Chapter 8: I want to know

15 0 0
                                    

Chapter 8: I want to know

Imbes na tumingin sa harap habang nagtuturo ang guro, tumingin ako sa labas. Ang lakas ng ulan ngayon. Kanina lang, napakaliwanag ng kalangitan pero nagsisiunahan ang mga malalaking butil ng mga ulan.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Kahit pa nakasara ang lahat ng bintana, hindi ko pa rin maiwasang manlamig. Hindi ako nagsuot ng jacket o cardigan man lang dahil mainit kaninang umaga. Tanging ang plain white blouse lang ang suot ko.

Napatingin ako sa ilan naming kaklase. Ang ilan ay komportable dahil nakajacket o sweater sila. Ang ilan naman ay gaya kong iniinda ang lamig.

Parang humaba ang isang oras dahil sa malamig na panahon. Nagpaalam na ang guro pero wala ni isang lesson ang nainitindihan ko mula sa mga sinabi niya.

Tumingin ako sa pinto. Huling subject na lang at dismiss na kami pero hanggang ngayon, wala pa ang guro.

Halos manginig na ako sa lamig nang biglang may maramdaman ako sa likuran ko. Agad akong napatingin doon at naabutang inilalagay ni Andrew ang jacket niya sa balikat ko.

"Pagtyagaan mo muna 'to, hindi gaanong mabango 'tong jacket ko." Ngumiti siya saka tumingin sa akin.

Aalisin ko na sana ang damit na nakapatong sa balikat ko pero hinawakan niya ang kamay ko bago pa man umabot ito sa jacket.

"Suotin mo, baka magkasa---."

Napa-aye ang ilan sa mga kaklase namin nang makita kaming dalawa. Mas lalong lumawak naman ang ngiti ng lalaking ito.

"Tama na ang biro," pagpigil niya sa mga kaklase naming habang pinipigil ang pagtaas ng labi niya. Humina naman ang tukso ng mga kaklase namin.

Bago siya bumalik sa kinauupuan niya, muli niya akong kinausap. "Saka mo nalang ibalik sa susunod na araw." Nandoon pa rin ang ngiti niya sa labi niya.

Marahan akong tumango bilang tugon sa sinabi niya.

Kahit nahihiya at naaawkwardan, pinili kong suotin ang jacket dahil sa sobrang lamig. Hindi ko maiwasang maamoy ang jacket niya. Hindi naman ito mabaho o amoy pawis, sadyang amoy lalaki lang talaga at may kunting amoy ng fabric conditioner.

Noong mga nakaraang araw, madalas na din akong makisalo sa table nila. Minsan, sila ang pumupunta sa table ko. Medyo nagiging komportable na rin ako kahit papaano.

And that's what worries me. Natatakot ako na baka mamaya maiiwan akong mag-isa. Na baka hindi nila ako magugustuhan kapag makikilala na talaga nila ako.

I'm afraid they'll leave once they lose interest in me. I'm afraid of being too comfortable and dependent. I don't want to get hurt just in case they'll leave me hanging alone.

















Dahil hindi ako nagdadala ng payong, naiwan ako kasama ng ilang mga estudyante sa harap ng entrance ng school building.

Pinapanood ko lang ang mga estudyanteng naglalakad paalis habang nakapayong. Ang iba naman ay nagsisitakbuhan sa ilalim ng ulan makaalis lang sa campus. Habang ang ilan ay nakikisiksik sa kakilala nilang may payong.

"Oh, Ruby. Wala kang payong?"

Lumingo ako sa bandang gilid. Nakatingin sila sa akin. Napansin ko agad ang hawak nilang payong.

Aalisin ko sana ang jacket para ibalik sa kanya pero pinigilan niya ako. "Huwag na. Saka mo nalang ibalik sa susunod na araw yang jacket."

Hindi ko na ito itinuloy na hubarin dahil naisip kong labhan muna bago ibalik.

I AM NOT ALONEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें