Chapter 22

734 59 2
                                    

Death

"Karamihan sa mga taong nagwelga kanina sa kapitolyo ay mula sa siyudad ng Ortho. Pilit nilang pinapababa si Dr. Sergei mula sa pagkandidato," pagkwekwento ni Lunarex nang makarating kami sa kinaroroonan nila.

"Why did they do that? Did they know that something was off?" tanong ni Ashanti. 

Kilala ko ang aking mga kabaryo. They wouldn't hesitate to take an action if they discovered that something is wrong.

Napagtanto siguro nila na malaki ang posibilidad na manalo si Dr. Sergei sa darating na eleksyon kaya pilit nila itong pinapababa sa pagkandidato.

"He wouldn't be able to keep his evil desires for so long. I think we should inform the people."

"You're really stupid, Garnet huh? You're the one who witnessed what was actually happening here. They wouldn't stop killing if they keep seeing moles that could hinder their plans."

This time, sumasang ayon ako sa sinabi ni Phaedra. Mas lalong gugulo ang sitwasyon kung pati mga inosenteng tao ay madadamay sa kaguluhang ito. Pero may punto rin naman si Garnet. If people are informed enough, makakaiwas sila sa masamang balak ng mamumuno.

Ngunit huli na ang lahat. It's too late to inform other people now that their minds are already poisoned. Hindi na magbabago ang isip nila sa pagsuporta sa hinahangaang kandidato.

"I know they're coming. Maghanda kayong lahat!" sigaw ni Lunarex kaya't pilit kong inayos yung sarili ko.

Nanghihina pa rin ako at kaagad 'yong nahalata ni Garnet.

"Are you really sure you're alright?" Tumango ako. "Sasamahan kita pabalik ng kotse kung hindi."

I tried my best to act fine. Mabuti na lang at hinayaan nila akong makasama sa misyon na 'to dahil hindi kakayanin ng kunsensya ko na maghintay nalang kung kailan magiging maayos ang lahat dito.

Hindi ko maiwasang matulala nang makarating kami sa sentro. Magulo ang pamilihan. Nagkalat ang dugo. Maraming mga inosenteng tao ang wala ng buhay.

At katulad ng inaasahan, kagagawan iyon ng mga daeva sa pamumuno ni Annaki.

"That piece of shit! I will fucking kill him!" sigaw ni Vlad habang nagmamartsa papalapit sa direksyon namin ang kampon nila.

"Leave him to me," Phaedra exclaimed pertaining to Annaki. Humigpit ang hawak niya sa dalang dagger.

Pagkatapos n'on, mabilis nila kaming inakate. Ramdam ko ang kakaibang lakas ng mga tauhan nila at hindi iyon mabilis patumbahin.

They look so confident na para bang kahit anong mangyari, wala kaming panama sa kanila.

Gamit ang natitirang lakas, sinubukan kong panain ang lahat ng nagtatangkang lumapit sa akin. Muli kong naramdaman ang pagiging isa namin ng armas na hawak ko.

If Evander is here, I'm sure he would be proud of me. Ilang buwan niya na rin akong tinuturuang pumana para maging magaling akong mangangaso noon pero hindi ko iyon matutunan.

"You monkeys think that you'll won over me, really?" Ngumiti si Garnet matapos niyang mapatumba lahat ng kalaban niya.

Napatingin ako sa direksyon ni Severin na nahihirapan sa nangyayari. Nakapailalim siya sa isang daeva na pilit niyang nilalabanan. Kaagad kong pinatama ang pana ko sa direksyon nila.

"You're improving, Dasha." Nakangiting puri niya sa akin.

Sa hindi mabilang na pagkakataon, muli ko na namang naramdaman ang panghihina ng katawan ko. Matapos naming mapatumba ang lahat ng tauhan ni Annaki, hindi namin inaasahan na may darating pang iba.

Deltha: Avenue of the EsotericUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum