chapter 30

4.5K 216 66
                                    

Sa araw ng pamanhikan ay ako yata ang pinakamasaya. Dumating ang buong pamilya ni Franz at mga malalapit na kaibigan ng mga del Rio.

Kahit ang presensiya ni Ma'am Sabrina ay hindi nakabawas sa nararamdaman kong saya ngayong araw.

Dumalo rin ang buong angkan namin at sa unang pagkakataon ay hindi kontrabida ang mga pinsan ko dahil di nila ako sinisiraan sa mapapangasawa ko.

Mainit na balita ang nangyayaring pamamanhikan dahil nga naunang ibinalita ang diumano engagement ni Franz kay Ma'am Sabrina.

Alam kong may kinalaman ang pamilya ko at pamilya ni Franz sa hindi lantarang pakikisawsaw ng media sa relasyon naming dalawa.

Nang dumating si Ate Rhea na kapatid ni Kuya Igop ay mabilis ko itong ipinakilala kay Felix upang masagip ang huli mula sa pagpapakabaliw kay Ma'am Sabrina.

"Kapatid 'to ni Franz?" tanong sa'kin ni Ate Rhea habang nakaturo kay Felix na para bang insektong napadaan lang ang lalaki.

Pinilit kong huwag mapangiwi dahil mukhang mali na si Ate Rhea ang napili kong ipakilala kay Felix... dapat ay si Ate Dana na lang dahil medyo mabait iyon.

"Pinsan mo 'to?" nakataas naman ang kilay na tanong ni Felix habang nakaturo kay Ate Rhea na animo'y isda lang si Ate na display sa palengke.

Tango ang tangi kong nasagot sa tanong nilang dalawa. Binabawi ko na pala iyong una kong naisip dahil ramdam kong may sparks sa pagitan ng dalawa.

Sparks ng matinding disgusto sa bawat isa, at least may spark!

"May dugyot palang Ramirez," bigla ay pasaring ni Felix.

"Mas maigi na iyong dugyutin kaysa babakla-baklang lampa," hirit ni Ate Rhea.

Hindi ko alam kung ano ang history nilang dalawa pero kung anuman iyon ay labas na ako roon kaya habang nagtatagisan sila ng tingin ay pasimple akong umiskapo.

Mahirap na at baka maipit pa ako gayong kulang na lang ay maglalabas sila ng apoy sa kanilang mga nata upang sunugin ang bawat isa. Matinding sparks nga, nagbabaga eh!

Kasalukuyan nang nagsasaya ang mga bisita at pinagsaluhan ang dalang mga pagkain ng pamilya ni Franz.

Tapos na ang pangunahing sadya ng pamamanhikan, iyong usapan tungkol sa kasal. Napagkasunduang sa ikatlong buwan iyong kasal at di nasunod ang mungkahi ni Franz na next month.

Akala ko ba rati ay pakakasalan niya ako pagka-graduate ko sa college pero ngayon ay atat na atat na siyang itali ako kaya iyong duda ng mga kamag-anak ko na buntis ako ay para na rin niyang kinumpirma.

Okay lang naman sa'kin kung kailan ang kasal basta ang importante ay mapaaga bago pa makasingit iyong ex na nangangarap ng come back.

Speaking of ex..
napansin kong biglang nawala si Ma'amSabrina sa radar ko.

Saan kaya nagpunta ang babaeng iyon?

Hindi naman siya importante kaya mas mabuting iyong mapapangasawa ko iyong hanapin ko at hindi ang isang iyon.

Nagpaalam kanina sa'kin si Franz na may tatawagan sa opisina kaya sinabihan ko itong magpunta sa likurang terrace ng bahay namin, malayo sa maingay na pagkakantahan ng ilang mga pinsan ko.

Habang tinalunton ko ang terrace ay bigla akong nakaramdam ng kaba.

Hindi na rinig sa bahaging ito ang ingay mula sa party kaya agad kong naulinigan ang mga boses na nag-uusap sa terrace bago pa ako tuluyang nakalapit sa bukana papunta roon.

Bumagal ang paglapit ko hanggang sa tuluyan akong napahinto sa gilid ng pintuan.

"Franz, hindi pa niya kayang ibigay lahat ng kailangan mo." Sigurado akong boses ni Ma'am Sabrina ang narinig kong kumakausap kay Franz.

Naikuyom ko ang mga kamao habang nanatili sa kinatatayuan ko at hinihintay ang tugon mula sa kausap nito.

Wala akong narinig na tugon mula kay Franz.

"Nabigla ka lang kaya naisip mo na mahal mo siya pero ang totoo niyan ay init lang ng katawan iyan, Franz. Magsasawa ka rin sa kanya at babalik sa'kin kaya isang malaking pagkakamali itong desisyon mong pakasalan siya," pagpapatuloy ni Ma'am Sabrina.

"Listen, Sab," mahinang sagot ni Franz. Pigilang hiningang hinintay ko ang sasabihin niya.

Parang sasabog ang puso ko sa posibilidad na may katuturan ang pinagsasabi ni Ma'am Sabrina.

"Alam ko ang kaibahan ng pagmamamahal at init ng katawan. Hindi na ako bata upang gumawa ng desisyon na nakabase sa dikta ng aling bahagi ng katawan ko maliban sa isip at puso ko. Mahal ko si Julie, at tama lang na pakasalan ko siya."

Kumabog nang malakas ang puso ko at muntik pa akong bumuway sa pagkakatayo dahil sa narinig kong kombeksiyon sa boses ni Franz.

Kakaibang saya ang bumalot sa'kin at pakiramdam ko ay lumulutang ako ngayon dahil doon.

"Hindi ka na bata pero bata pa si Julie. Totoo man ang naramdaman mo ngayon sa kanya pero di ibig sabihin no'n ay gano'n din ang nararamdaman niya."

"Siya lang ang pwedeng makapagsabi ng nararamdaman niya sa'kin at hindi ang kahit na sino! Ako lang din ang kayang tumimbang kung gaano katotoo ang mga sinasabi niya at nasisiguro ko sa'yo na ramdam ko ang pagmamahal niya sa'kin. Di man ito kasing tindi ng nararamdaman ko para sa kanya ay damang-dama ko ito."

Ang 'di alam ni Franz ay magkasing-tindi lang iyong nararamdaman namin, o baka nga mas matindi pa iyong nararamdaman ko kaysa kanya.

"Nabubulagan ka lang, Franz," patuloy na giit ni Ma'am Sabrina.

Sa pagkakataong ito ay humakbang na ako palapit sa kinaroroonan nila hanggang sa matanaw ko na silang dalawa.

Nakahalukipkip at lukot ang mukhang nakatingin si Franz kay Ma'am Sabrina habang nagsasalita ang babae.

Mukhang aburido na yata ang future mister ko dahil sa ex niyang pumapapel pa rin.

Bigla akong natigil sa paglapit nang bigla ay lumapit si Ma'am Sabrina kay Franz at mabilis na tumingkayad upang halikan sa labi ang huli.

Pareho yata kami ni Franz na nagulat dahil sa di inaasahang ginawa ni Ma'am Sabrina.

Unang nakabawi si Franz dahil naitulak niya agad palayo si Ma'am Sabrina na para bang may nakakahawa itong sakit.

"You're crossing the line," madilim ang mukhang sabi ni Franz. Bakas sa mukha niya ang wari'y pandidiri sa ginawa ng dating kasintahan.

"Franz, I still love you. I want you back," may pagmamakaawa sa boses na sagot ni Ma'am Sabrina.

Sasagot na sana si Franz pero nahagip ako ng tingin niya.

Kitang-kita ko kung paano siya namutla at kinakabahang napatitig sa'kin.

"J-Juls, I can explain," mabilis niyang wika.

Wala naman siyang nagawang kasalanan pero halatang kinakabahan siya at takot sa magiging reaksiyon ko. Narinig ko pa siyang napamura habang malalaking hakbang na lumapit sa'kin.

Nang nasa harapan ko na siya ay napabuga ako ng hangin.

Marahan kong pinaraanan ng mga daliri ko ang mapupula niyang mga labi na hinalikan ni Ma'am Sabrina.

Bago pa muling makapagsalita si Franz ay nilampasan ko na siya at nilapitan si Ma'am Sabrina.

Dinig na dinig sa paligid ang paglagapak ng palad ko sa pisngi ni Sabrina.

Sabrina na lang dahil tutal ay nawala na iyong katiting kong paggalang sa kanya.

Malakas itong napasinghap habang sapo-sapo ang nasaktang pisngi.

"Pa-freebies iyan sa pina-avail ko sa'yong huling halik sa boyfriend ko," mariin kong sabi.

Alam kong masakit akong manampal dahil pinagdalubhasaan ko ito kaya legit ang nasaktang hiyaw ni Sabrina dahil sa ginawa ko.

"Kapag nagbabalak kang mang-agaw ng pagmamay-ari ng iba ay dapat siguraduhin mong kasing tigas ng bakal ang pagmumukha mo para naman kakayanin mo ang sampal ng tunay na may-ari."

Walang emosyon kong pahayag habang sindak pa itong nakatitig sa'kin.

Isang sampal pa lang pero tigalgal na ito! Weak!












Drastic MeasuresWhere stories live. Discover now