VII

3.1K 176 4
                                    


VISITORS

****

"Your highness! Carmen! Helen! Big news!"

Helen stop from combing my hair when Clara suddenly barge in. Hinihingal pa ito habang si Carmen ay agad siyang sinuway sa pagiging maingay niya. I looked at her confused.

Why is she in a hurry?

"Clara, calm down. Ano bang nangyayari?" Tanong ni Carmen sakaniya.

Oo nga ano bang problema at hinihingal 'to. Wag mong sabihin na may dala siyang balita tungkol kay ama at ibabalita niyang patay na siya! Kung ganon ay magiging akin ang lahat ng ari-arian niya!

Bwahahahha!!

Char, kahit dito ba naman ang sama kong anak.

Nandito parin ako sa magarbong silid ng hari. Buong magdamag na nakabantay saakin ang tatlo na hindi na bumalik sakanilang maid chamber. Natatakot yatang may mangyaring masama saakin. Isa pa, hindi rin natulog dito ang hari at buong magdamag daw na nasa office. Hindi pa nila malaman kung sino ang taong nagtangkang patayin ako.

"Visitors..I-I mean..The princess..she have guests!"

"Guest?" Nagtatakang tanong ko. Binalingan ko si Carmen na ngayon ay nakatingin din saakin.

"Hindi kita maintindihan Clara, ano ba ang iyong ibig-sabihin?" Helen asked also confused.

Huminga ng malalim si Clara at tiningnan kami isa-isa.

"The second prince is here for the princess. He is inviting you for a tea, Princess Hera." Madamdaming sabi ni Clara sabay lapit kay Helen.

Nagulat naman si Carmen at mangiyak-iyak namang lumapit si Helen kay Clara.

"This is good news! At last, the prince finally visit the princess!" Masayang bulalas ni Helen na ikinatango ng dalawa.

Habang ako, nakangiwi silang pinagmasdan. Akala ko naman kung ano nang impormasyon ang sasabihin nila. Bibisitahin lang pala ako ng aking kapatid.

That's easy! Wala namang dapat ikatuwa dun! Ang bababaw talaga nila. Matutuwa pa ako kung bibigyan nila ako ng gintong espada eh.

"Ano pang hinihintay natin. Masamang pinag-hihintay ang prinsepe. Princess, kailangan mong magpaganda. Makikilala mo na ang iyong kapatid, sigurado akong nasasabik na kayong magkita." Carmen said almost teary-eyed.

"Isn't father said I can't go outside without his permission?" I said unwillingly.

"Indeed princess but the person who inform me is your highness aide." Clara explained.

Lalo namang ngumiti ng malapad ang dalawa. Ito ang unang beses na nakita kong ngumiti at naging masaya si Carmen. Simula kasi ng isilang ako ay paminsan-minsan lang ito ngumiti. Hindi ko alam kung saan siya nasisiyahan tungkol ba saakin o dahil ba sa pagbisita ng kapatid ko.

Did they really wish this?

Nalaman ko mula sa chismiss ng ibang servants na sinisisi daw ako ng mga prinsepe sa pagkamatay ng reyna. Kaya raw wala silang balak na bisitahin ako dahil may galit ang mga ito saakin.

In my case naman, it's not a problem. Wala nga akong paki-elam eh, as long as I have my treasures and luxury life!

Matapos ang dalawang minutong pag-aayos ay lumabas na din ako. Sabi ni Clara nasa royal garden ang prinsepe upang maghintay. At dahil sa nangyari kagabi, nagkaroon ako ng sampong guardya upang bantayan ako. Kasunod ko naman sina Helen, Carmen at Clara.

Not Your Typical FairytaleWhere stories live. Discover now