chapter 31

4.7K 206 78
                                    



Bago pa siya makabawi ay tumamang muli sa mukha niya ang palad ko.

"Iyan ay para sa nakakairita mong presensiya," mahinahon kong wika.

Narinig ko ang nasasaktan niyang hikbi. Paawa-effect ang gaga, lalong nag-iinit ang ulo ko!

"Iyan tayo eh, matapos gumawa-gawa ng kasalanan ay biglang kambiyo at iiyak-iyak. Pa-victim ka masyado pero malas mo lang at ako ang kinanti mo dahil may agimat ako panlaban sa mga katulad mo," mataray kong sabi.

"That's enough, Love." Masuyong yumapos sa baywang ko ang isang braso ni Franz habang naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa tuktok ng ulo ko.

Iyong hikbi ni Sabrina ay tuluyang nauwi sa pag-iyak nang makita ang ginawa ni Franz.

"Franz, nagbago ka na talaga," sumbat nito kay Franz. "Dati ay laging ako iyong pinagtatanggol."

Nababaghan akong napamaang kay Sabrina. Di ko alam kung saan ito nanghiram ng kapal ng mukha upang isumbat ang gano'n sa boyfriend ko na ex na niya.

"Don't make a fool of yourself, Sabrina," mariing tugon ni Franz.

Oh, ano siya ngayon? Ako Love tapos siya ay tumataginting na Sabrina!

"Ako naman dati iyong lagi mong pinipili, 'di ba? Mas pinili mo nga ako kaysa pamilya mo pero bakit ngayon ay hindi na," humihikbing saad ni Sabrina.

"Ay, boba! Gusto mo ikaw iyong piliin niya ngayon gayong ako iyong girlfriend?" naiinis kong singit.

Kung di lang ako yakap-yakap ni Franz ay upper cut na talaga ang matitikman ng babaeng ito para naman maalog iyong utak niya at nang tumino!

"Sabrina, I never chose you," seryosong sabi ni Franz.

Pareho kami ni Sabrina na natigilan sa narinig. Kunot-noo akong napatingala sa mukha ni Franz dahil ang alam ko ay tama naman iyong sinabi ni Sabrina kahit nakakairita pero tanggap ko na naman iyon dahil nakaraan na iyon at ako na ang present!

"I chose my freedom by that time. Ayokong itali ang sarili sa kompanya dahil gusto kong mamuhay nang malayo sa impluwensiya ng pamilya ko at nataon lang na sa mga panahong iyon ay nasa buhay kita and I found it liberating to live a life like yours... I'm sorry if a had mislead you in anyways."

Muli akong napasulyap kay Sabrina at nasaksihan ko ang
along pagbalon ng mga luha sa mga mata niya. Kung hindi lang niya tinangkang agawin sa'kin si Franz ay maaawa na sana ako sa kanya kasi lumalabas na ginamit lang ni Franz ang relasyon nila rati bilang excuse sa pamilya nito.

"Kaya ba mabilis mo akong pinagpalit?" sumbat ni Sabrina.

"Huwag mo akong simulan, Sabrina. I know your relationship with my brother a long time ago, way long before I realized that what I've found in grade 8 section Hope three years ago is love."

Teka, ako ba iyong tinutukoy niyang natagpuan niya three years ago?

Kahit nasa gitna kami ng komprontasyon ay pinakikilig pa rin ni Franz ang pinong buhok ko sa ilong.

"Ginagamit ko lang si Felix upang pansinin mo ulit ako," halos pasigaw na sagot ni Sabrina.

Isang malakas na singhap ang umagaw sa atensiyon naming tatlo.

Drastic MeasuresOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz