Chapter 2: New beginning

23 0 0
                                    

Chapter 2: New beginning

Bip. Bip. Bip. Bip.

What I heard gave me a clear understanding of the situation. The beeping sound confirmed my thought. I kept my eyes closed.

I’m no longer in a big mass of water, instead, I feel warm and cozy. I can smell disinfectants-a smell that brings so many memories. I can feel the heavy air. I’m not at the bottom of the large river. I’m at a hospital.

And most of all, I’m alive.

Iminulat ko ang aking mga mata. I stared at the ceiling while trying to rewind what happened.

Unti-unting namuo ang mga luha sa aking mga mata. Hinayaan ko lang itong bumagsak papunta sa parte ng buhok at tainga ko.

What was those tears for? Was I grateful for being here? Or do I feel frustrated that it didn’t end the way I thought it would?

Muli akong pumikit pero hinayaan ko parin ang pagdaloy ng mga luha sa aking mata. Hindi ko na dapat tanungin ang sarili ko. Kasi alam ko kung ano ang dahilan ng mga butil ng tubig na ito. Alam ko. Pero sa kabilang banda, natatakot pa rin ako. Natatakot ako kung paano harapin ang mundong ito.

“Good afternoon ma’am, buti gising na kayo. How are you feeling po?” nakangiting bati ng isang nurse na sa tingin ko ay nasa 5 feet na height. Nakatali ang kanyang buhok at nakasuot ng white na uniform.

Pamilyar siya sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga nurse na palagi kong nakikita na pumapasok sa kwarto ni Alexa noon.

May hawak siyang bulaklak at isang box ng pagkain na hindi ko mawari kung ano na agad naman niyang inilapag sa mesa. “Ah, bigay pala ‘to ng isang bisita kanina. Hindi nga lang siya pumasok.”

Nagtaka ako kung sinong bisita, halatang hindi naman ang ate ko. I don’t think my sister would think of buying me flowers, she prefers fruits over those eye pleasers. At mas lalong wala din naman akong kaibigan o kilalang iba para bumisita sa akin.

“Ano po ang pakiramdam ninyo ma’am?” tanong niya nang makalapit na siya sa kinaroroonan ko. Ang weird ng pakiramdam na tinatawag akong ‘ma’am’ kahit pa man mas matanda siya ng ilang taon.

Iniabot niya ang tubig sa akin pero tinignan ko lang ito kaya inilapag niya lamang ito sa mesa malapit sa akin. Chineck niya ang mga vital signs ko at normal naman daw ang mga ito.

Sabi niya, tatawagan lang muna niya ang doctor pero pinigilan ko siya. “I’m okay, no need for the doctor.”

“It must be exhausting right?” malumanay niyang sabi. What would I expect from people who found out I was about to end my life? They will show concern and sympathy just because they find me vulnerable and hopeless. And I hate it. I hate it when people look at me like a pitiful lost dog on the street.

Sumeryoso ang itsura niya at muli niyang ibinuka ang kanyang bibig pero bago pa siya makapagsalita, bumukas ang pinto. Sabay kaming napatingin sa bagong dating.

My sister. She looks so serious but I can sense worry in her eyes.

Mild makeup and a casual-formal getup gives people the impression that she’s in control of herself and her surroundings. From the look in her face, she looks tired, but not all people recognizes it. She’s so good at hiding her emotions that I sometimes can’t even read her face.

Huminga muna siya ng malalim bago maglakad palapit sa amin. Umupo na rin ako sa kama.

Sandaling nag-usap ang ate ko at ang nurse tungkol sa kalagayan ko. Pagkatapos, umalis na rin ang nurse. Ang sabi niya, tatawagan daw niya ang doctor.

I AM NOT ALONEWhere stories live. Discover now