chapter 36

6.2K 196 37
                                    

Halos mag-iisang buwan na simula no'ng maikasal kami ni Franz at nalalapit na rin ang church wedding namin na unang napagkasunduan ng aming pamilya.

Nabalitaan kong lumipat sa ibang school si Ma'am Sabrina at huling pagharap na namin iyong sa pamanhikan.

Mabilis kumakat sa buong school ang tungkol sa matagal nang paghihiwalay nina Franz at Ma'am Sabrina at ang pagkaugnay ng huli kay Felix.

Iba't ibang espekulasyon ang lumabas hinggil sa unang napabalitang pagpapakasal ni Franz at Sabrina na muling nabuhay dahil sa pagkabunyag sa relasyon ng huli kay Felix.

At ang dahilan nang pagsapubliko ng nasabing relasyon ay walang iba kundi ay si Ate Rhea.

Hindi ko inakalang dakilang chismosa pala ang pinsan kung iyon. Mula sa aming dalawa ni Franz ay nalipat ang spot light kay Felix at Sabrina.

Mabilis na natanggap ng lahat ang tungkol sa namagitan sa'min ni Franz at sa kanya mismo nanggaling ang balita tungkol sa nalalapit naming kasal kaya mas kapani-paniwala iyon kumpara roon sa engagement diumano nila ni Sabrina.

Noon pa man ay lantaran na ang pagpapakita ko ng pagkakagusto kay Franz sa buong school namin kaya hindi na iyon ikinagulat ng nakararami at mas kumuha sa atensiyon ng mga ito ay ang pakikipagrelasyon ni Ma'am Sabrina kay Felix.

Lumalabas kasi na tinuhog mg babae ang magkapatid na del Rio at iyon ay dahil na rin sa paraan nang pagdedetalye ni Ate Rhea sa buong pangyayari na hindi ko alam kung kanino nito nalaman.

Sa rami ng koneksiyon ni Ate Rhea ay talagang nag-trending sa buong probinsya at maging sa kalapit na lalawigan ang balita.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Ate Rhea sa ginawa nito pero minsang nabanggit ng pinsan kong si Tyron na lagi raw kaaway ni Ate Rhea si Felix.

Kahit bata pa ay mapagkakatiwalaan naman sa chismis iyong si Tyron dahil mausisa ito at likas na chismoso. Kilala nito si Felix kaya sigurado akong hindi ito nagkakamali sa pagtukoy sa lalaking laging kasagutan ni Ate Rhea.

"Good morning, Juls," malambing na bati sa'kin ni Franz na nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan.

Sabado ngayon at wala akong pasok sa eskwela at kapag ganito ay di rin siya umaalis ng bahay at tinatawag lang sa kanya ang mga importanteng ganap sa opisina.

"Morning,"nakangiti kong tugon.

Lalong lumaki ang ngiti ko nang yumuko siya upang pupugin ng halik ang buo kong mukha.

Ito ang nakagawian niyang gawin tuwing umaga pagkagising at matagpuan akong nagmuni-muni rito sa balkonahe ng kwarto niya.

Tuwing Friday at Saturday ay rito kami matutulog sa bahay niya tulad nang napagkasunduang usapan namin ni Daddy.

Okay lang naman dahil sa mga natitirang araw ay magkasama pa rin kami pero sa bahay nga lang namin.

Para na rin kaming normal na mag-asawa na nagsasama pero dalawa nga lang ang bahay na tinitirhan namin.

Mag-asawa naman talaga kami pero in-denial pa rin si Daddy.

"Maligo na tayo,"malambing niyang ungot at ipinatong ang baba sa balikat ko.

Pahinamad kong inayos ang pagkakasandal sa kinauupuan sabay abot sa kanya ng maliit na box na dapat ay kagabi ko pa binigay pero dahil medyo busy kami ay nakaligtaan ko.

Nagtataka niyang tinanggap ang inabot ko at umikot paharap sa'kin.

"Para sa'kin?" naaaliw niyang tanong habang sinusuri ang box na hawak.

Simpleng plain na white box lang ito na kasya sa palad at madaling buksan ang takip.

"Buksan mo," udyok ko sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Drastic MeasuresWhere stories live. Discover now