Chapter 4

27 8 16
                                    

[Chapter 4]
Lies For Her New Life

"ILAGAY mo muna sa baba. Ba't isang unan lang ang dala mo?"

Napamulat ako nang marinig ang pamilyar na mga boses mula sa labas ng bahay.

"Gags! May plano na ba kayong mag-live in?"

Nangunot ang noo ko at nilibot ang paningin. Ngayon ko lang na-appreciate ang pinkish color na walls ng bahay. Nakikita ko rin mula sa nakasarang bintana ang liwanag ng araw.

Bumangon ako at tinanggal ang towel na ginawa kong kumot. Ngayon ko lang ito nasubukan at komportable naman pala siya. Nagmumog at naghilamos muna ako bago lumabas ng bahay.

Sumalubong sa akin ang electric fan, itim na sports bag, pambabaeng tsinelas at damit. May water jug din sa tabi niyon at rice cooker.

Napanganga ako dahil parang tinotoo talaga ni Batchoy ang accomodation na tinutukoy niya kagabi.

"O, gising na pala siya."

Nakanganga kong hinarap si Batchoy na bagong bihis na. "Sa'n galing mga 'to?"

Tumabi si Ryker sa akin na wala pang ligo. "Ginising niya ako ng maaga para rito, Isla." Hinawakan ni Ryker ang ulo niya. "Muntik pa akong mahulog sa motor, nahilo ako sa pagbalik-balik namin dito. E may hangover pa ako."

"May bisita ka sa bahay niyo, hindi ka man lang nahiya, walang kagamit-gamit sa loob."

"Huh?" Nilampasan kami ni Ryker at sinilip ang bahay nila. Napamura ito ng malakas. "Takte. 'Yong pinsan ko kinuha pati ang lumang ref at TV namin!"

Tumabi naman si Batchoy sa kanya at parang inaanalisa ang buong bahay. "May ref pala rito dati? Akala ko ikaw ang kumuha ng TV niyo."

"Batchoy, patay ako kay Mama nito."

Pinanood ko lang ang usapan ng dalawa saka tiningnan ang gamit. May nakaipit doong undies kaya nagulat ako. Kanino kaya ang mga ito?

Sinamaan ko ng tingin ang likod ni Batchoy.

Baka patay na naman ang mag-ari nito!


"FINALLY, nakaligo na rin!"

Fresh na fresh akong lumabas ng banyo. Medyo maluwag ang undies sa akin pero ayos lang naman. Sakto lang ang white shirt at pulang jersey shorts na sa tingin ko ay pag-aari ni Ryker. Buti na lang dahil bagong bili pala ang undies.

Hindi ko rin kayang magreklamo at wala ako sa lugar para magreklamo. Masyado nang nakakahiya ang efforts nila.

Umalis si Ryker at Batchoy dahil kailangan nilang kunin ang mga gamit na nawala kung hindi ay malilintikan si Ryker pati na kami. Kapag nalaman ng nanay niya na ang pinsan na ni Ryker ang gumagamit ng lumang ref at TV nila ay pupuntahan ng nanay niya ang bahay na kasalukuyang tinutuluyan ko.

Malamang ay hindi nagpaalam si Ryker sa nanay niya na may babae siyang pinapatuloy sa lumang bahay nila. Tiyak na malaking issue 'yon sa kanila.

Hindi rin nila ako masasamahan buong araw dahil kailangang magtrabaho ni Batchoy at may lakad si Ryker sa lunch time.

Nagpaalam ako kay Ryker na lilinisin ko ang buong bahay. Mabuti na lang dahil advanced mag-isip si Batchoy. Halatang independent man nga siya. Dinalhan nila ako ng necessities; sabon, shampoo, power, pulbo, lotion, deodorant, bigas, snacks, at mga de lata. May sabon pa para sa paglaba at panghugas ng pinggan.

Belonging SeasonWhere stories live. Discover now