S.U. 30 Finding the Felon

Start from the beginning
                                    

Lumapit si lola sa kanyang apo at winika, "Iha huwag mo naman sila tratuhin ng ganyan."

"Sagabal sila lola. Sige nakuha niyo na ang gusto niyo kaya pwede na kayong umalis," sabay akyat ng babae sa hagdan.

"Pasensya na kayo mga iho ganyan lang talaga ang apo ko. Nakuha niyo na ba lahat nang kailangan niyong impormasyon?" mabait na sambit ni lola.

"Opo lola. Aalis na kami. Salamat po sa kooperasyon," mabilis kong tugon. Nakita ko kasi ang mga mukha ni Jia at Caiden, halatadong nainis sa babae. Nagpaalam na kami kay lola at naglakad na papunta sa sasakyan.

"That kid sucks!" sigaw ni Caiden.

"Brat girl!" wika ni Jia

"Wicked Kid" sambit ko.

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na nagtawanan. Biruin niyo sabay-sabay naming naibigkas ang mga salitang 'yun sa sobrang inis. At hindi lang 'yun for the first time nakita kong tumawa si Caiden para bang ang aliwalas ng kanyang mukha at walang iniisip na problema. Kapag kasi masungit siya parang binagsakan ng langit at lupa.

Sumakay na kami ng sasakyan at nilisan ang West Elite Village.

Sunod-sunod na ang pinuntahan naming bahay. Sampung address agad ang nabisita namin, lahat ng 'yun ay intact pa rin ang musical box. Ang galing nga eh, lahat gumagana pa. Halatadong iningatang mabuti, half a million ba naman ang presyo kaya imposibleng hindi iingatan kahit ilang taon na ang lumipas.

Inabot na kami ng gabi sa daan, buti hindi pa ako hinanap ni mommy o ni Knox. Bukas daw namin pupuntahan ang natirang walo. Nagkita kita ulit kami nila King sa isang resto-bar na pag-aari pala ni Zaid.

"Yow Hailey kamusta ang bonding ninyong tatlo?" bulong ni Zaid pagkasalubong niya sa akin.

"Bonding?" tanong ko.

"Kahit kailan talaga pagdating sa ganyan nagmamaang-maangan ka."

"Ikaw Zaid tigil tigilan mo ako ah kung ayaw mong masampal ngayon!"

"Chill, biro lang Hailey. Tara na sa table natin," napakamot siya sa kanyang ulo habang naglalakad.

"Guys kain na tayo," tawag naman sa amin ni King.

Naupo kami sa isang mahabang lamesa na nakahiwalay sa maraming tao. VIP area siguro 'tong puwesto namin, maganda ang ambiance at relaxing. Isa-isang inilalapag sa lamesa ang bawat order nila.

"Walang magandang nangyari sa napuntahan namin. Walang possible suspect. Ang iba pa nga hindi na matandaan 'yung laruan, 'nung pinakita namin ang picture saka lang naalala," panimula ni King.

"Kami rin, sa sampung napuntahan lahat ng musical box ay intact pa rin. Actually lahat gumagana pa, matibay din pala ang laruang 'yun!" wika naman ni Jia. 

"Sana bukas may makuha tayong lead," sabat ko naman. 

Nailagay na sa lamesa lahat ng pagkain kaya nagsimula na rin kaming kumuha. Lahat ay seafood at mukhang masasarap. Madami dami na rin akong nakain, ang sarap kasi talaga.

"My loves gusto mo ng squid?" alok ni Jia, sasagot na sana ako nang biglang may nagsalita.

"She has an allergy with squid, try this one Zoe," rinig kong sabi ni Caiden at naglagay ng lobster sa pinggan ko. Paano niya nalaman na may allergy ako sa squid?

Tumingin ako sa kanya with a curious look, "How did you know?" 

"It's just an observation."

"Huh? How come?"

Napatigil naman sa pagkain sina King at lahat sila ay nag-aabang sa isasagot ni Caiden.

"When the waiter served the squid, your face reaction turns upset and aside from that you didn't even take a single glimpse to taste it. I assumed that either you hate it or you're allergic."

SKRIVENA UNIVERSITY BOOK 1 (Complete)Where stories live. Discover now