Chapter 7

14 4 0
                                    

[Chapter 7]
When She Sees His Past

"JOLOGS, wala ka pa bang balak umuwi?"

Nagsilitawan na ang mga bituin sa kalangitan ngunit hindi pa pumapanaw sa paningin ko ang nakaaasar na mukha ni Jologs. Kahit nasa gate na kami ay hindi pa siya lumalabas.

"Esang, wala na ako sa loob ng bahay. Hindi mo na pagmamay-ari ang space na 'to. Kay Ryker na 'to," sagot niya sa akin sabay turo sa buong bakuran.

Sa katatawag niya ng 'Prinsesang Mangkukulam' sa akin, binigyan niya na ako ng nickname. Mas lalo tuloy akong nawirduhan sa kanya dahil ang layo-layo ng Isla sa Esang.

"P'wede bang h'wag mo akong tawaging Esang?"

"Bakit? Maganda naman a. Ikaw kaya ang may pinakamagandang palayaw na bigay ko."

Napailing ako sa kanya. Naging defensive naman ang hitsura niya.

"Totoo a! Si Batchoy ako may bigay ng palayaw niya na Batch kasi siya lang ang ka-batchmate ko noong Grade 6 na kasama kong tumatambay sa palengke noon."

Mas lalong nasira ang mood ko sa sinabi niya. "Seryoso? Kaya pala ang pangit ng pangalan ni Batchoy, ikaw pala ang nagbigay." Imbes na mainsulto sa sinabi ko ay tila naging proud pa siya.

"Ang cute kaya ng Batchoy, bagay sa Esang."

Kunwari ay nabilaukan naman ako sa sinabi niyang 'cute' ang Batchoy. Ngunit nakaramdam ako ng kakaibang excitement sa sinabi niyang bagay kami ni Batchoy.

"Buti pa ang pangalan, bagay."

Right. Pangalan nga lang pala ang bagay. Salamat talaga, Jologs.

"Daanan mo na lang sina Leo ngayon, Ry. Para kami ni Isla ang angkas mo bukas." Napatigil kami ni Jologs at nilingon ang dalawa na naglalakad patungo sa amin.

"Okay na tayo sa Esang ha," bulong ni Jologs. "Swerte mo ako nagpalayaw sa 'yo."

"No, thanks. You can just take it back. I'm fine with Isla," balik na bulong ko.

"Sabay ka na sa 'kin, Jologs." Inilabas ni Ryker ang motorsiklo niya mula sa garahe saka pinaangkas si Jologs.

"Una na 'ko, Boss!"

Sumaludo si Jologs kay Batchoy. Nang ibaling niya ang tingin sa akin ay itinaas ko ang mga kamay.

"Stop. H'wag ka nang magsalita." Tiningnan ko si Ryker na ngumingiting isinuot ang helmet niya. "Ryker, itapon mo na nga 'yang Jologs na 'yan. Siguruhin mong hindi na makakabalik."

Nagtawanan si Batchoy at Ryker sa sinabi ko. Si Jologs naman ay masama ang tingin sa akin. Binigyan ko lang siya ng wacky face saka pumasok sa loob ng bahay na natatawa.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag-alis nina Ryker at ang paglock ni Batchoy ng gate. Pumasok siya ng bahay saka umupo sa silya na nasa tapat ko.

Ngayon ko lang napagtanto na ang hirap ng buhay kung walang sofa ang bahay.

"Hindi ko alam anong mayro'n kay Jologs at inis na inis ka," natatawang panimula ni Batchoy. Kinuha niya ang brown na wallet niya sa bulsa.

Belonging SeasonWhere stories live. Discover now