chapter 17

4.9K 175 48
                                    

Naging mas maganda ang bawat pagpasok ko sa paaralan nang sumunod na mga araw.

Naging routine na namin ni Franz bawat umaga ang magkita sa classroom habang wala pang ibang tao.

Minsan din ay sabay kaming kumain ng mga pagkaing dala niya at niluto niya para pagsaluhan namin.

Hindi ko mapigilang kiligin sa bawat simpleng pagtatama ng mga mata namin tuwing nagle-lecture siya.

Naging gawain na rin niya ang pasimpleng pagdaan sa gilid ng upuan ko at sinasadyang pagtama ng kamay niya sa balikat o braso ko.

Kung noon ay ako ang laging nang-aakit at nanunukso sa kanya, ngayon naman ay siya na itong mahilig gawin iyon at sa harap pa mismo ng ibang tao.

Kung ako noon ay patagong ginagawa ang mga bagay na iyon, siya naman ay kalimitang sinusubok ang karupukan ko sa harap ng klase.

Mga pasimpleng galawan lang naman ang mga ginagawa niya at tanging ako lang yata ang bukod tanging pinagpalang nakakapansin at naapektuhan ng mga ito dahil wala naman akong naririnig o napapansing kakaiba mula sa reaksiyon ng mga classmate ko.

Minsan naisip ko rin na hindi naman siguro niya sinasadyang dilaan ang kanyang mga labi habang mariing nakatingin sa'kin dahil iglap lang ay balik seryoso na rin ang mukha niya na para bang walang nangyari at maging iyong iba ay di napansin iyon.

Mukhang hindi rin naman niya sinasadyang ihulog ang hawak na ballpen sa mismong tapat ng inuupuan ko upang yukuin iyon at kunin kasabay nang simpleng paghaplos sa binti ko habang nasa kalagitnaan kami ng exam.

Hindi rin niya siguro intensiyong guluhin ang sestima ko no'ng tumunghay siya sa'kin mula sa likod para kunwari'y turuan ako sa pinapagawa niyang gawain kahit na 'di ko naman kailangan iyon. Gano'n din naman ang ginagawa niya sa iba pero ako lang yata iyong masyadong apektado.

Masyadong maganda at kapana-panabik bawat araw ko kaya muntik ko nang nakalimutan ang tungkol sa fiancee niya kung hindi lang ito sumilip sa classroom namin habang nagkaklase si Franz.

'Di ko napigilan ang pagsiklab ng galit habang may kung ano silang pinag-usapan malapit sa pintuan ng classroom habang may pinapagawa sa aming activity si Franz.

Gusto kong maghumerintado nang makita kong hinawakan ni Franz ang kamay ni Ma'am Sabrina.

Normal lang iyon para sa iba dahil alam ng lahat ay magkarelasyon sila at ikakasal na pero hindi iyon normal sa akin na naninikip iyong dibdib sa sobrang selos.

'Di ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero parang ang saya-saya ni Ma'am Sabrina at nakangiti rin si Franz.

Nagngitngit ang kalooban ko dahil di ko naalalang ngumiti siya sa'kin nang ganyan.

Nandiyan lang si Ma'am Sabrina ay parang bigla niya akong nakalimutan.

Marahas akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.

Tears are sign of weakness!

Mabilis kong itinuon ang buong atensiyon sa pinapagawa niyang seat work.

Sa kabila nang panginginig ng mga kamay ko at paninikip ng dibdib ay pinilit kong intindihin bawat katanungang nasa harapan ko.

"Are you okay?" mahinang tanong ng katabi kong lalaki. Di ko tanda ang pangalan niya pero lagi ko siyang napapansing kasama ng mga scholars.

Tango lang ang sinagot ko sa kanya. Di ko kayang salubungin ang mga titig niya kaya tinuon ko ang atensiyon sa sinasagutang papel.

"Pwede kitang samahan sa clinic kung masama ang pakiramdam mo," muli ay wika nito.
"Umalis naman si Sir kaya pwede sigurong di na magpaalam," dagdag niya na kumuha sa atensiyon ko.

Drastic MeasuresOù les histoires vivent. Découvrez maintenant