Chapter 8: I want to know

Start from the beginning
                                    

"Saka ko nalang ibalik bukas," sagot ko naman. "Sige."

Naigla naman ako nang may iniabot siyang payong sa akin. "Gamitin mo nalang ito." Mas inilapit pa niya sa akin ang itim na payong para maabot ko.

I hesitated for a while but I accepted it eventually. "T-thanks."

Tinignan ni Andrew ang hawak kong payong at saka ang hawak ni Jared. Nagkatinginan naman silang dalawa at parang nagpapalitang ng salita gamit ng kanilang mata.

Tumango si Jared saka iniabot ang payong niya sa akin.

Anong gagawin ko sa dalawang payong?

Hinawakan niya ang kabila kong wrist at saka ibinigay ang payong niya bago kunin ang payong na binigay ni Andrew kanina.

Tinapik naman ni Andrew ang kaibigan sabay ngiti. Muli siyang tumingin sa akin. "Mauna na kami." Bahagyang tumango si Jared bilang pagpaalam.

Ngumiti at tumango din ako bilang tugon sa paalam nila.

Pinagmasdan ko silang dalawa habang naglalakad paalis. Bahagya akong napangiti dahil halos mag-agawan sila sa payong na hawak ni Jared, nag-aagawan kung saan ipoposisyon ang payong. Medyo nababasa tuloy ang balikat nila sa ginagawa nila.

Napatingin ako sa payong na hawak ko. Mas malaki ito kumpara sa payong na gamit nila. Napangiti na lang ako bigla.

Pero agad ding napawi ang mga ito nang may naisip ako bigla. I can't help myself from thinking such negativity.

Binuksan ko na ang payong at dumiritso sa kalsada upang maghintay ng sasakyan. Naabutan kong papasok na si Jared sa sasakyan habang pinapayungan naman siya ni Andrew.

Umalis na ang sasakyan kaya bahagyang umatras si Andrew.

Saktong nagtama ang mga mata namin nang lumingon siya sa gawi ko. Agad naman siyang ngumiti at lumapit sa akin.

"Ang lakas pa rin ng ulan, baka gusto mong magmerienda muna tayo doon." Itinuro niya ang isang convenient store sa may bandang gilid. "Punuan na rin ang mga sasakyan ngayon."

Tatanggihan ko na sana pero pinili kong sumunod nalang sa kanya. May mga bagay din akong gustong itanong sa kanya.

Bumili siya ng cup noodles at pumuwesto kami sa may eating area sa stall. Nagpresenta ako na ako na lang ang magbabayad pero nagpumilit siya kaya wala na akong magawa kundi hayaan na lang siya ang manlibre.

Tahimik kaming kumakain ng noodles na siyang nagpapaawkward ng atmosphere. Maging siya ay hindi rin ata alam ang sasabihin o kung paano sisimulan ang usapan.

"Anong paborito mong ulam?" bigla na lang niyang tanong sa akin na para bang normal lang iyon na tinatanong. Napahawak siya sa batok niya at agad na nag-iwas ng tingin na para bang hindi niya inaasahang iyon ang lalabas sa bibig niya.

Bakit ulam ang tinatanong niya?

Tumingin ako sa cup ko. Halos nakakalahati na ito. "Kahit ano. Hindi ako mapili sa pagkain."

Napansin ko naman ang pagtango niya ng ilang beses. Mula noon, wala nang nagsalita sa amin.

Nang halos maubos ko ang cup of noodles, nilakasan ko ang loob ko para tanungin siya.

Tumingin ako sa kanya. Pangalawang cup na niya iyon ng noodles pero halos maubos na niya iyon. Ang bilis talaga niyang kumain. O mabagal lang talaga ako?

Napansin niya iyon at agad na ibinaba ang cup saka tumingin sa akin. Kumurap-kurap pa ng ilang beses ang mga mata niya.

Huminga ako ng malalim. "Andrew, bakit ba lagi kang namamansin kahit na hindi naman kita pinapansin?"

I AM NOT ALONEWhere stories live. Discover now