Chapter 5: Taste of home

17 0 0
                                    

Chapter 5: Taste of home

Malamya kong tinahak ang hallway hanggang sa makarating ako sa kalsada upang maghintay ng jeep o taxi. May mga ilan ding mga estudyante ang naghihintay ng sasakyan. Ang ilan naman ay may sariling sundong kotse at driver na naghihintay sa kanila.

“Ingat.”

“Bukas uli.”

“Ingat po sir.”

Pamilyar ang mga boses na iyon kaya awtomatiko akong napatingin sa pinagmumulan ng boses. Binuksan ng isang lalaki ang back seat ng itim na sasakyan na may tatak ng isang mamahaling brand ng sasakyan.

Ang tatlo namang estudyante ay nakatingin lang sa kanya habang papasok siya sa kotse.

What a friendship.

“Una na ako,” sabi niya nang tuluyan na siyang makapasok. Kumaway naman si Kyren at tumango tango ang dalawang kasama niyang lalaki.

Bahagyang yumuko si Kyren para makita ang tao sa loob ng sasakyan.

“Tito, ingat po kayo.”

Muli kong ibinaling ang paningin ko sa harapan. Kahit pumara ang ilan sa mga estudyanteng kasama ko, wala pa ring mga jeep ang humihinto.

Maya-maya ay napadaan ang isang itim na sasakyan at aksidenteng nagtama ang mga mata naming dalawa.

His eyes speak lots of emotions. His eyes look tired. It seems like I was looking at myself.












Nasa tapat pa lang ako ng pinto ng aming bahay pero naaamoy ko na ang mga baked goods mula sa loob.

Pumasok ako at dumiritso sa kusina para tignan ang mga binake ni ate. Naabutan ko pa siya habang kinukuha ang isang pan ng pastry mula sa oven.

“Ruby, halika, magmerienda ka muna.”

Inilapag niya sa stall ang pan at agad na kumuha ng platito.

Gamit ang tong, kumuha siya ng tatlong piraso ng mainit na cookies. Iniabot niya ito sa akin at kinuha ko naman iyon. “Thanks.”

Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang magsalita muli siya. “Wanna eat outside later?”

Matagal ko siyang tinitigan. “Why not. Magpapalit lang ako.” Umakyat na ako sa kwarto para palitan ang school uniform na suot ko.

Tinignan ako ang saril ko sa salamin. I was wearing a black plain medium size shirt with a small white letterings of the word ‘hope’. I paired it with a black skinny jeans and black sneakers.













“Tell me about you and school.” Naglalakad kami ngayon sa mall. Magshoshopping daw si ate.

If I had known earlier, I should have declined her invitation. Akala ko kakain lang kami pero may kasama palang shopping. Buti na lang walang pasok bukas dahil siguradong gagabihin kami dito.

Pumasok kami sa isang apparel shop. Mabuti niyang tinitignan ang mga damit na nakasabit sa racks at nakasuot sa mannequins.

“Pumili ka ng gusto mo.” Bumuntong hininga ako. Nagbibiro ba siya? Alam kong alam niyang hindi ako nagsusuot ng mga damit na nandito sa shop na ito. Dress? Off shoulders? Crop top? Skirt? Come on.

“Hindi ako nagdadamit ng ganito.”

Bahagya naman siyang napangiti. “Don’t worry, I was just kidding.” May kinuha siyang black dress na siguro ay above the knee ang taas para sa kanya at one side lang ang may strap na kailangan pang itali.

I AM NOT ALONEWhere stories live. Discover now