Chapter 7: Getting closer

18 0 0
                                    

Chapter 7: Getting closer

Nakatingin lang ako sa guro na nasa harap habang nagsasalita. Naririnig ko ang teacher namin sa Filipino habang ipinaliliwanag ang mga register words pero lumalabas sa kabilang tainga ang mga sinasabi niya.

Buti nalang, natackle na namin ang register noong junior highschool kami. Hindi naman mahirap ang topic na iyon.

Tumingin ako sa mesa ko. Nasa ibabaw nito ang blankong notebook ko at ang kanang kamay ko naman ay may hawak na black ballpen kahit na wala naman talaga akong balak magsulat.

I looked at the clock on top of the board in front. It’s almost quarter to 12. I’m sleepy and hungry. I looked through the window to hide my lazy eyes. I blinked repeatedly then looked at my empty notebook.

Muli ko sanang itataas ang tingin ko sa guro pero nagtanong siya bigla kaya mas pinili kong panatilihin ang tingin ko sa notebook ko. Ayokong matawag ngayon, lalong-lalo na dahil hindi ako makapag-isip ng matino. Inaantok pa ako.

Epekto siguro ito ng pagsabunot nila sa akin kanina. Kahit papaano naalis na ang sakit nito.

“Okay.”

“Sinong gustong magbigay ng example ng register?”

Ilang sandaling walang umimik o gumawa ng ingay. Alam kong ayaw din ng mga kaklase kong matawag. “Davis, magbigay ka ng isang halimbawa ng register.”


Napahinga na lang ako ng maluwag nang hindi ako ang natawag. Nakapagbigay naman yung Davis ng tamang sagot.

Akala ko, isa lang ang tatanungin ni ma’am pero meron pa pala dahil tumawag pa siya ng ibang mga pangalan.

“Ruby, magbigay ka nga ng halimbawa ng register o rehistro.” Mabilis kong iniangat ang tingin ko sa harap. Nakatingin ang guro sa akin pati na rin ang ilan naming mga kaklase.

“Yes ma’am?” Gusto ko sanang ulitin pa ni ma’am yung tanong para mabigyan ako ng panahon para makapag-isip.

“Magbigay ka ng halimbawa ng register sa larangan ng medisina.”

Hindi naman mahirap ang tanong pero hindi talaga gumagana ang ulo ko ngayon. Pinilit kong maghanap ng kung anong maisip ko hanggang sa may maisip ako.

“Ma’am, operasyon po.” Hindi ko alam kung tama yung sinabi ko.

Ngumiti naman siya saka tumango. “Tama. Ano pa?” Uupo na sana ako pero nakatingin pa rin siya sa akin. Humihingi pa ba siya ng sagot sa akin?

“Yes, Ruby, ano pa? Magbigay ka ng dalawa pa.” Napansin ata niyang hindi ako nakikinig sa lecture niya kaya humihingi pa siya ng sagot sa akin. Nakangiti siya habang hinihintay akong magsalita.

Pinigilan ko ang sarili kong ikunot ang noo ko. Pinaparusahan ba niya ako dahil hindi ako nakikinig?


“Maam, hhmm.  Eksaminasyon po at…”

Wala na talaga akong mapiga sa ulo ko kahit pa napag-aralan na namin ito noon.

Kung saan-saan ako tumingin hanggang sa makarating ang paningin ko mesa ko. Naabutan ko ang isang kamay mula sa likuran na pasimpleng inilalapag ang isang papel na may sulat ng isang salita.

“Ah, examination at dressing po ma’am.”

Tumango-tango naman siya saka niya ikumpas ang kamay niya na para bang pinapaupo ako. Nagsimula muli siyang tumawag ng ibang pangalan.

Nang makaupo ako, tumingi ako sa likurang banda kung saan nagmula ang papel. Sinalubong ng paningin ko ang magkatabing magkaibigan.

Ang isa ay nakangiti sa akin habang itinuturo ang isa na tahimik lang na nakatignin sa harap. Nang mapansin niyang nakatingin ako, saka lang niya ako tinignan pero agad ding ibinalik ang tingin sa harap. Kung hindi ako nagkakamali, sa kanya galing ang papel na iyon.

I AM NOT ALONEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora