chapter 22

4.9K 178 67
                                    

Nang tuluyan kaming makababa ni Franz, makalipas ang mahigit sampung minuto ay puno ang sala ni Laureen ng mga panauhing naghihintay sa'min.

Maliban sa mga Ramirez ay naroon din ang mga magulang nila.

Iyong mga pinsan kong magagaling, kung makatingin sa'kin ay parang ako iyong may ginawang masama.

Pati si Kuya Vincent, hinuhusgahan na ako ng mga tingin nito.

"Take a seat, Franz," seryosong wika ni Daddy.

Nang magsalubong ang mga tingin namin ay kinindatan niya ako at pasimpleng iminuwestra ang katabing si Mommy.

"Inay ko po," bigla kong bulalas sabay kapit sa braso ni Franz.

Paano ba naman kasi, iyong tingin ni Mommy parang gusto akong balatan nang buhay.

"Upo, Julie Faye," nandidilat na utos sa'kin ni Mommy na tahimik kong sinunod.

Doon ako naupo sa tabi ni Franz, malayo sa mommy ko na halatang gusto na akong pingutin.

"Well, hindi ko alam kung bakit mo kami rito pinapunta, Franz kaya simulan mo nang magpaliwanag," bigla ay wika ni Dadd matapos ang ilang sandali.

Nagtatanong ang mga matang nilingon ko si Franz. Ibig bang sabihin ni Daddy ay siya ang nagpatawag sa pamilya ko rito?

"Una po sa lahat ay pasensiya na po kayo sa abala," magalang na sagot ni Franz. "Gusto ko lang pong sabihin na hindi po ako sumasang-ayon sa kasunduan ninyo ni Daddy tungkol sa aming dalawa ni Julie," matatag niyang dugtong.

"Wala akong binanggit sa'yo, Franz," salubong ang kilay ba sabat ni Mr. del Rio.

Tahimik lang si Daddy na nakikinig at di ko mabasa ang ekspresyon nito sa mukha.

"I'm sorry, Dad, pero narinig ko ang usapan ninyo," mahinahong sagot ni Franz. "Ayokong saklawan ninyo ang namagitan sa'min ni Julie dahil gusto ko ay magkamabutihan kami dahil sa sarili naming desisyon."

"Liwanagin mo, Franz Rafael," sabat ni Kuya Vincent. "Anong namagitan sa inyo ng kapatid ko?"

"Kung ako lang ang masusunod ay gusto kong pakasalan agad si Julie," diretsahang sagot ni Franz.

Pakiramdam ko ay biglang may sumabog na fireworks sa paligid. Nagdiwang bigla ang puso ko at gusto kong maiyak sa sobrang saya.

Pero, kaninong kagustuhan pala ang nakahadlang sa gustong mangyari ni Franz?

"Sigurado ka?" maang na bulalas ni Kuya Igop.

Umugong ang pagkabahala sa panig ng mga Ramirez at ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang nakikisimpatiyana na tingin ng mga ito kay Franz.

Teka, parang nay mali sa reaksiyon nila. Maging si Mommy ay kakitaan ko ng pag-alala pero hindi para sa'kin kundi para rito sa katabi.

"Bakit, Kuya Igop? Anong mali kung gusto akong pakasalan ni Franz?" nayayamot kong tanong.

"Malaki," halos panabay na sagot ng mga pinsan ko. Isa lang iyong tinanong ko pero silang lahat iyong sumagot.

Sa unang pagkakataon ay may napagkasunduang bagay ang mga ito. Kahit iyong mga laging kumokontra sa bawat sinasabi ni Kuya Igop noon ay sumasang-ayon ngayon.

"Pasasakitin mo ang ulo ni Sir," bulalas ni Ate Dana.

"Hindi ka magiging asawa niya kung sakali, kundi ay isang malaking aalagain," segunda ni Kuya Luc.

"Tatanda sa kunsumisyon sa'yo iyong tao," hirit ni Ate Rhea.

"Masyadong matino si Sir para sa'yo."

"Kami ngang pamiya mo ay parang gusto ka nang ipasok sa asylum dahil dakila kang baliw."

Drastic MeasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon