chapter 19

5.1K 195 37
                                    

"What the hell is the meaning of this?" Hindi akma ang salitang gulat para ilarawan ang nakikita ko sa mukha ni Laureen habang nanlaki ang mga mata at namumutla itong nakatingin sa aming dalawa ni Franz.

Nagtangka akong kumawala mula sa pagkakahawak ni Franz sa baywang ko pero hindi siya nagpanitag, sa halip ay mas kinabig pa ako palapit sa kanyang katawan.

"Oh, no! This is imposible! You're already getting married," nanunumbat sa sikmat ni Laureen kay Franz.

Namomroblema itong napahilot sa sariling sentido na para bang ayaw tanggapin ang eksenang nasaksihan sa pagitan namin ng kanyang Kuya.

"S-she's too young!" Tumaas ang tono ng boses nito habang nakatutok sa kapatid. "The Ramirez will surely kill you!"

"Stay out from this, Laureen," walang emosyong sagot ni Franz.

"Kuya!" galit nitong sigaw. "You're going crazy! You have a fiancee and your engagement is all over the news! You think playing fire with your... student, especially a f*cking Ramirez can do you any good?" nanggagalaiting pagpapatuloy nito.

Namumula na ito sa galit at iniiwasan nitong magsalubong ang mga tingin namin. Parang gusto ko tuloy magtampo dahil kakasabi niya lang kanina na okay lang sa kanya kung sa isang estudyante ma-involve ang kapatid niya pero ngayon ay parang nag-iiba ang ihip ng hangin.

"This is my own problem," mariing wika ni Franz.

"This is a family problem! Tingin mo ba ay 'di maaapektuhan ang pamilya natin sa kabaliwan mong ito?"

"Julie..." mahinahon pero mariing tawag ni Laureen sa pangalan ko. Wala sa sarili akong napalunok nang bumaling sa'kin ang matiim nitong titig. "Please, stay away from my brother. His life is ruined enough by some fucking woman and I don't want it to be totally destroyed by you or your family."

Parang tinusok ng karayom iyong puso ko dahil sa nakikita kong pagsusumamo sa mga mata ni Laureen sa kabila nang matalim niyang mga salita.

Iyan ba ang tingin niya? Na sisirain ko lang ang buhay ni Franz?

"She stays with me," dumadagundong ang boses na pahayag ni Franz.

Napatingala ako sa mukha ni Franz. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kapatid habang humihigpit ang pagkakayapos ng mga braso sa baywang ko.

"She's mine, Laureen... and no one gonna take her away from me."

"Oh, f*cking great!" hestirikal na bulalas ni Laureen na nagpabalik sa atensiyon ko rito.

Humakbang ito palapit sa amin ni Franz, di alintana ang mga basag na bahagi ng pinggan at mga nagkalat na pagkain na maari nitong maapakan basta makalpit lang sa'min.

"Tinalikuran mo ang responsibilidad mo sa pamilya natin na pamahalaan ang negosyo ng pamilya na mula pagkabata pa ay sinanay na tayo upang itaguyod pagdating ng araw! At lahat ng iyon ay dahil sa isang babae! Babaeng matapos mong sundan ay ngayon nakatakda mo nang pakasan, pero ano ito? Why are being possessive over another woman that is not your fiancee?" puno nang hinanakit na sumbat ni Laureen sa kapatid.

"Laureen, you will not understand-"

"Are you cheating on Sabrina?"putol na tanong ni Laureen sa sinasabi ni Franz.

"No," maikling sagot ni Franz.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko.
Sinasabi ba niyang hindi cheating iyong mga pinaggagawa namin sa likod ng kanyang fiancee?

Minsan talaga ang sarap sapakin ni Franz at baka sakaling maliwanagan siya na simula no'ng hinalikan niya ako ay nag-che-cheat na kami sa fiancee niya.

"So, what is this?" nababaghang tanong ni Laureen habang iminuwestra ang pagkakayapos sa'kin ni Franz.

Drastic MeasuresWhere stories live. Discover now