X

3.1K 159 13
                                    


SHADOWS

****

"Hera my sweet, your the best gift that your mother gave to us. From now on, you're not allowed to go outside...NOOOO!"

huhuhu!

"Your highness!" Sabay na sigaw ng tatlong babaeng kasama ko.

Kanina pa kami nakauwi sa palasyo at kasalukuyan akong nakahiga sa malaki kong kama. Nasa gilid naman nakabantay sina Clara, Helen at Carmen na pare-parehong nag-aalala. Pagkatapos kasi akong yakapin at kausapin ng hari ay pinauwi kami. We didn't use carriage instead they use teleportation. Of course, kasama namin sa pag-uwi ang hari at ang kanang-kamay nitong si William.

Pero hindi iyon ang problema ko!

Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at napatitig sa tatlo. Nakaukit sa mukha ko ang pagka-inis at pagkagulat.

"Wae? Wae, I can't go outside? Wae?" Paghihisterikal ko at ginaya pa si Baek In Ha.

Ganito ang nakikita ko sa kaniya noong nanonood pa ako ng kdrama. At kahit nagmumukha akong tanga sa ginagawa ko ay inulit kong muli.

"Answer me! Wae?!"

Nababanas kong singhal sabay bato ng unan. Mabilis namang lumapit si Helen saakin para ako'y pakalmahin. Si Clara naman ay pinulot ang unan na nahulog sa sahig. Tanging si Carmen lang ang napabuntong-hininga at napailing.

"Prinsesa, hindi namin alam kong ano ang mga salita na iyong binibigkas pero hindi ka dapat sumisigaw." Mahinahon na sabi ni Carmen.

"Prinsesa, huwag sana kayong magalit sa iyong ama sapagkat para naman ito sa iyong ikabubuti." Napataas ang kilay ko.

Aking ikabubuti? Kakalasap ko palang ng kalayaan tapos biglang mawawala na parang bula!?

Napatingin ako kay Clara ng tumabi siya saakin. Hinaplos niya ang mahaba kong buhok at nagsalita.

"Naalala niyo po ba mahal na prinsesa ang naging reaksyon ng Hari ng makita ka."

"Saan dun? Iyong kanina ba?" Takang tanong ko. Mahina itong tumango at ngumiti.

"Nag-aalala ang hari para sa'yo. Kakaiba kasi ang kulay na lumabas sa iyong mga mata. Hindi ito pang karaniwan." paliwanag niya.

I sighed and crossed my arms. I already know about my red eyes. Gaya nga ng sabi ko sunod-sunod na nagsilabasan ang aking elemental powers when I was five. Doon ko rin nasaksihan ang pag-iba ng kulay nito tuwing nakakaramdam ako ng inis at saya. Noong una ay nabahala ako pero kaagad namang nasanay. And I always believe that red symbolize blood and war. And red really suits me because all my life I've been fighting for my freedom.

Patunay na sa susunod na pamumuhay ko bilang prinsesa ay sobrang madugo. Chos!

"Hindi kaya rereglahin na ako?" Out of the blue kung tanong.

Pare-pareho naman silang natahimik at nagkatinginan sa isa't-isa. Malay mo diba sign lang talaga yun na magkakaregla ako. Staka di malabo 'yun, nagdadalaga ako.

"Masyado naman pong maaga, prinsesa." Pag-aalinlangan na sagot ni Clara.

"Walang maaga sa gusto nang magkaregla." Maarte kong sagot.

Not Your Typical FairytaleWhere stories live. Discover now