CHAPTER 71: Tokyo Vs. Toyotsu

Magsimula sa umpisa
                                    

"A-ahh haha, wag ka na magalit sakin. Narinig ko naman yung mga sinabi mo eh. Haha." pagdadahilan niya pero nakangiti pa rin si Fujima.

"Ulitin mo nga yung mga sinabi ko." sabi ni Fujima.

"Ipapasa ko lang ang bola." ngumiti si Sendoh sa kanya.

"Yun lang?" tanong ni Fujima.

"Fujima, kumalma ka lang." tinapik ni Hanagata yung kaliwang balikat nya.

"Si Kenji talaga, sinummarize ko yung sinabi mo. Hahahaha." bahagyang tumawa si Sendoh saka binalik kay Mari yung wallet.

"Hala ka." ikling sambit ni Jin sa kanya.

Pero nanatili pa ring nakangiti si Sendoh, at bumulong din siya kay Jin.

"Wag ka ano dyan, hindi ko na nga pinapahalata yung kaba ko sa kanya eh."

Napangiwi si Jin. "Pambihira ka, may pangiti-ngiti ka pa, kabado ka rin naman pala kay Fujima."

Hinilot ni Fujima yung sentido nya saka hinarap si Hanamichi at Kiyota para sabihin ang mga gagawin nila.

"Sakuragi at Kiyota, kayo ang magiging---" hindi natuloy ang sasabihin niya nang makita nya ang dalawa na nagsasakalan.

"Oh anong pakealam ko? Kasalanan ko bang bobo ka?" lintya ni Kiyota kay Hanamichi.

"Sinong bobo? Umaabuso ka na talagang Matsing ka!" singhal ni Hanamichi.

"Ehh ikaw Unggoy! Magkamukha kayo nung Rango!" banat ni Kiyota.

"Ikaw naman mas panget pa kay Kalbong Bakulaw!" ganti rin ni Hanamichi.

"Grrrr Unggoy ka talaga!"

"Matsing!"

"Ampanget mo!"

"Mas panget ka!"

"Ambaho ng bibig mo!"

"Sayo amoy bulok!"

"Hoy, tama na yan!" inawat ng Tatlong-others ang dalawa.

"Nasa game tayo huyy!" suway ni Watanabe sa kanila.

Hinilot ni Fujima ang noo niya. "Jus... Ko... Naman! Puro sila sakit sa ulo!"

"HOY TOKYO TEAM!"

Napatingin silang lahat sa audience area sa kanilang likuran nang may sumigaw.

Namilog ang mga mata ni Sendoh, Fukuda at Ikegami nang makita nila si Koshino na may pasa sa gilid ng mata.

"K-Koshino?" nagulat si Sendoh sa hitsura niya.

"Anong nangyari sayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Fukuda.

"Bakit ganyan ang hitsura mo?" nag-aalalang tanong ni Ikegami.

Pero luminga-linga lang si Koshino bago sumagot.

"Saka ko na lang sasagutin yang mga tanong niyo pagkatapos ng larong ito! Sa ngayon, ipanalo niyo ang laban na'to!" sigaw ni Koshino.

"Pagkatapos, isunod niyo ang Akita!" sabi din ni Takasago habang inaalalayan siya ni Nagano.

Nagulat si Maki, Kiyota at Jin sa anyo niya.

"Hoyy prehh! Bakit may benda yang ulo mo? Anong nangyare prehhh?" parang maiiyak si Kiyota sa hitsura ni Takasago.

Mahina namang napatawa ang Calm Giant ng Kanagawa.

"Ayos lang ako, gasgas lang ito." sagot niya.

"Nung makaharap namin ang Akita Team. Nakakasindak yung awra at pwersa nila, nung naglaro kami, pakiramdam namin wala kami sa basketball court kundi nasa isang battle field." sabi ni Yasuda sa kanila.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon