chapter 15

5.3K 139 25
                                    

Pakiramdam ko ay tinutupok ako ng init na nagmumula sa magkalapat naming mga labi ni Franz.

Ganito pala ang totoong halik mula sa isang Franz Rafael del Rio. Mapusok, mapang-angkin, at puno ng- pag-iingat?

Di ko masabi kung totoo ba o gawa-gawa lang ng lango kong isipan ang naramdaman kong pag-iingat sa bawat hagod ng kanyang mga labi at haplos ng kayang mga palad pero gusto kong magpakalunod sa pakiramdam na iyon.

Ito iyong unang pagkakataon na hindi ako ang nag-initiate ng halik kaya parang malulunod sa galak ang puso ko.

Parang pinag-isa ang reyalidad at pantasya at lahat iyon ay natagpuan ko sa bisig ni Franz.

Para akong nalulunod sa isang kumunoy pero wala akong balak na kumawala.

Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng aking puso habang ramdam ko ang daloy ng nagbabaga kong dugo sa bawat himaymay ng aking katawan.

Buhay na buhay ang katawang lupa ko habang tinatamasa ang pasilip ng maaaring mangyayari kapag tuluyang mapasakin si Franz.

"My little fire cracker," ungol ni Franz sa mismong tapat ng tainga ko matapos niyang pakawalan ang namamaga kong mga labi.

Napaliyad ako at lalong napadikit sa katawan niya nang maramdaman ang pagpasok ng isa niyang palad sa ilalim ng suot kong palda.

Para akong himatayin sa antisipasyon nang humaplos sa ibabaw ng hita ko ang mainit niyang mga palad.

Nagsalimbuyan ang mumunting kiliti sa kaibuturan ko kaya naglumikot ako sa kandungan niya at naikiskis ang sarili sa matigas na bagay na tumatama sa'kin kaselanan.

Nanonood ako ng mga romantic film na may mga sexy scenes kaya alam ko kung ano ang bagay na iyon at kakaibang achievement ang nararamdaman ko ngayon dahil sa lantarang reaksiyon ng isang Franz del Rio na ako ang dahilan.

Isang malalim na ungol ang nakuha kong tugon mula sa kanya dahil sa pabigla-biglang paggalaw ng balakang ko.

Bumaba ang mga labi niya sa nakalahad kong leeg at naramdaman ko ang paglumikot doon ng kanyang dila.

Para akong panawan ng ulirat sa paraan ng pagdila niya sa leeg ko. May gigil ang bawat dampi ng mga labi niya sa bawat madadaanan ng mga ito na sinabayan mumunting kagat.

Ang isang kamay niya ay malayang pumaloob sa suot kong blusa at deretsong kinubkob ang isa kong dibdib at sa kabila ng nakaharang na tela ng suot kong bra ay ramdam ko ang init na nagmumula sa palad niya. Agad namigat ang dalawa kong dibdib at nagsitayuan ang dalawa kong utong.

"You think, you can take me?" mapanghibong bulong ni Franz sa pagitan ng paghalik, pagdila at pagsipsip niya sa leeg ko.

Sasagot na sana ako pero bumaba ang mapaghanap niyang mga labi papunta sa dibdib ko na 'di ko napansing nakahantad na mula sa nakabukas na mga butones ng suot kong uniform.

"I told you to run... but you didn't listen," paos niyang pagpapatuloy.

Napasinghap ako dahil sa nakikita kong apoy ng pagnanasa sa madilim niyang mga mata nang salubungin niya ang tingin ko.

Parang hinahamon ako ng mga mata niya na tumakbo habang maaga pa pero nanunuya naman ang nakapaskil na ngiti sa mamasa-masa niyang mga labi na wari ay pinaparating sa'kin na huli na ang lahat at wala na akong matatakbuhan pa.

Pilit kong pinanghawakan ang natitirang katinuan na meron ako.

Kahit buong buhay kong inasam ang pagkakataong ito ay hindi ito ang gusto kong mangyari. Hindi man umaayon ang sarili kong katawan sa matinong dikta ng isipan ko ay matatag ang isinilsil kong prinsipyo sa'king utak.

Drastic MeasuresWhere stories live. Discover now