Chapter 29

764 48 11
                                    

Traitor

I found myself here in a familiar place again. Sa isang paraiso kung saan madalas kaming magkita ni President Death sa panaginip habang katabi niya ang kanyang puting kabayo.

My face was filled with bewildered expression. Nagsimula akong humakbang para hanapin ang presensya niya pero nabigo ako.

There were no traces of him here. Sa halip na siya ang makita ko, dalawang babaeng nakatalikod ang pumukaw sa atensyon ko.

I slowly took a step towards their direction until I finally saw some of their features.

The other one was wearing a full black sexy attire as if she was a high paid special agent. We're almost the same height. Ang tanging pinagkaiba lamang ay ang maikli niyang buhok na umabot hanggang sa leeg niya lamang.

On the other hand, the woman on the right was just simple. Nakasuot lamang ito ng isang simpleng puting bestida. Mahaba at tuwid ang buhok nito at halos kasingkulay ko lang ang balat.

I wasn't able to see their faces dahil hindi sila humaharap sa akin. I tried to take a small step again so I could see them but I wasn't able to move my body anymore.

Nagtaka ako habang pilit na iginagalaw ang katawan. Pakiramdam ko ay nakakadena ang mga paa ko sa hindi malamang dahilan.

"Who was the fucking douchebag that sent me here in this damn place?" anang nakaitim na babae.

Maski rin pala siya ay nagtataka kung bakit kami nagkita kita rito.

"Hindi ko alam. Malayong malayo ang hitsura ng lugar na ito sa amin. Ito na kaya ang sinasabi nilang portal ng mga diwata?" malumanay at marahang magsalita ang isa pang babae.

Hindi ako nakapagsalita dahil naguguluhan ako sa mga ikinikilos nila. They're acting like they came from a different world.

Alam kong imposible iyon pero matapos kong maalala kung gaano kalakas ang kapangyarihan ni Lunarex, kayang kaya niyang tawagin ang presensya ng iba pang mga mortal sa iba't ibang dimensyon.

"What about you behind me? Don't you want to explain what this damn encounter is all about?"

Natutop ako mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang makapagsalita lalo na nang maramdaman ko ang kakaibang koneksyong dumadaloy sa sistema ko dahil sa pagkikita naming tatlo.

"Siguro ay isang malakas na koneksyon ang nagdala rito sa atin. Maaaring nangangailangan ng tulong ang isa..."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

"Whatever help you are talking about, I don't give a damn about it. My schedule is full. I fucking need to get out of here."

"Sino ba kayo?" awtimatikong lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig ko matapos ang ilang minutong pag iisip.

"Nagmula ako sa angkan ng mga diwata."

Napaawang ang labi ko. Naguguluhan pa rin ako kung tatanggapin ko ba 'yong sinasabi niya.

"My identity is too precious for you to know. I will not tell you unless you give me seven digits." The other short- tempered woman uttered.

Our encounter was just quick. Marami akong gustong itanong at malaman pero ang lahat ng 'yon ay naputol nang maalalimpungatan ako.

Una kong nakita si Lunarex na nasa tabi ko. Mabilis akong napabangon. Alam kong may nalalaman siya sa magulong panaginip na 'yon.

"Did you see them?" 

Deltha: Avenue of the EsotericWhere stories live. Discover now