V

3.7K 168 7
                                    


HISTORY

****

Pagkatapos akong ayusan ng buhok ni Clara ay sya namang paglapit ni Helen upang ayusin ang aking damit. Hinayaan ko na lamang sila at tahimik silang tiningnan.

Limang araw na ang nakalipas simula ng umalis si Shaji upang pumasok sa Arcanthel. Iyon ang pangalan ng akademya, nabalitaan ko rin na itinalaga mona siyang bantay sa kapatid ko. Mabuti naman.

Ang kaso ngalang hindi ako nakatakas sa responsibilidad ko bilang prinsesa.

Kung natakasan ko si Shaji, para sana maglakwatsa. Ang pangangaral naman ni Carmen ang hindi ko matakasan! Gosh, tulad ngayon. Inaayusan nila ako para lang sa study lesson ko. Hindi naman ako papasok sa school, diyan lang naman sa library.

Pambihira..

"Tapos na ba?" Nakasalubong ang kilay kong tanong.

Hindi ako maldita ah, sadyang naiinip lang ako. Mukha namang nasanay na ang tatlo sa papalit-palit kong ugali. Wala na rin akong bantay dahil sa pamimilit ko sa hari. Nangako ako dito na mag-eensayo at hindi aalis sa tabi ng maids ko.

Syempre, eme ko lang 'yun.

"Opo, prinsesa. Excited ka na ba sa bagong pag-aaralan mo ngayon?" malambing na tanong ni Helen.

I just nodded my head and jump out the chair. On cue, Carmen appeared.

"Mahal na prinsesa! Hindi ka dapat tumalon, hindi iyan–"

"gawain ng isang prinsesa... I know, okay." Pagpatuloy ko sa sasabihin nito.

Napabuntong-hininga naman ito at tumango. Habang ang dalawa ay nagpipigil ng tawa. Kailangan ko nang sanayin si Carmen sa pabigla-bigla kong mga galaw. Baka mahimatay siya pag nakita niya akong nagsplit.

"Minsan talaga hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa iyong isipan, prinsesa." Bulong niya. Nagkibit-balikat na lamang ako.

Naglakad ako patungo sa pintuan, mabilis namang binuksan iyon ni Clara kaya nagpasalamat ako sakaniya.

"Thank you, Clara."

"Walang anuman, mahal na prinsesa."

I started walking in this long hallway. Some of the guards na nagpapatrol ay napapayuko para galangin ako, same with other maids. Syempre, gaya nga ng utos ni Carmen ay binati ko din sila pabalik. Ngayon lang 'to kapag tumanda na ako bahala kayo diyan.

Hehe.. ang sama ko ba? Parang hindi naman.

When we reached the library, Mrs. Fina my reading instructor greet me. I have five instructor to be exact and this woman is the first one. I remember her as my milk feeder. Eksakto din kasing nanganak ito at sakaniya ako pinadede. Grabe ang tutol ko nong malaman kong magbebreastfeed siya. Like eww– do I really need to? But in the end kahit anong hindi ko ay no choice ako. Kesa naman na magutom ako at mangayayat. Gross! Ayoko nang maalala, feeling ko nabastos ako.

"Magandang araw sa'yo, your highness." tumango ako.

"Anong ituturo mo ngayon?" seryoso kong tanong.

Honestly, simula nang tumuntong ako ng five years old ay nagsimula na silang turuan ako. Nakakapagod dahil hindi ko naman iyon naranasan sa dati kong buhay. Dahil ang mga batang nasa edad ko hindi tinuturuan ng etiquette lesson kundi ABC or Numbers. Dapat nga sa mga oras na ito ay naglalaro ako!

Ugh, life is sucks!

"Ah! Wala na akong ituturo na lenggwahe at alpabeto sa'yo mahal na prinsesa dahil mabilis kang matuto." puri nito saakin.

Not Your Typical FairytaleWhere stories live. Discover now