CHAPTER 67: Tokyo Vs. Toyotsu

Start from the beginning
                                    

"At ang kasalukuyang Top 2 College Team, pakiusap pumunta kayo sa harapan. Mula sa Capital Prefecture ng Japan - TOKYO INTERNATIONAL UNIVERSITY: TOKYO BLACK SAMURAIZ!"

Malakas naman na nagsipituhan ang Apat na Ungas nang magsimula silang maglakad papunta sa gitna.

"TOKYOOOOOOOOO!!!" sigaw nila.

Kasabay nun ang paglantad sa harapan nila ang malaking itim na Banner na may salitang translated into Kanji Character na 'ONE'. Kinuha ni Herai ang isang plastik megaphone saka sumigaw.

"MY FELLOW PLAYERS FROM DIFFERENT DIVISIONS ON THEIR PREFECTURE UNITED AS ONE!," sigaw ni Mari.

"WE ARE ONE!" sigaw naman ng limang kaibigan.

"FROM DIFFERENT TEAMS! BUT NOW STANDING AND PLAYING AS ONE!" sigaw ni Herai.

"WE ARE ONE!"

"FROM RIVALS TO TRUSTWORTHY TEAMMATES!"

"WE ARE ONE!" sa pagkakataong ito ay sumabay na rin sa sigaw nila ang Apat na Ungas.

"Aba! Talagang bumabawi nga sila!" manghang sabi ni Sendoh.

"Sa pagkakataong ito ay pinupuna na nila yung mga panahong hindi sila nakasuporta nung nakaraang laban natin." sabi rin ni Mari.

"Yan ang Girls Basketball Team na'tin." napatingin silang lahat kay Maki.

"TOKYOOOOOOOO!!!

FIGHT OH!

FIGHT OH!

FIGHT OH!

TOKYO!!!" sigaw nilang lahat.

Nabuhayan ang lahat ng myembro ng Tokyo.

"Nakakaengganyo tuloy maglaro dahil sa Cheering squad natin mga prehhh!" masayang sabi ni Kiyota.

"Hindi na masama, kahit hindi yan ang karapat-dapat para sa Henyong ito!" singit ni Hanamichi.

Naningkit naman ang mga mata ni Kiyota. "Ang kapal talaga ng kubal ng mukha mo prehhh! Baka wala kang maiambag sa laro na'tin ngayon?! Unggoy ka talaga!"

"Anong sabe mo?!! Baka ibabangko mamaya eh!" ganti ni Hanamichi.

"Hindi yan mangyayari prehh, Leading Forward ata ako nung nakaraang taon habang ako ang Team Captain ng Kainan! At sa tatlong-taon natin sa haiskul ay hindi ka nakasali sa Mythical Five! Baka ikaw nga 'tong ibabangko mamaya!" pagmamayabang ni Kiyota.

"Kahit hindi ako nakasali sa Mythical Five, isa parin akong Henyo at ang Hari ng Rebound!" pagmamayabang rin ni Hanamichi.

"EWAN KO SAYO!! AMPANGET MO!" Kiyota

"MAS PANGET KA!" Hanamichi

Nagtulakan ng siko si Hanamichi at Kiyota dahil sa inis.

"TOKYO VS. TOYOTSU! GALINGAN NIYO PAREHO." Speaker

"OPO!" sagot ng parehong kuponan.

Sabay naman nagharapan ang parehong kuponan. Sa Team ng Tokyo ay nakatayo ang Team Captain na si Maki, sa Team Toyotsu naman ay si Atsushi Tsuchiya. Nagtinginan ang dati na parehong Star Player na may awrang hindi magpapatalo.

"Ikinagagalak kong makalaro ka ulit, Maki." bati ni Tsuchiya sa kanya.

Sa likuran ni Tsuchiya ay nakatayo ang mga kasamahan nito na kilala nila na nagmula sa iba't-ibang prefectures na sina Rango, Morishige, Godai, Ichiro at Mikoshiba the rest ay ang dating kasamahan ni Morishige sa Meihou High.

"Parehong layunin, at sa pagkakataong ito... hindi mo na ako ulit matatalo." sabi ni Maki sa kanya.

Nakatayo naman sa likuran niya sina Jin, Kiyota, Hanamichi, Sendoh, Ikegami, Fukuda, Hanagata, Fujima at ang Tatlong-others.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️On viuen les histories. Descobreix ara