CHAPTER 25

1.8K 52 0
                                    

Chapter 25


"Leo... I-I can explain-"

Kumalabog ang puso ko at halos mawalan na ako ng hininga. Leo looks at me from head to toe. Nawalan ng ekspresyon ang kanyang muka matapos akong pagmasdan. Humigpit ang kapit ko sa puting kumot na nakatakip sa aking hubad na katawan.

"Ashka..." halos hindi ko na marinig ang boses niya sa sobrang hina.

Ramdam ko ang namumuong lungkot, sakit, at galit sa kanyang boses pero nanatili ang kanyang maayos na tindig sa labas ng pintuan. My body is trembling, my tears don't stop falling... and he's standing in front of me while the growing loathe is visible on his handsome face.

"Anoushka, I'm sorry!"

Leo's head tilted when he heard Ken Zarzaloga's voice behind me. The anger and loathe grew even more and it was very visible on his face. I gulped.

Napadako ang paningin ko sa pink na teddy bear at isang bouquet ng bulaklak na hawak-hawak ni Leo. Nakaputing t-shirt lang siya at itim na short pero nagsusumigaw parin ang kanyang karisma. Mas lalong nanginig ang aking katawan nang tapunan niya ako ng matalim na tingin.

"S-Senyorito Leo?"

Napatalon ako nang marahas na binitawan ni Leo ang teddy bear at bulaklak at walang ano-ano'y sinugod si Ken sa aking likuran. Hindi kaagad nakahanda si Ken kaya dumapo ang malaking kamao ni Leo sa kanyang muka.

Ken's body kissed the hard floor. Nauna ang kanyang muka sa pagkakatumba kaya sobrang lakas ng impact na pakiramdam ko'y nabiyak ang kanyang ulo dahil doon. Namilog ang aking mga mata.

Nasusuka at nahihilo ako sa oras na ito. Mahinang mahina na rin ang aking pangangatawan pero nakayanan kong pigilan si Leo sa akmang pagsuntok ulit sa nakahandusay nang si Ken.

Bumuhos ulit ang aking luha at lalo lang akong nahihilo sa mga nangyayari. Halos hindi na makatayo si Ken sa sahig. Leo's angry face bore at me. We stared at each other and he looked like he wanted to devour me alive right now in this place.

"Leo... It's not what you think. L-Let me explain-"

Natigil ako nang marahas niyang hawiin ang aking kamay sa mga braso niya. Bumakas ang sakit sa aking muka. Umagang-umaga pero parang nandidilim ang paligid sa ipinapakitang ekspresyon sa akin ngayon ni Leo.

He looks evil, ruthless, angry, and ready to kill. I gulped. My hands tremble as I managed to come closer to him but he stepped backward, avoiding my touch.

"Don't touch me." halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa boses niya.

"Leo..." I cried. My vision became blurrier as the seconds passed by.

Pinagmasdan niya ulit ang puting telang nakatakip sa aking katawan. And I see how disgust devours him. He looks at me like I am the dirtiest woman he has ever known. I feel so low of myself. At sa ipinapakita niyang ekspresyon ngayon, kahit hindi niya sabihin, alam kong nandidiri siya sa akin.

Diring-diri.

"Ashka... I thought you were different." he said in a low tone. I gasped. "I love you but you disappoint me, big time."

I lifted up my face. Our eyes met. Nakita ko kung paano lumandas ang luha sa kanyang mga mata. It pierced my heart so much that it hurt. It hurts seeing him that way because of me... For what I did, for my carelessness, for everything.

Napayuko ako. Kung gaano siya nandidiri sa akin mas pa ang nararamdaman kong pandidiri sa sarili ko. Diring-diri rin ako. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ni Leo pagkatapos nito.

Bed of Flames✅Where stories live. Discover now