Chapter 10

14 4 0
                                    

[Chapter 10]
Her Birthday Wish

"JOHN, wala na akong pakialam kung anong sasabihin ng asawa mo. Ngayong nandito na ang anak natin, kailangan nating ihanda ang mga bagay para maging maayos ang kinabukasan niya."

Napakamot na lang ng noo si Batchoy. "Ma, hindi niyo naman kailangang gawin 'to."

Natatawa na lang ako habang pinapanood sila. Nasa kusina na  kami at pinalilibutan ang mesang gawa sa matibay na kahoy.

Nasa gitna ng mesa ang wallet ni Tito Ken, ang atm ni Tita Vera at alkansiya ni Ate Vicky.

"Ate, bakit kailangan mong idamay ang alkansiya ko?"

"Vicky, ikaw ang ninang ni Kean. Kulang pa nga ang laman nito sa ilang taong nawala siya."

"Vera, nag-ooverreact ka na naman. Wala pa nga akong sahod, kukunin mo na ang wallet kong walang laman," reklamo naman ni Tito Ken.

"Ma, may sarili akong ipon." Napatingin silang tatlo kay Batchoy. Nakatutuwa dahil sa tuwing magsasalita si Batchoy ay natatahimik sila at ibinibigay sa kanya ang buong atensiyon. "Hindi na po ako bata. Kinaya ko ngang mabuhay mag-isa, ngayon pa kaya na nakilala ko na kayo?"

Napahawak si Tita Vera sa mga kamay ni Batchoy. "Anak, patawarin mo ako, hindi ko maalala na sa orphanage kita iniwan. Patawarin niyo ako ng Papa mo, hindi ko alam kung bakit kailangan niyo pang danasin 'yon noon. Nasira ang pamilya natin dahil sa akin," puno ng pagsisising sambit ni Tita.

Hinawakan ni Tito Ken ang magkahawak na kamay ni Kean at Tita.

Nagbigay ng senyas si Ate Vicky na iwan muna ang tatlo upang makapag-usap-usap. Tumayo naman ako at nagpaalam. Sumama ako kay Ate Vicky.

"Bili muna tayo ng masarap na ulam sa kanto."

Matangkad si Ate Vicky. Tantiya ko ay nasa late 20's na siya pero mukhang bata pa rin dahil sa kinis ng mukha. Sa kanila siguro namana ni Batchoy ang makinis at maputi niyang kutis.

"Ano nga ulit pangalan mo? Pasensya ka na, 'di na kita napansin kanina. Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa pagbabalik ng pamangkin kong matagal na nawala."

"Ayos lang po 'yon. Ako po si Isla," sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Girlfriend ka ba ni Batchoy?"

Okay, first impression na talaga nila sa akin ay girlfriend ni Batchoy.

"Well. . ."

"Kumusta ang buhay ni Batchoy dati?" Nakangiti si Ate Vicky ngunit nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. "Ang tagal tagal naming naghanap sa kanya. Ang dami naming pagkukulang sa kanya."

"Sandali ko pa lang pong nakilala si Kean pero masasabi kong maayos na ang buhay niya sa mga nakaraang taon." Narating namin ang isang tindahan na nagbebenta ng mga ulam sa tabi ng kalsada. "May mga taong tumulong po sa kanya at marami rin po siyang tinulungan. Wala man siyang permanenteng tirahan dati pero ngayon ay mayro'n na po."

"Nasasaktan pa rin ako sa isiping nagpalaboy lang si Kean. Ni hindi siya nakapag-aral ng wasto. Walang magulang na nag-aruga sa kanya."

Belonging SeasonWhere stories live. Discover now