Chapter 2

30 9 19
                                    

[Chapter 2]
When Opposites Attract and Made Contact

"WALA pa ring malay? Mag-iisang araw na siya r'yan, Batchoy."

Kamuntik na akong mapamulat sa narinig. Ano? Isang araw na akong walang malay?

"Gusto ko sanang dalhin sa kubo ni 'Tay Red." Isang boses maangas at boses simple. Hindi ko makita kung sino ang mga nagsasalita. Hindi ko alam paano sila haharapin.

"O? Ba't hindi mo nga dinala?"

"Sa ganda ng kutis n'yan, baka magpalit kami."

Narinig kong humalakhak ang isa. Hindi ko mapigilan ang pagkibot ng aking labi. Gusto ko ring matawa kahit hindi ko pa nakikita ang tinutukoy nitong maipapalit sa akin.

"Ay e bakit 'yan nakangiti?"

Ako ba? Ngumiti ba ako?

"Gising na yata." Naramdaman ko na may lumapit sa akin dahil sa mainit na buga sa leeg ko. "Miss? Miss."

"Umuulan na, Batchoy. 'Yong kambing ko sa sawayan, kukunin ko muna." Matapos ay narinig ko itong tumakbo palayo.

Naramdaman ko na rin ang pagpatak ng tubig. Papalakas na ito.

"Patay tayo nito. Baka masapak ako ni Nanay 'pag nakita niya akong may buhat-buhat na babae," sabi ng lalaking naiwan.

Natagpuan ko na lang ang sarili na buhat-buhat niya. Maingat lang siyang naglalakad at lumalakas na rin ang ulan.

"Kaybigat ng babaeng ito!"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na inihiga niya ako sa matigas na papag. Nang silipin ko ang lugar ay napansin ko na para itong lumang kubo. Ito siguro anbg tinutukoy niyang kubo ng Tatay Red niya.

Dumilim ang paligid at tuluyan nang lumabas ang ambon. Nakarinig ako ng mga kaluskos kaya pumikit akong muli. Gusto kong bumangon dahil sumasakit ang likod ko at nangangalay na rin ang mga paa ko. Ngunit pinapangunahan ako ng takot at hiya.

"Lo, dito na po muna kami tutuloy. Mukhang bukas pa siguro titila ang ulan."

Hindi ko alam na may ibang tao pala sa kubo. Mukha na kasi itong abandonado. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Lumabas siguro siya.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata. Ang alam ko ay may dumukot sa akin at nawalan ako ng malay. Tiningnan ko ang hinihigaan. Napatayo ako kaagad nang makitang marumi ang lumang katre.

"Ni hindi man lang niya nilinis?" naisambit ko sa sarili at nagpagpag ng buhangin sa katawan.

Inikot ko ang paningin. Wala akong nakitang ibang tao sa kubo kaya napataas ang balahibo ko. Kung gayon, sino ang kausap niya kanina?

Maliit ang bahay kubo na ito. May isang mesa at pahabang upuan sa tapat kabilang gilid ng higaan. Napansin ko ang pulang damit na nasa ibabaw ng mesa.

Lumapit ako sa nakabukas na bintana. Ang takip pala niyon ay nasira na. Agad na sumalubong sa akin ang malalaking patak ng ulan at ang malawak at payapang karagatan.

Nakita ko ang isang matipunong lalaki na may bitbit na mga kahoy. Tumatakbo siya palapit sa akin. Wala siyang suot na pang-itaas.

Natigilan ako nang magtagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit para akong napipi. Nakita ko ang pagkagulat niya. Nang makapasok sa kubo ay napatitig siya sa akin.

Belonging SeasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon