XIV

2.7K 163 6
                                    

Draco

****

After fighting the magical beast, I used the portal to get home. Mahirap na kapag nagtagal ako baka may makakilala saakin at malaman pa ng  hari.

Edi nabunyag ang pagtakas ko!

Malalaki na rin ang mga 'yon, for sure kaya na nila ang sarili. At ngayon ay kakatapos ko lang magpalit ng damit at kasalukuyang sinusuklay ang mahaba kong buhok. Sinulyapan ko si Zaili sa gilid, nakatingin ito saakin at nakataas pa ang kilay. Nakakrus pa ang kaniyang braso sa dibdib at halatang may gustong sabihin.

"What's with the stare?" I asked.

"Hmf, akala ko ba ay hindi mo sila tutulungan? Bakit may pasugod ka?" Tanong niya sabay tayo.

Inilapag ko ang suklay sa mesa at naglakad patungong kama. Inaayos ang laso na nasa bewang sabay salita.

"Excitement, I think or maybe naawa ako dahil ang pangit mo kapag hindi mapakali." Sabay tawa ko.

"Baka kapag hindi ako sumugod edi wala ka ng prince charming." Pang-aasar ko.

She rolled her eyes. "I was planning to help them anyway. Naunahan mo lang ako. Hindi ka rin naman pala ganon ka sama..prinsesa." she mocked.

"What do you think I am? A spoiled brat!?"

"Bakit hindi ba?"

"Hell no!"

Mukha ba akong spoiled brat? Hindi kaya! Nagagawa ko lang talaga ang mga gusto ko dahil magaling akong umarte at tumakas. At anong masama sa pagiging kind hearted na medyo choosy?

Thug

Napatigil kami sa pag-uusap at sabay na napalingon sa pintuan.

"May mga guwardiya na naman ba?" Naiinis na bulalas ko.

"Mukhang meron nga." Sagot ni Zaili.

Lumipad siya at lumapit sa pinto, sumunod ako. Pinihit ko ang sirendura at walang pag-aalinlangang binuksan ang pinto.

"Princess!"

Pagbungad ng mga ito pagkalabas ko ng silid. Nagkunyari akong nagulat at humawak sa dibdib.

"Oh my goodness! Magkakaroon yata ako ng heart attack dahil sa inyo." Pag-arte ko at isa-isa silang tiningnan. May ilan pang napakunot ang noo dahil sa pagtataka pero mabilis din nagsilaho.

I cleared my throat.

"Anong meron bakit nandito kayo?" Tanong ko sa isang kawal.

Huwag mong sabihin na nalaman kaagad ni ama ang pagtakas ko!? Ang bilis naman yata!

Huh! Mukhang hindi ka na makakabalik sa gubat.

Tumahimik ka Zaili, baka ikaw ang prituhin ko mamaya?

Oppps!

I signed and wait for their answer. Cross fingers, I hope not.

"Nagkaroon po ng paglusob sa bayan at nagsilabasan ang iilang magical beast sa East Nation. Narito kami upang bantayan ka." Sagot ng isang kawal sabay yuko.

Paglusob sa bayan at paglabas ng ilang magical beast? So, it's not a coincidence na may mountain bull sa South kung saan ang gubat na pinuntahan ko. Kaya ba parang nagmamadali si Camilla sa pag-alis at ni hello saakin ay hindi niya nagawa.

Omg!

Kaya pala safe ang pag-uwi ko ngayon dahil busy ang palasyo. Kaya siguro hindi ako hinahanap nina Carmen dahil inaakala nilang nasa kwarto lang ako. Mahina akong napakamot sa batok.

Not Your Typical FairytaleWhere stories live. Discover now