ay wasak na wasak ang puso ko.

T*ng-ina gusto kong magwala pero hindi pwede dahil Ramirez ako! Tanda ng pagsuko ang pag-iyak gayong alam mong may magagawa ka pa. Ikakasal pa lang, hindi pa kasal at kung sakaling kasal man ay may annulment sa Pilipinas.

Masama na kung masama pero wala akong pakialam. Ayokong magsisi balang araw na di ko ginawa lahat nang makakaya kaya ako nabigo.

Kung matalo man ako o mabigo ay dapat matatalo akong lumalaban at hindi umiiyak sa sulok.

Minsan pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang ako ni Franz. I can fell his reaction toward my advances but he always acts so cold and distant. Kung pinaglalaruan niya ako ay magsisi siya sa larong sinimulan dahil lagi akong nanalo sa kahit anong laro, sukdulan mang gagamitan ko ito ng maruming taktika basta masiguro lang ang panalo.

"Marami pa ang pwedeng mangyari hangga't di pa sila kasal," kampante kong pahayag.

"Why are you so indifferent about this," napaisip na tanong ni Nina habang matamang nakatitig sa'kin. "Kung di ko lang alam ay iisipin kong di talaga gano'n kalalim ang pagkakagusto mo kay Sir Franz at ginawa mo lang siyang excuse sa katamaran mong mag-aral."

Malakas akong napatawa sa dinugtong niya sa naunang sinabi.

"Iyan ba iyong tawa ng babaeng namimilegro na makasal sa iba ang lalaking gusto?" nakangiwing komento ni Leo.

Hindi ko alam kung ano ang napapansin nila sa tawa ko pero totoo ang tawa ko.

"Kung kasing ganda at yaman mo naman ang isang babae ay tiyak madali kang makakita ng mas maraming Sir Franz in different colors, sizes, and nationalities," maarteng dagdag ni Leo na lalong nagpatawa sa'kin.

Drastic MeasuresWhere stories live. Discover now